Count 11: Front Page.

594 31 0
                                    

SHEENY'S POV

"Kamusta ang klase mo, Sheeny?" Kaagad na tanong sakin ni Stell pagkasakay ko ng van. Naabutan kong nagbabasa sya ng libro.

Pauwi na kami ngayon, sabi ko kasi wag na nila akong sunduin sa classroom kaya andito na silang lahat maliban kay Ken.

"Okay lang naman, nakakasabay naman ako." Sa tabi nya ako umupo, kagaya ng nakagawian.

"Wow. That's good."

"Hi, Sheeny." Bati sa akin ni Pablo mula sa passenger seat.

"Hello Pinuno." Ganun na naman sya, nakatutok na naman ang mga mata sa kanyang loptop. Hmmp! Busy, hindi man lang ako nilingon.

Hindi ako binati nina Josh at Justin na nakaupo sa likuran. Pareho kasi silang tulog. Yung ulo ni Justin nakasandal sa bintana at yung ulo naman ni Josh ang nakapatong sa balikat nya. Ang cute naman nila! Ano kayang mga kakulitan ang pinag gagawa nila kaya napagod sila ng ganyan. Tulog na tulog eh, si Josh humihilik pa ng mahina. Si Justin, medyo nakanganga pa.

Natatanaw ko na si Ken, papalapit na sya dito sa sasakyan. Maangas syang naglalakad habang nakasakbit ang kanyang bag sa kanan nyang balikat.

Maglalakad nalang feeling model pa, takte yan.  Akala mo, hindi nahulog sa puno kanina. Teka, okay na kaya sya? Teka nga ulit! Bakit ba ako nag-aalala sa kanya? Pakialam ko ba!

Namumula ako sa tuwing naalala ko yung nakakahiyang nangyari kanina. Bakit kasi si Ken pa ang nakikita ng short ko? Wahhh! Paniguradong katakot-takot na pag-aasar na naman ang matatanggap ko sa mayabang na'to.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong naglalakad?" Sabi nya sa akin nung nakasakay na sya sa likod.

Mukha mo! Ikaw gwapo? Kadiri---okay sige gwapo sya pero manyak. "Naglakad ka lang pero hindi ka gwapo."

"Gwapo ako tapos ang usapan." Masunget nyang sabi saka nya sinara ang pinto ng van.

"Ken, nakuha ka ba ng mangga dun sa garden? Kainin natin sa bahay mamaya ah." Excited na sabi ni Stell. I guess, pinakuha talaga nila si Ken ng mangga kaya nasa garden ang mayabang na yun kanina.

"Oo naman, madami AKONG nakuha." Kahit hindi ko sya nakikita sa likod, alam kong nakangisi na naman sya.

Hoy, Ken! Wag ka ngang mayabang dyan! Ako ang kumuha nun hindi ikaw! Akala ko pa naman magkakabati na kami at hindi na nya ako aasarin kapag kinuha ko sya ng mangga, nagkamali lang pala ako. Pashnea!

Nagsimula ng umandar ang sasakyan, dahil nga busy sina Pablo at Stell sa ginagawa nila at yung dalawang J naman ay tulog sa likuran kaya naging tamihik ang byahe namin, hanggang sa..

"Stell, kilala mo ba yung character na si Stitch?" Biglang natanong ni Ken.

Kaagad ko syang nilingon, nakacrossed arm sya at nakikita ko sa kanya ang nakakaloko nyang ngiti. Arggh! Heto na! Aasarin na nya ako! Hindi ba pwedeng manahimik nalang sya?

Tinapunan ko lang sya ng masamang tingin at ang loko, binelahatan lang nya ako.

Wahhhhh! Wag naman sana nyang banggitin ang nangyari kanina! Hindi ba pwedeng sa aming dalawa nalang yun?

"Bakit mo naman natanong, Ken? Oo, kilala ko sya. Si Stitch yung kulay blue na disney character ‘di ba? Sya yung kaibigan ni Lilo." Sagot ni Stell, tuloy parin sya sa pagbabasa ng libro.

"Nothing, just a random question. Nacute-tan lang ako bigla. Mas cute siguro sya kung design sya ng SHORT or T-shirt di ba?"

Bastos! Bakit kailangang i- emphasized ang word na SHORT? Ano, nang-aasar na ba sya? Kakainis ka talaga, Ken!

COUNTLESSWhere stories live. Discover now