Count 70: 20th Anniversary (part 2)

472 25 7
                                    

SHEENY'S POV

Second day na nang event at 1 pm ng hapon nagtipon ang lahat ng mga estudyante sa campus gym. Ginaganap kasi ngayon ang Mr. & Ms. N.U.

Dito ako sa malapit sa gilid ng stage puwesto para makunan ko ng malapitan si Zerrin! Maganda ang kinatatayuan ko kaya for sure magagandang pictures din ang makukuha ko!

Infairness dito kay Zerrin, kahit magkaheight lang kami aba kayang kaya sumali sa pageant. Ang alam ko, nagbunutan ang mga kasali kung sino-sino ang magkakapartner at hindi yun by level. Hindi ko alam kung sino ang partner ni Zerrin eh.

Ang iingay ng mga estudyante, hindi pa man magsisimula ang pageant. May kanya-kanya silang bet na candidate pero syempre team Zerrin ako! Wohoooo! Hindi ko kasama ang SB19 ngayon, kasama kasi sila sa sampung mga judges.

Kita ko parin naman sila kaya pasimple akong kumakaway kay Ken na ngayon ay nakatingin din sa akin at ang langga ko nagawa pang mag flying kiss sabay kindat!Aba! Syempre sinalo ko naman! Kilig na kilig yung mga babae sa likod ko akala siguro nila para sa kanila yung flying kiss---mukha nila para sa akin lang yun nuh!

May hawak akong mamahaling digital camera, hiniram ko kay manok kanina. Wala pa naman ang mga kandidata kaya ang SB19 muna ang kinukunan ko ng pictures pero si Ken lang talaga pinipicturan ko hehehe. Camera naman nya ito eh.

Pogi talaga ng langga ko oh!

"Hi Sheeny!" Napalingon ako sa lalaking bigla nalang tumabi sa akin. Nakangiti sya kaya napangiti din ako. Langya, akala ko kung sinong gatas na itong tumabi sa akin, si Randy lang pala.

May hawak syang malaking picture ni Zerrin, obvious naman na isusupport nya din ang kaibigan ko. "Tabi na ako sa'yo ha. Gusto ko makita si Zerrin ng malapitan eh."

Napatango nalang ako. Buti nalang dalawa na kaming sisigaw kay Zerrin. Medyo lumayo lang ako ng kunti kay Randy, ang sama kasi ng tingin ni Ken eh. Hehehe. Social distancing muna tayo pareng Randy. Baka magselos langga ko.

Habang hindi pa nagsisimula ang pageant, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kutis ng katabi ko. Amplowles naman nya, alagang-alaga nya siguro ang balat nya. Mahihiya ang kahit sinong babae na didikit sa kanya Amputi nya kasi talaga! Para syang gatas na nagkaroon ng buhay. Sabagay, artista nga pala sya kaya alaga ang kutis. Tao pa ba sya o bampira na? Tama lang pala na medyo lumayo ako, para kaming kape at gatas eh. Anyways, dapat mag focus ako sa pageant at hindi sa kutis ng koreanong 'to.

Ex ba talaga ito ni Zerrin? Grabe talaga.

Maya-maya pa, mas lumakas na ang hiyawan dahil nagsisimula na. Kasabay ng nakakaindak na background music, isa-isa nang nagsilabasan ng stage ang mga candidates! Lalong lumakas ang sigawan dahil Biniki kaagad ang unang outfit ng mga kalahok. Ang sesexy ng mga babae at ang mga lalaki naman ay nakatopless! Ohhh! Abs! HAHAHA.

Napasigaw ako ng malakas ng lumabas na si Zerrin at ka sunod nya sa likod nya si Klark?! Wahhhh! Sila pala ang magpartner! Lumabas ang kasexihan ni Zerrin sa suot nyang pulang two piece at pak na pak ang lakad nya kahit naka 5 inch heels sya! while si Klark naman ay nakaputi namang ripped jeans! May six pack abs sya oh! Number 10 ang nakaribbon sa kanan nilang kamay.

Sinulyapan ko ang katabi kong si Randy. Hindi sya umiimik dahil tulala lang sya habang sinusundan ng tingin ang kaibigan ko. "She's hot." Dinig kong bulong nya pa.

Kung si Randy natulala, paano nalang kaya si Stell di ba?

Nagtuloy-tuloy na ang pageant matapos magpakilala na ang bawat pares na candidates. Karamihan sa mga nagtalent fortune ay sumayaw, kaibahan lang yung kina Zerrin at Klark. Nag piano si Klark habang si Zerrin naman nagpinta--reverse painting! Yung kapag binaligtad mo may iba pang image na lalabas!

COUNTLESSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora