Count 56: The Lost Memories.

547 25 3
                                    

KEN'S POV

"Ano ba ang sasabihin mo? Bakit dito pa office ko tayo mag-uusap?" Umupo si Pablo sa swivel chair nya samantalang ako ay nakatayo sa lang sa tapat ng mesa nya.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."Yung tungkol sa kidnapping case ni Celestina, mukhang may kinalaman ako dun. " Seryoso kong pasimula.

Hindi nagpakita ng kahit anong reaksyon si Pablo pero alam kong handa syang makinig.

"Dapat mo rin sigurong malaman 'to. Yung kasamang bata ni Celestina ay walang iba kundi ako."

"Alam ko. Matagal ko nang alam ang tungkol sa bagay na yan."

Naguluhan ako sa sinabi nya. "Ano? Paanong alam mo na ang parte na yun eh ngayon ko palang naman sinasabi ito sa'yo."

"Ken, baka nakakalimutan mo. Dati tayong detectives at magagaling tayo sa deductions." Mula sa drawer ng mesa nya, isang brown envelope ang ipinatong nya sa mesa. "Paano ko nalaman? See it for yourself. Nandyan sa loob ng envelope ang sagot."

Kinuha ko yung envelope at tiningnan ang laman nun. Isang medical test. Napailing ako ng ulo sa nabasa ko.

"Nung pumunta tayo sa Batangas, tinungo ko ang lumang bahay na nasa tuktok ng burol. Sa pagbaba kasali na baka may matagpuan pa akong ebidensya na maaaring makapagturo kung nasaan ang batang si Celestina. Natagpuan ko ang bagay na'to--" Isang lumang panyong nakaplastick ang sunod nyang ipinatong sa mesa. Pamilyar sa akin yung bagay na yun. "--pamilyar ba sa'yo? Nakuha ko ang panyo na yan, may tatlong letra ang nakaburda sa tela, FJS stand for Felip Jhon Suson na nagpalakas ng teyorya ko. Pasimple akong kumuha ng tissue na ginamit mo at dinala sa isang lab para makita ang resulta. At hawak mo na nga ang lumabas na resulta. Ang finger print na nasa panyo at ang finger print na nasa tissue ay match."

Hindi ako makapaniwala. Matagal na palang alam ni Pablo ang tungkol dito. Napakagaling. Kaya pala pilit syang nagtatanong sa akin ng tungkol kay Celestina.

"Ngayon Ken, alam mo na siguro kung bakit ako madalas nagtatanong sa'yo tungkol kay Celestina. Naalala mo na ba ang lahat? Handa ka na bang magkwento sa akin?"

Umiling ako. "Hindi ko pa naalala ang lahat bigyan mo ako ng panahon."

"Maikli nalang ang panahon meron ako para matapos ang misyon ko. Sana maalala mo na ng lahat para mahanap natin si Celestina. Kapag bumalik na ang lahat mo maaari nating malaman kung ano ang nangyari sa kanya."

"Celestina pala ang pangalan nya. Napakagandang pangalan. Alam mo bang noong una ko syang nakita doon sa kwartong pinagdalhan sa kanya noon, at bago ko sya tangkang maitakas, ayaw nyang sabihin ang pangalan nya sa akin kaya ibinigay ko sa kanya ang pangalang nakuha ko lamang sa isang libro na kasama nya sa kwarto."

"At anong pangalan naman yun?"

Napangiti ako. Hindi ko kasi alam kung nagkataon lang bang magkapangalan sila ng babaeng gusto ko. "Tinawag ko sya noong Aning."

"Wow, sa dinami-dami ng pangalan talagang magkapareho pa sila ni Sheeny."

"Pablo may isa pa akong ipinagtataka. Kung ako nga yung kasama ni Celestina pero bakit wala akong maalala. Parang may kulang sa pagkatao ko. Wala akong maalala sa ibang pangyayari noong bata pa ako. Naaksidente ba ako dati tapos nagkaamnesia?"

Bumuntong hininga si Pablo. Isang brown envelope na naman ang inabot nya sa akin."Panahon na siguro para malaman mo ang tungkol sa bagay na yan. Sorry Ken kung ngayon ko lang ipapaalam sa'yo yan ako kasi kelan ko lang din nalaman ang tungkol dyan. Sana mapatawad mo si Dad." Tinapik nga ang balikat ko. "Maiwan na kita. Mag-usap nalang tayo kapag naalala mo na ang lahat."

COUNTLESSUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum