Count 68: Ex.

478 25 20
                                    

SHEENY'S POV

"Dumating ka na pala, welcome dito sa university namin." Inakbayan pa ni Stell si Randy. "Hindi man lang kami na inform na mag exchange student pala ang isang actor/ singer dito sa University namin. Upo ka dun oh. " Itinuro ni Stell ang isa pang vacant seat sa tabi ni Justin pero si Randy ay sa ibang direksyon nakatingin, kay Zerrin.

"Guys, it's nice to see you again pero may gusto talaga akong makausap ng personal kaya ako umuwi ng Pilipinas.----Zerrin, can we talk? Please kahit ilang minuto lang."

Ang mga mata ni Zerrin ay nagsasabing ayaw nya. Magkasalubong ang dalawa nyang kilay at kita naman na hindi sya komportable na andito si Randy.

"Magkakilala kayo ni Zerrin?" Takang tanong ni Stell kay Randy. Sa tingin ko, hindi nya nagustuhan ang nalaman nya.

Napabuntong hininga na lamang si Randy."Yes, I know her because she is my ex."

"WHAT?!" Actually, sina Justin at Josh lang talaga ang nagreact sa aming table. Sina SPablo, Ken at Stell ay nagulat din naman pero yung natigilan lang.

"She's your ex?" Kay Zerrin na nakabaling si Stell ngayon, gusto nya yatang kompormahin mula kay Zerrin ang sinabi ng lalaki.

Hindi nagsalita si Zerrin, bigla syang tumayo at nagwalk out.

"Zerrin, wag mo naman akong talikuran." Kaagad na humabol si Randy palabas ng cafeteria.

Hindi nakatiis si Stell kaya sumunod din sya sa dalawa. Charay naman nitong si Zerrin dalawang gwapings ang naghahabul.

"Sino ba kasi yung Randy na yun?" Tanong ko nung kami kami nalang ang nandito.

Pinisil ni Ken ang kamay ko sa ilalim ng table. "Sinabi ko na sa'yo kanina, old friend namin sya pero mas kilala sa south Korea, singer at actor sya dun."

Ah. Artista din pala kaya naman pala nagwala ang mga estudyante sa classroom kanina. May oppa nga talaga.

Ang angas naman ng N.U, dito napapadpad ang mga international artist!

"Di ba dati na rumored si Randy na may girlfriend syang taga non-showbiz? Ngayon alam na nating si Zerrin pala yun." Sabi ni Josh.

"Wag nyo na nang isipin pa kung magka-ano-ano sila dati, kalalaki nyong tao napaka chismoso nyo." Kontra naman ni Ken.

"I wonder kung anong mangyayari sa kanilang tatlo. Halata naman na gusto ni Stell si Zerrin kahit hindi nya sabihin. Gusto ko malaman kung ano ang balak nyang gawin ngayon bumalik pala ang ex ni Zerrin, what is more interesting on this issue? Stell and Randy are child hood bestfriend too." Kung makapagsalita naman itong si Pablo parang wala lang sa kanya ang nangyari. Pero totoo ngang nakakahatak ng interest.

Ang taray ng lovelife ni Bes!

Pero, ano nga kaya ang nangyari sa kanila noon? Bakit sila nag break?

***

ZERRIN'S POV

"Zerrin, please talk to me. Harapin mo ako at huwag mo akong takbuhan!"

Arghh! Hanggang dito ba naman sa rooftop, sinusundan nya ako? Hindi ba pwedeng tumigil nalang sya at layuan ako! Mahirap bang intindihin na ayoko syang makausap!

Biglang may humawak sa braso ko at iniharap ako sa kanya. Naabutan na pala ako ng lalaking ito. "Stop right here young lady. Wag mong ubusin ang pasensya ko." Maotoridad nyang sabi.

Marahas kong binawi ang braso ko, hindi ko hahayaang mahawakan nyang muli ang kahit na anong parte ng katawn ko. Nandidiri ako kapag nakikita ko sya. "Ganyan ba talaga kakapal ang mukha mo para sundan ako dito sa Pilipinas? At siguro nga makapal ang mukha mo para magpakita pa sa akin matapos ang ginawa nyo ng kapatid ko. Ako na nga ang lumayo tapos heto ka at magpapakita sa'kin? Wow! Just wow, Randy!"

COUNTLESSWhere stories live. Discover now