Count 98: Dito lang Kami.

401 20 0
                                    

KEN'S POV

Matapos ang pagtatanan namin ni Aning na hindi rin naman nagtagal, hindi ko na alam ang sunod pang nangyari. Hindi ko alam kung saang ospital dinala si Aning ng daddy nya, dahil kahit anong pilit kong bawiin sya hindi magawa dahil sa mga tauhan ng papa nya na pumipigil sa akin.

Inihatid nalang nila ako pabalik sa mansion at parang zombie akong naglalakad papasok sa double door.

Tumigil na ang pag-iyak ko pero nandito parin yung lungkot sa puso ko.

Kanina lang naman masayang masaya pa kami ni Aning, tapos bigla nalang matatapos ng ganun. Damn! Bakit ba kasi sya, inatake ng asthma nya!

Hindi ko kayang wala si Aning.

Ibalik nyo sya sa akin.

Ang daddy nya? Galit na galit sa akin. Siguradong hindi nya ibabalik sa akin ang babaeng mahal ko.

Katapusan na ng mundo ko.

"Guys, ANDITO NA SI KEN!!" Boses yun ni Stell, sinalubong nya ako ng malapit na ako sa sala. "Ken? Anyare sa'yo? Buhay ka pa ba? Para ka namang wala na ang kaluluwa sa itsura mo. Halika nga, umupo ka muna." Inalalayan akong makaupo ni Stell sa couch.

"Ken, ano ang pumasok dyan sa utak mo at naisipan mong itanan si Sheeny? Nahihibang ka na ba talaga?" Rinig kong sabi ni Pablo. Pababa sya ng hagdan. "Kung hindi pa ako tinawagan ni Pein, hindi namin malalaman ang kalokohang ginawa mo." Dagdag pa nya, nakarating na sya sa pwesto namin at tumayo sya sa harap ko at nag crossed arm.

"Saka si Pein din nagsabi sa amin tungkol sa ginawa sa'yo ng lolo mo, Ken. Nakakalungkot ang sinapit mo ng dahil sa pag-ibig." Pailing-iling na sabi ni Stell na ngayon ay katabi ko.

Takte, na-i-broadcast kaagad ng loko ang mga ganap sa buhay ko ah.

Napaangat ako ng tingin. "Si Pein? Sa Pein ang nagsabi sa inyo ng ginawa ko? Tsk. Eh sya naman nagsuggest na itanan ko si Aning eh---Aray! Bakit mo naman ako binatukan?!" Siraulong Stell 'to! Batukan daw ba ako, eh ang bigat bigat ng kamay nya.

"Alam mo, Ken. Hindi ka na naman maintindihan. Kung ano-anong bagay na ang pumapasok sa utak mo. Hindi porket nagsuggest yung tao, susunduin mo na. Optional nga kasi yun, pre. Hindi lang pagbatok ang gusto kong gawin sa'yo eh, gusto ko din sapakin ka. " Itinaas ni Stell ang kamao nya at parang susuntukin na nya ako. "Nanggigigil ako sa'yo!"

"Stell, tama na nga yan. Hindi na makakatulong kay Sheeny kung ano man ang gagawin mo dyan kay Ken."

Napatayo na ako sa sinabi ni Pablo. "Kanina bago sya kunin sakin ng daddy nya, inatake sya ng asthma nya---" Hinawakan ko ang tigkabilang balikat ni Pablo."---Tell me, saang hospital dinala si Aning. Sabihin mo sa akin, Please." Kulang nalang lumuhod ako sa harap ni Sejun. Gusto kong makita ulit si Aning!

Inalis ni Pablo ang pagkakahawak ko sa braso nya at napabuntong hininga ito. "Tinawagan ako ng daddy ni Sheeny kanina, gusto nyang ipaabot sa'yo na galit sya. Kahit alam ko kung saang hospital dinala ang girlfriend mo. Hindi ko yun, pwedeng sabihin sa'yo. Sorry, Ken."

Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot. Wala akong mapapala kung magmamakaawa ako kay Pablo, kilala ko sya. Kapag inutos sa kanya, yun lang ang kanyang gagawin. "Maging kayo, parang pinaparamdam nyo sa akin na tumututol na kayo sa aming dalawa ni Aning." Nanlulumo akong bumalik sa pagkaka-upo. Isinandal ko ang likod ko sa backrest at napapikit nalang.

Ano na ang gagawin ko? Paano ko mababawi si Aning? Akala ko kanina pwede na kaming magsimula ng bagong chapter sa buhay naming dalawa, pero naudlot na naman.

Muli akong napamulat."Teka, may isa pa akong ipinagtataka."

"And what it is?" Tanong ni Pablo. Nananatili parin syang nakatayo.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now