Count 78: Celebration (Part 2)

446 25 5
                                    

SHEENY'S POV

"Ano nakita mo na ba?" Tanong ko kay Randy habang nasa likod nya ako at nakakapit sa coat nya.

Nandito kami ni Randy, nakatago sa likod ng isa puting makapal na kurtina. Pareho kaming pasimpleng tumitingin-tingin sa mga guest na may kanya-kanyang mundo.

Malapit na magsimula ang party pero heto kami ng pinsan ko parang mga engot na nakatago sa mga tao.

Madami ang nagbago sa buhay ko simula ng makasama ko ang totoo 'kong pamilya pero kahit gaano pa kami kayaman o gaano man katanyag o kilala ang mga magulang ko, wala paring nagbago sa ugali ko.

Si Randy, sa loob ng isang buwan naging close talaga kami. Sya ang tumutulong sa akin kapag may hindi ako maintindihan sa mga bagay na pinag-aarlan ko sa mansion. Pero dahil sa N.U parin sya nag-aaral, araw-araw syang umuuwi sa London pagkatapos ng klase. Charay nuh? Iba talaga kapag may sariling eroplano at sariling airport. Pwede kang umalis kahit anong oras at araw na gustuhin mo.

Napakiusapan ko din sya na wag muna akong babanggitin kay Zerrin, for sure ang bestfriend ko miss na miss na din ako.

Isang linggo bago ako magbirthday. Umuwi na kami dito sa Pilipinas.Dito na daw sa bansa gaganapin ang kaarawan ko kaya pag-uwi palang namin dito sa mansion ko daw---para sa akin daw pala talaga ang lugar ito. Ibang klase talaga ang mayayaman nuh? Ang bobongga ng mga regalo. Mantakin nyo, isang buong mansion ang regalo sa akin. Sabi ni Mommy, para daw kapag nag-asawa na ako hindi ko na popobrolemahin pa ang bahay. Advance din talaga mag isip ang parents ko. Asawa kaagad ang nasa isip bago pa nga lang ako nag 19.

"Hoy! Randy! Sabi ko kung nakita mo na?" Muli ko syang kinalabit para mapansin nya ako. Kandahahaba na kasi ang leeg namin pareho para lang makita ang mga guest. Pinapahanap ko sa kanya ang SB19, gusto ko silang makita bago magsimula ang event.

"There! I found her!" Excited nyang sabi. Sinundan ko ang daliri nya kung saan nakaturo.

Nagpataas ako ng kilay ng makita ang sinabi nyang nakita na daw ang pinapahanap ko. Sa isang babae na umakupa sa isang mesa na malapit sa dance floor. Kung hindi ako nagkakamali, sa balikat palang kilala ko na kung sino yun.

"Randy, hindi si Zerrin ang pinapahanap ko sa'yo! SB19! SB19!" Kakainis naman itong si Randy oh, mali mali naman nihahanap. "Ikaw masasapak kitang koreano ka eh." Akma ko syang babatukan pero dahil matangkad sya hindi ko nalang itinuloy.

"Sorry naman kay Zerrin ako napatingin eh. Kung pwede ko lang syang lapitan ngayon kanina ko pa ginawa." May lungkot sa tono ng pananalita ni Randy.

"Mahal mo pa din nuh?" Tanong ko.

Marahan syang tumango at ngumiti ng mapait. "If I could bring back the time hindi ko na gagawin ang bagay na naka sakit sa kanya na naging dahilan ng break up namin."

Kwinento na sa akin ni Randy ang tungkol sa kanila noon ni Zerrin at aaminin ko nakaramdam ako ng kaunting inis dito sa pinsan ko. Apaka ganda na ng jowabels nya nagawa nya pang nakipag flirt noon, at sa ate pa talaga ni Zerrin. Napaka playboy nya dati. Napaka sakit din siguro sa part ni Zerrin na nagawa syang lokohin ng mismong kapatid at boyfriend nya. So sad. Tinapik ko ang balikat ng pinsan ko. "Cheer up. Kung may chance kang kausapin sya, gawin mo na at wag kang umiwas." Hindi ko alam kung maaawa ako dito sa pinsan ko eh. Sya naman kasi yung nagloko.

Tingnan ko si Randy mula ulo hanggang paa. "Naks, naman ampogi ng pinsan ko ah. Dadami na naman chiks mo ngayong gabi." Biro ko.

"Manahimik ka nga dyan, Celes--" Celes, ang nakasanayan itawag sa akin ni Randy. Celes nalang daw para unique. Koh! Pagkadami dami ko nang pangalan ah. "---lahat ng nagmula sa pamilya natin natin magaganda at Gwapo, ewan ko lang sa'yo."

COUNTLESSWhere stories live. Discover now