Count 36: Kuya Ken.

604 25 0
                                    

KEN'S POV

Kanina pa ako naghahanap kay Aning pero wala parin hindi ko parin sya makita! Saang lupalop ng campus kaya sya pumunta?

Tsk. Ayokong mag-alala pero hindi ko mapigilang mag-worry. Hindi pa naman kayang ipagtanggol ang sarili nya in case na may mangyari.

Ayaw nya ba talaga magpakita sa akin kasi nagtatampo parin sya dahil hindi ko sya isinayaw kanina? Haist!

May tampo-tampo pa. Lakas ng loob nya magpasuyo hindi ko naman sya jowa.

It's already 10 pm! Where is she? Hanggang 11 lang itong party.  Wait a second, hindi kaya umuwi na sya? Kung ganun, bakit hindi sya nagpaalam sa amin?

"Ken, nakita mo na si Sheeny?" Salubong na tanong sa akin ni Stell pagbalik ko sa table namin.

"I can't see her anywhere." Kami nalang na SB19 ang umoccopy sa table namin, umuwi na yata yung mga dates nila.

"Kanina pa ba sya nawawala at hanggang ngayon hindi pa rin sya bumabalik? What if may nangyari na pala sa kanya tapos nandito lang tayo nag paparty. Ako nalang siguro ang maghahana--"

Heto na naman si Pablo."---Pinuno, stop acting like her boyfriend. Wag kang masyadong mag-alala sa kanya she will be okay." Sa totoo lang nag-aalala din ako pero hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako sa ipinapakitang concern ni Pablo kay Aning.

Tumayo na rin si Pablo. "Paanong hindi ako mag-aalala, Sheeny was under my responsibility." Seryoso ang mga mata ni Pablo nung tumingin sya sa akin, hindi rin ako nagpatalo, I give him my coldest look.

Walang ni isa ang nagsalita sa aming dalawa, para lang kaming nagsusuntukan sa pamamagitan ng mga mata.

"Guys, chill lang kayo. Baka naman umuwi na si Sheeny. Kung magtitigan kayong dalawa dyan parang may lumabas na kidlat na sa inyong mga mata ah." Pumagitna na sa amin si Stell. Si Josh naman ay nasa likod ni Pablo at si Justin ay nakahawak sa braso ko.

"Uuwi nalang din ako. Kung umuwi na nga si Aning, I should check her kung andun na sya kung gusto nyo pang mag party, eh di maiwan ka'yo dito."

Hindi ko na hinintay pa ang mga susunod nilang sasabihin kung meron pa, tumalikod na ako at naglakad palayo.

Sabay-sabay nga pala naming pumunta dito kaya wala akong pagpipilian kundi ang mag commute pauwi.Sana lang may public vehicle pa sa ganitong oras na bumabayahe.

Paglabas ko sa gate ng campus, naglakad ako ng kunti hanggang sa makarating ako sa malapit na waiting shed. Saktong pagtayo ko dun may dumaang tricycle. Mabuti nalang may sasakyan kaagad, ayokong maghintay ng matagal dito nuh.

"Sir, sasakay po kayo?" Tanong sa akin ng driver, magalang naman sya at mukhang hindi nalalayo ang edad sa akin. Sa tingin ko din pauwi na sya pero nadaanan nya ako.

"Ihatid mo ako sa Argentum Mansion ." Hindi naman ako maarte, sumakay na ako sa loob at nagrelax.

Medyo nagulat pa yung driver sa sinabi ko, "Sige po, Sir."

Hindi naman malayo ang Argentum sa totoo lang Ilang kanto lang naman yun mula dito sa university. Tinatamad lang ako maglakad, baka maholdpap pa ako eh. Argentum Mansion ang tawag sa mansion naming SB19. Ang mansion kasi namin at ang ibang ginamit para mabuo ang mansion ay made of real silver. Liban sa gate na gawa naman sa totoong ginto.

Ilang minuto lang din naihatid na ako ni driver at tumigil ang tricycle sa mismong gate ng mansion at dahil galante akong tao ibinigay ko na sa kanya yung buong isang libo ko.

Natulala pa sya sa akin kaya natagalan ang pag-abot nya ng ibinibigay kong pera. "Ikaw po si Ken ng SB19?" Starstruck yata sya sa akin, nanlalaki pa mata nya eh.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now