Count 16: Soup.

582 30 0
                                    

SHEENY'S POV

"Winter Nase?" Kaano-ano kaya sya ng SB19?

Buhat ng sinabi sa akin ni Stell ang pangalang yun kanina, hindi na sya mawala sa isipan ko.

Winter Nase.

Wait-- Nase? Sound's familiar. Saan ko ba narinig ang apelyedo na yun? Ahhh! Sa Nase University.

Pareho din sila ng last ni Pablo. Ang tanong anong connection nya kay Pablo? Asawa ba sya ni pinuno? At bakit bawal banggitin ang name nya.

Teka nga,puro naman ako tanong sa utak ko, e hindi ko rin naman masagot.

"Hmmmm! Ang bango naman nyang niluluto mo, Sheeny. Amoy palang masarap na."

Ayy kabuteng luto!

"Nagulat ba kita?" Natatawang tanong ni Pablo.

Nandito kasi ako sa kusina, naisipan kong magluto total magaling na naman ako. Sa pagkakaalam ko mag-isa lang ako dito sa kusina kaya talagang nagulat ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Pablo. Naka suot sya ng salamin na transparent.Ang gwapo naman nya!

"Gusto mo bang tikman?" Kumuha ako ng kutsara at sumandok ng kaunti sa soup na niluluto ko. "Mainit ito ha." Hinipan ko muna bago ko isinubo sa bibig ni Lablo ‘yung kutsara.

"Masarap ba? Ano sabihin mo sa akin? May lasa ba, Pablo?" Hindi kasi sya nagsasalita. Ninanamnam nya pa yung nasa bibig nya.

"It's not bad. Nice, Sheeny. Marunong ka pala mag luto." Nag thumps up pa sya sa akin.

Napangiti naman ako. Mabuti nalang nasarapan sya, kung okay naman pala ang luto ko hindi nakakahiyang ipatikim ito sa ibang members ng SB19.

"Malamig ang panahon ngayon, kaya naisipan kong magluto ng chieken soup. Tamang-tama naliligo sina Justin at Josh ngayon pwede silang kumain nito para mainitan ang katawan nila saka para narin kay Ken, may sakit kasi sya ngayon eh." Ipinagpatuloy ko ang paghahalo. Sana lang magustuhan nila ito.

Inilapatan ni Pablo ang kamay nya sa noo ko. Chinicheck nya yata kung may lagnat pa ako. "Ikaw ba wala ka nang sakit? Oo nga, hindi na ganun kainit ang katawan mo. Sure ka bang kaya mo na, baka mabinat ka."

Asus naman, masyado namang maalalahanin itong asawa ko--charoot. "Ano ka ba, okay na ako. Saka hangga't maaari ayoko nung puro higa lang ako.Feeling ko mas lalo akong magkakasakit."

"Luto na ito, okay lang ba kung magpapasama ako sa'yo sa kwarto ni Ken? Gusto ko kasi syang dalhan ng soup eh."

Tumango si Pablo."Sige. I will help you to prepare the soup, pero hindi ako sigurado  na kakainin yan ni Ken. Maarte kasi yun lalo na kapag may sakit."

"Ganun ba? Try lang natin. Para naman magkalaman ang tyan nya, kasalanan ko naman kung bakit sya nagkasakit."

"Hindi mo kasalanan Sheeny. Wala kang kasalanan. Wag kang mag alala. Paparusahan ko lahat ng nambully sayo lalo na yung nagpadala ng picture. Chillax ka lang okay? SB19 ang kasama mo at hindi ka namin papabayaan."

Kung ganito ba naman kaga-gwapo at kababait ang makakasama mo sa buhay mo ayos lang na mabully ako araw-araw. Charot! Wag naman.

Inihanda na namin ni Pablo ang soup kasama ang gamot. Si Pablo na rin ang nagbitbit ng tray habang naglalakad kami patungo sa kwarto ni Ken.

"Nagkakasakit din pala si Ken nuh? Akala ko kahit ang mga sakit takot din sa kanya, hindi din pala." Biro ko habang pumapasok na kami ng kwarto.

"It because Ken is still a human. Halimaw nga lang minsan." Agree ako sayo, Pablo.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now