Count 93: His Life. (Part 2)

367 22 7
                                    

KLARK'S POV

Sa bansang napakalamig din ang klima, limang taon ako ng una kong makilala si Celestina.

"Mama, sino po sya?" Inosente kong tanong habang nakatunghay sa sanggol na babae na nakahiga sa kunang gawa sa mamahaling kahoy.

May hawak ba bote ng gatas ang maliit na sanggol at nakangiti sya sa akin kahit na wala pa syang ngipin. Maging ako ay nadadala na rin sa kanyang pag-ngiti, natutuwa yata sya sa akin. Ang ganda ng mata nya, may pagka light brown. Naakit akong tingnan sya.

"Ang pangalan nya ay Celestina. Sya ang anak nina Mr. and Mrs. Barrison at ako na ang mag-aalaga sa kanya. Ako ang itinalagang yaya ng magiging taga pagmana ng mga Barrison." Sagot sa akin ni mama habang inaayos nya ang kumot ng sanggol.

Isang Filipina ang nanay ko kaya marunong akong magtagalog.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Celestina, higit na mas malaki ang kwarto nya kesa sa bahay namin. Napakayaman kasi nila, isinasama ako ni mama dito sa mansion ng mga Barrison dahil wala rin namang mag-aalaga sa akin sa bahay namin. Si papa naman, busy sya sa paghahanap ng bago trabaho.

"Talaga po? Pwede din po akong mag-alaga sa kanya? Kapag lumaki na po ba sya pwede ko na syang makalaro?"

Hinalikan ni mama ang noo ko bago sumagot. "Oo naman, sabay natin syang aalagaan. Okay ba yun?"

"Opo!"

Mula ng unang araw na makilala ko si Celestina, palagi narin akong nakabantay sa kanya.

Palaging busy sa trabaho ang mga magulang nya kaya madalas sa amin sya naiiwan.

Narinig ko ang una nyang salita, nakita ko kung paano nya ginawa ang una nyang paghakbang.

Nakita ko syang lumaki hanggang sa tumuntong sya sa edad na anim at ako naman ay labing isang taon na.

Palagi kaming magkasama at ako narin ang naging kalaro nya. Tinatawag nya akong kuya pero sa totoo lang hindi ko gusto yun. Hindi kasi isang kapatid lang ang Turing ko sa kanya, nangako ako sa sarili ko na sya ang papakasalan ko kapag nasa tamang edad na kami.

Gusto kong kunin ang loob nya habang bata pa sya para paglaki nya malapit na kami sa isat-isa.

***

"Celestina, may ibibigay ako sa'yo." Sabi ko sa kanya habang pareho kaming nakaupo sa malamig na snow.

December na kasi kaya heto at umuulan na naman ng snow. Mahilig maglaro sa snow si Celestina kapag ganitong season. Syempre, ako lang naman madalas ang kasama nya at kalaro.

"What it is? A gift? Ohh! I love gifts!" Excited nyang sabi at napapapalakpak pa sya.

Ang ganda talaga nya, mukha syang manika! Kelan ba kasi kami tutungtong sa tamang edad? Gusto ko na syang mapakasalan!

Mula sa bulsa ng jacket ko, dinukot ko ang isang maliit na kulay pulang kahon. "I will give you this as a sign of my love."

Natawa lang sya sa sinabi ko at binato nya pa ako ng snow sa mukha ko.

" Argggh! Ang lamig nun ah" Reklamo ko. "Can you please stop throwing a snow ball to my face? Its really cold."

"HAHAHA you're so funny, kuya Klark. What's the thing inside the box? I really want to see it! It's that for me, right?" Natatawa parin sya.

Mas excited talaga sya sa ibibigay ko kesa sa sasabihin ko. Ayos lang na pagtawanan nya ang confession ko. Hindi naman masakit.

Hindi nya siguro naiintindihan kung ano ang gusto kong sabihin. Sino nga ba naman ang batang mag-coconfess ng love sa edad na sampo di ba? Ang aga ko naman lumande pero mas okay na yung ganito, hangga't bata pa sya alam nyang andito lang ako sa tabi nya. Okay lang yan,ulitin ko nalang confession ko kapag malaki na kami.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now