Count 42: Resulta.

504 29 0
                                    

SHEENY'S POV

Mga bandang tanghali nakauwi si Pablo, hindi ko alam kung saan sya nanggaling. Mukha syang stress, yun ang napansin ko pagbaba palang nya ng kotse.

Okay lang kaya sya? Mukhang madami syang iniisip pero nagpapasaway pa ako. Ahhh! Nagsosorry nga pala ako!

Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng juice. Ibibigay ko sya kay Pablo, hehe peace offering.

Naabutan ko sya sa terrace. Nakaupo sya at nakaharap sa nakabukas nyang loptop na nakapatong sa maliit na mesa. Busy sya sa pagtatype kaya hindi nya ako napansin ang paglapit ko. Seryosong-seryoso ang mukha nya.

Umupo ako sa katabi nyang vacant seat pero ang beauty ko ay dedma parin nya. Aww, myloves? Galit ka ba sa akin? Charot.

"Hi Pablo." Bati ko sa kanya. Kapag ako hindi nya pinansin tatalon ako mula dito sa terrace.

"Oh! Hello Sheeny." Bati nya rin sa akin pabalik. Hindi man lang sya lumingon sa akin.

Hindi kaya isang istorbo lang ako?                "Mukhang seryoso yang ginagawa mo ah. Pinagtimpla pala kita ng juice, pampalamig." Iniipod ko sa tabi nya yung juice.

Itinigil ni Pablo ang pagtatype nya at nakangiting humarap sa akin. "Pinagtimpla mo ako ng juice? Ang sweet mo naman. Nag effort ka pa talaga." Pinat nya ang ibabaw ng ulo ko at gigil na ginulo ang aking buhok.

"Salamat. Mukhang masarap ah. Tikman ko nga." Ininom ni Pablo yung juice at kaagad itong nangalahati. Ayos ah. Tikim lang daw eh mukhang uhaw na uhaw naman sya.

"Refreshing!" Sabi nya na para bang nasa commercial sya. Kitang-kita yung braces nya sa laki ng pagkakangiti nya eh.

"HAHAHA!" Hindi ko tuloy napigilang hindi matawa.

"Oh? Bakit ka naman natatawa dyan ha?" Natatawa nyang tanong habang pinupunasan nya ng tissue ang labi nya.

"Wala naman, natawa lang ako. Ang cute mo pala kapag gumawa ka ng commercial about drinks. Kapani-paniwala ang itsura mo eh. Peace offering ko nga pala yun sa pagiging pasaway ko."

"Pagiging pasaway? May naging kasalanan ka ba sa akin?"

Napakamot ako sa batok ko. Wala lang makati lang. "Eh kasi di ba, umalis na naman kami ng walang paalam. Lalo na kagabi, magpapaalam naman sana ako kaya lang nakatulog ka na din sa kalasingan mo kaya nahiya na akong gisingin ka. Sorry, sabi ni Justin sa akin hindi ka daw nakatulog buong magdamag dahil sa pag-aalala. Sorry kung pi nag-alala kita." Napayuko nalang ako. Nahihiya kasi akong tumingin kay Pablo. Alam nyo yun? Naging mabait sya sa akin simula ng makilala nila ako tapos heto ako, nagiging pasaway lang.

"Yun ba? Look Sheeny. Wag mo nang isipin yun okay? Ang mahalaga naman nakauwi kayo ng ligtas. Nag-alala lang talaga ako sa inyong dalawa ni Ken. Nga pala? Saan ba kayo galing kagabi?"

Pwede ko naman sigurong sabihin sa kanya di ba? Mapapagkatiwalan naman sya."Sinamahan ko lang si Ken kagabi, nagpunta kami doon sa lumang bahay sa tuktok ng burol medyo may kalayuan lang dito. Inabot lang kami ng malakas na ulan kagabi kaya hindi kami nakauwi kaagad."

"Wait-lumang bahay? What are doing there in the middle of the night? Masyadong delikado sa lugar na yun tapos pumunta pa kayo?" Naging seryoso bigla ang mood ni Pablo. Galit ba sya sa akin?

"Sabi ni Ken, may napapanaginipan daw sya at yung bahay na yun daw ang nasa panaginip nya---" Bigla akong natigilan. "--Pablo, may nakikwento ba sa'yo si Ken about his dreams? Mukha kasing seryoso at sa tingin ko din kailangan nya ng taong makakausap at hindi na makakaunawa sa pinagdadaanan nya."

"Wala syang nababanggit pero sige, I will talk to him. Don't worry."

Ngumiti ako sa kanya. "Nga pala pwe----"

COUNTLESSWhere stories live. Discover now