Count 44: Pagdalaw.

570 25 1
                                    

PABLO'S POV

"Anong klaseng laro ba itong ni lalaro nyo? At sinong nakaisip sabihin nyo nga sa akin kung sino? Dinadaya nyo ba ako?"

Kanina pa kami ng lalaro ng unggoy-unggoyan nagsawa na sila sa kakabato-bato-pick kaya baraha naman ang inatupag naming anim dito sa sala.

Ganun parin ang mechanics, ang matatalo papahidan sa mukha ng uling mula sa pwet ng kaldero at kung minamalas nga naman ako, palagi akong talo! Mukha na akong taong uling!

"HAHAH uling na nakabrace!" Biro sa akin ni Stell.

"Ano ka ba Stell, wag mo biruin si Pablo nang ganyan lahat naman tayo may uling sa mukha."-Justin.

"Ang Mabuti pa linisin nyo na yang mukha nyo. Uuwi na tayo ngayon."

"HA?! NGAYON NA?! KADARATING LANG NATIN KAHAPON AH!" Napahawak ako sa dalawa kong tenga, nabingi yata ako sa pagsigaw nila.

Tumayo na ako."Wala nang tanong-tanong. Kung gusto nyo pang mag-stay dito then maiwan ang gustong magpa-iwan." Tumingin ako kay Sheeny, pinupunasan nya ng panyo ang pisngi nya. "Sasama ka sa akin, uuwi na tayo."

"Awwww. Wala na uwian na." Sabay sabay nilang sabi.

Sinulyapan ko si Ken, may hawak syang tissue at ipinupunas nya ito sa mukha nya at pagkatapos nun walang imik na syang tumayo at pumunta ng banyo. Hahanap ako ng oras para makausap sya regarding sa natuklasan ko but for now tama na muna ang bakasyon.

Pasimple kong kinuha yung ginamit na tissue ni Ken. Kailangan ko ang isang bagay na nahawakan nya.

Nang hapong ding yun, lahat umuwi kami ng Manila. 5 pm na kami nakarating sa mansion. Pagdating namin sa mansion umalis na rin ako kaagad sakay sa pula kong Ferrari. Habang nasa byahe kami kanina tinext ko na si Jayson na magkita kami sa restaurant kung saan kami nagkita nung ibinigay nya sa akin yung kaso.

Hindi naman ako inabot ng traffic sa edsa kaya mabilis akong nakarating sa restaurant.

Pagpasok ko palang sa lugar, nakita ko kaagad si Jayson sa pinakagilid at mag-isang nyang inu-occupy yung mesa. Umiinom pa ng red wine si mayor. Kagaya ng dati, naka itim na toxedo parin sya.

"Kanina ka pa ba?" Kaagad kong tanong pagkalapit ko sa mesa nya. Umupo ako sa vacant seat.

Ipinatong nya sa ibabaw ng mesa yung baso ng wine. "Hindi naman kadarating ko lang. Balita ko nasa Batangas kayo kanina pero umuwi din kayo kaagad. Gaano ba kaimportante ang sasabihin mo at nagkita pa tayo ng personal. Hindi ba pwedeng puntahan mo nalang ako sa office ko?"

Hinugot ko sa aking bulsa yung panyong nakuha ko sa lumang bahay at ipinatong ito sa harapan mismo ni Jayson. "Gusto kong makuha ang fingerprint na meron sa panyong yan. Ikaw na ang bahala at ibigay mo sa akin ang resulta."

Sinuri nya yung panyo. "Saan mo nakuha ang bagay na'to? Lumang-luma na ang itsura."

"Saan pa ba, eh di doon sa lugar na dinala yung mga batang nakidnap. May nabubuo ng teorya sa isip ko kapag nakuha ko na ng result na gusto ko maaaring matapos natin ang kaso na'to."

Namangha sya sa sinabi ko at napahawak pa sa kanyang bibig, yung gulat pero walang sound. "You mean this thing is a proof of evidence? Do you believe that this handkerchief ay pagmamay-ari ng isa sa mga bata?Grabe! Ibang klase ka talaga Nase! Hindi ako nagkamali sa pag a-assign sa case na'to!" Sa sobrang tuwa nya, pinalakpakan nya pa ako.

"Jayson, can you please stop doing that. Hindi pa ito ang oras para mag-celebrate ka. Ipadala mo na yang panyo sya laboratory para malaman ko sino ang may ari nyan. At isa pa pala---" Dinukot ko din sa bulsa ko yung tissue na ginamit ni Ken kanina. Nakaplastik na yun ng hinihagis ko kay Jayson."---gusto kong malaman kung tutugma pa yung fingprint na nasa panyong yan sa tissue na'to."

COUNTLESSWhere stories live. Discover now