Count 90: Face Reveal.

368 24 16
                                    

KEN'S POV

Nanginginig ang kamay ko habang dinadampot ang baril na inihagis ni Black sa paahan ko. Sino sa mga kaibigan ko ang dapat kong barilin? Sino ang kailangang mag sakripisyo?

Basang-basa na ang mukha ko dahil sa patuloy paring pag-ulan. Hinigpitan ko ang hawak ko sa baril habang tinitingnan ang mga kaibigan kong walang awa na kinakaladkad ng mga kotse kung saan nakatali ang kanilang mga kamay.

Nahihilo na ako sa ginagawa nilang pag-ikot sa amin. Sino ang dapat kong piliin?

Alam ko na kung sino. Nakapagdesisyon na ako.

Unti-unti kong itinaas ang baril sa taong kasama kong nakatayo dito sa gitna. "Black. Kung may tao mang dapat na mawala dito. Ikaw ang nagsimula ng gulong ito, dapat sa'yo din magtapos."

Imbes na matakot, ngumisi lang sya sa akin. Wala ba syang pakialam kahit may nakatutok sa kanya na baril? Hawak ko ang buhay nya at anytime pwede kong kalabitin ang gatelyo ng baril. Wala ba talaga syang kinakatakutan?

Nag-open arms pa sya at humakbang papalapit sa akin. "Sige, Felip. Paputukin mo ang baril na yan. Kill me now."

Lumapat ang nguso ng baril sa dibdib nya. "Bakit hindi mo pa ako barilin, Felip? You have the perfect time to pull the trigger. Oh? Nanginginig ang kamay mo, mahina ka. Hindi mo ako kaya. Hindi mo ako kayang patayin. Disappointed ako sa'yo."

Tama sya, ito na talaga ang pagkakataon ko para barilin sya, pero kahit gaano sya kasama hindi ko magagawang pumatay ng tao. Labag yun sa batas at lalong mali sa mata ng Dyos.

"Tsk. Wala ka talagang kwenta!" Inagaw nya sa akin ang baril at tinadyakan ako sa sikmura. Hindi kaagad ako nakatayo dahil inihampas nya mismo sa batok ko ang baril na hawak nya. "Nagdalawang isip ka na patayin ako pero magkaiba tayong dalawa." Pinaputok nya yung baril hindi ako ang pinatamaan nya, kundi ang bato sa gilid ko.

Sa kabila ng kaba, tumayo parin ako. "Kung talagang magkaiba tayo bakit hindi ako ang binaril mo imbes na yung inosenteng bato."

Itinaas ni Black ang kanyang kanang kamay at kasabay noon ang paghinto ng mga kotseng humihila kina Aning.

Nang tingnan ko sila, hindi man sila makapagsalita dahil sa panyong mga nasa bibig nila, ramdam ko ang pagod na iniinda nila ngayon.

Gusto ko nang tumakbo papunta kay Aning pero may gamit ang isang kamay ni Black, sinakal nya ako at itinutok ang baril sa tapat ng ulo ko. "Kating-kati na talaga akong patayin kayong lahat, kilala mo na ako? Talaga ba? Ano namang pakialam ko kung alam mo na kung sino ang nasa likod ng maskara ko, alam mo ang mukha ko pero ang buong pagkatao ko wala kang alam. Wala kang alam sa lahat ng pinagdaanan ko. Wala kang alam kung gaano ako nag hirap ng dahil sa mga pamilya nyo. Kung anong klaseng nilalang man ako ngayon, kagagawan nyo yun."

Acck! Ang higpit ng pagkakahawak ni Black sa leeg ko! Pakiramdam ko kinakapos na ako hangin. "K-kung a-ano man ang nangyari noon, matagal na yung tapos. Kung ano man ang hirap na pinagdaanan mo, dapat maging lesson nalang sa'yo ang lahat." Ang hirap magsalita!

Ngumisi si Black. "Kalimutan ang lahat? Sa tingin mo talaga ganun lang yun kadali? Nagpakasasa kayo sa kayamanan nyo at nagpakasaya sa buhay samantalang ako kabaliktaran ang nangyari. Mga walang kwenta parin kayo, pagbabayaran nyo ang lahat ng nangyari sa akin at sa pamilya ko."

Patulak akong binitawan ni Black, saktong namang may dalawang tauhan nya ang lumapit naman sa akin at hinawakan nila ako sa tigkabila kong braso. Hindi na ako nagpumiglas pa ng hilain nila ako palayo sa kanilang amo. Gusto ko mang manlaban pero ang katawan ko, pagod na. Nahihirapan narin akong igalaw pa ang binti kong may sugat. Sira ulong Black 'to eh. Hindi nya pinalampas ang sugat ko kanina.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now