Count 59: "You are my gold and I am your silver."

658 27 14
                                    

KEN'S POV

Seryoso akong nakatitig ngayon sa itim na colored paper na nasa ibabaw ng desk ko.This black paper reminds me the mask of the person I hated the most.

Ang itim nyang maskara ay walang pinagkaiba sa itim nyang pagkatao. Ang kapal ng mukha nyang magpakita pa sa akin matapos ang ginawa nyang krimen kay Winter.

Ang tagal ko syang hinahanap at ngayon bumalik na sya. Well, but this time hindi na ako mahihirapan pang hanapin sya. Hindi naman pala nya ako kayang tiisin. Magpapakita sya sa akin kung kelan nya gustuhin.

Subalit, ang lahat ng sakit na kinalimutan ko noon ay katulad din nyang nagbalik. Hindi ko sya naipakulong noon pero ngayon sisiguraduhin ko nang sa loob ng rehas ang bagsak nya.

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ganun sya kakaiba? Nabanggit nya na may nagawa ako sa kanya kaya sya may malaking galit sa akin. Masyado daw akong pakialamero. Pero ang nakakapagtaka, ano ang naging kasalanan ko? Kung sisihin nya ako parang sinira ko ang buhay nya.

That man is a mysterious. Sino sya? Bakit galit na galit sya akin?

Idinaan ko nalang ang inis ko sa paglamukos sa papel na nasa harap ko. Kung galit sya sa akin, bakit hindi nalang ako ang ginantihan nya? Bakit si Winter pa?!

Isa lang ang alam ko, hindi magandang senyales ang pagbabalik nya. Si Sheeny, paano nya nalaman ang pangalan ni Aning? Minamanmanan nya ba ako?

Hinawakan ko ang kwintas na kulay silver na kapares ng kwintas na ibinigay ko kay Aning. Kailangan ko syang protekhan. Dalawang babae na sa buhay ko ang hindi ko nailigtas. Una si Celestina at ang pangalawa ay si Winter. Hindi na ako papayag na sa pagkakataong ito mawala pa sa akin si Aning.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ngayon. Ayos ka lang ba?" Si Pablo, nakaupo sya sa upuan nya at nagkrus ang mga binti. Prinsipe kung umupo ah. Himala, hindi sya naka harap ngayon sa loptop nya. Usually, kapag nandito kami sa classroom hindi sya humihiwalay sa loptop nya.

"Wala akong iniisip." Wala akong balak sabihin ang tungkol sa pagbabalik nung hangal na pumatay kay Winter. Saka ko nalang sasabihin.

"Ken, galit ka ba sa akin?" Tanong nya. Nakikita ko din ang pag-aalala sa mga mata nya.

Umiling ako."Galit saan? Sa ginawa ng daddy mo na alisin ang mga ala-ala ko? Kung magagalit man ako para saan pa? 12 years na ang lumipas at wala na akong magagawa tungkol dun. Hindi ko alam kung ano ang rason nya kung bakit ginawa nya ang bagay na yun sa akin. He took half of my life but there's nothing I can do about it. Nakaraan na yun."

Ang totoo, wala na akong nararamdaman na kahit anong galit sa ginawa ng daddy ni Pablo, Pero hindi parin maiaalis sa akin ang pagtataka kung bakit nangyari yun.

Bumuntong hininga si Pablo. "Kung hindi yun ginawa ni Dad, baka malamang ngayon nahanap na si Celestina at naging witness ka pa sana sa nangyaring kidnapping. I was also wondering, bakit nga kaya sya gumawa ng ganung bagay. Ang nagpapagulo pa sa isip ko. Hinawakan din ni Dad ang kaso ni Celestina pero bakit hindi nya tinapos kung alam naman nya palang may nakakaalam ng nangyari."

Makahulugan akong tumingin sa kanya. "What do you mean about that? Baka hindi nya talaga tinapos ang kaso kasi may itinatago sya. Sound suspicious pero panibagong misteryo para sa kaso. Una, yung mga kidnappers ay nasa bahay ng uncle ko, at pangalawa bakit inalis ng daddy mo ang ala-ala ko. Sa tingin mo may kinalaman ang uncle ko at daddy mo sa kaso?"

Nagsalubong ang dalawang kilay si Pablo, hindi nya yata nagustuhan ang sinabi ko. "You mean baka may kinalaman sila sa pagkidnap sa anak ng bilyonaryong si Celestina? That's impossible pero nabubuo ko narin ang theory na yan sa isip ko. Masakit man sa kalooban ko Pero hindi ko maiwasang hindi maghinala."

COUNTLESSWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu