Count 76: Maghihintay.

456 24 8
                                    

KEN'S POV

“Dala ng malakas na buhos ng ulan at madulas na daan ang member ng kilalang ppop boygroup na SB19 na si Ken Suson, ay naaksidente sa kanyang pagmomoto---"

Hindi na natapos ang sinasabi ng babaeng anchor sa balita dahil pinatay ni Josh ang tv at inihagis nalang basta ang remote sa kama ko. "Ikaw laman ng mga balita ngayon. Apakadramatic pre, tamang habol lang ng langga mo habang nagmomotor at malakas ang ulan. Kaya lang hindi ka marunong mag-ingat. Paano na career mo nyan kung nabali ang binti mo eh di hindi ka na nakasayaw."

Dalawang oras na ang nakalipas simula ng dalhin ako dito sa St. Luke Hospital. Nasa private ward ako kaya wala akong ibang kasamang pasyente. Nakahiga ang kalahati ng katawan ko sa kama habang naka sandal ang likod ko sa head board. At nandito nga ‘yung tatlo, nakapalibot ng kama ko na kaagad sumugod kanina ng malaman nila ang nangyari.

"Hoy, Josh. Makasermon ka naman dyan umaasta kang manager natin nakow naman. Aksidente yung nangyari, malay ba naman na may mangyayari." Sabi ni Justin. Kausap nya si Josh pero sa orange fruit sa nakatingin. Tinanggalan nya kasi ng balat yung prutas. "Ang mahalaga safe si Ken." Dagdag pa nya sabay subo ng binalatan nya.

"Hoy ka din Justin. Pinabalatan ko sa'yo yang lrange fruit para ibigay at ipakain natin kay Ken, hindi ko sinabing lamunin mo." Inagaw ni Josh ‘yung prutas sa kamay ng maknae namin.

"Damot! Tinitikman ko lang naman. Di ba may taong galit kay Ken? What if ‘yung binilhan natin ng prutas ay inutusan pala ni Black tapos ‘yang orange na yan ay may lason pala! Hala! Baka lasu---Aray naman! Wala naman ganyanan!" Nagpout si Justin. Binatukan kasi sya ni Josh.

"Josh, Justin. Tama na nga ‘yang kalokohan nya. Hindi dapat tayo nag-iingay dito." Saway ni Stell. Bumaling ang nag-aalalang mukha nya sa akin. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Masakit parin ang binti mo?"

Alanganin akong tumango. Pinakiramdam ko ang kaliwa ‘kong binti na balot na balot ng benda ngayon. Mahapdi at kumikirot. Sabi ng doktor, nagasgasan lang ang binti ko at hindi naman daw nabali.

Pero alam ko may iba pang mas masakit na nararamdaman ko ngayon. Sinapo ko ang dibdin ko kung nasaan ang tumitibok kong puso. Napangiti ako ng mapait ng maalala ko ang mukha nya. "Ang sakit ng na meron sa binti ko ngayon ay hindi kayang tumbasan ang sakit na meron sa puso ko."

Napayuko ako at nalukot ko ang bed sheet. Pinigilan ko ang pag-iyak sa harap nila, masakit pero hindi dapat ako umiyak. "Hindi man lang kami nag-kausap bago sya umalis. Masakit para sa akin na basta nalang nya ako iniwan. Ganun na lang ba yun? Iiwan nalang nya ako basta? Hindi man lang sya nagpaalam nang maayos."

Sinubukan ni Stell na hawakan ako pero tinuro ko ang nakasarang pinto. Napabuntong hininga sila senyales na na nakuha nila ang ibig ‘kong sabihin. "Please, iwanan nyo muna ako. Gusto ko lang mapag-isa, makapag-isip-isip at makapagpahinga."

Wala na akong narinig na nagsalita pa o tumutol man lang sa sinabi ko. Mga paghakbang ng mga paa ang tanging maririnig. Si Stell ang nagbukas ng pinto pero unang lumabas si Josh, sunod si Justin. Bago pa man lumabas si Stell, muli syang bumaling sa akin at ngumiti. "May mga security personnel dito sa labas ng kwarto mo. Wag kang mag-alala dahil walang reporter or media ang makakapasok dito para istorbohin ang pagpapahinga mo." Pagkatapos nyang sabihin yun, tuluyan na syang lumabas.

Naging tahimik ang buong kwarto at natulala nalang ako. Hawak ng aking kamay ang pendant ng silver necklace na hanggang ngayon ay nasa leeg ko pa din.

Aning? Ano ang dahilan nya para gawin 'to sa akin? Galit pa rin ba sya dahil sa nakita nya kami ni Glaiza sa isang kama? I swear wala akong alam doon at wala akong kasalanan! Oo nga pala, umalis sya dahil sumama na sya sa tunay nyang pamilya pero sana man lang di ba nagpaalam sya sa akin. Hindi ‘yung ganito na iniwan nalang nya ako bigla ng hindi man lang nagpapaalam. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o hindi. I don't know.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now