Count 91: Kiecel.

367 23 6
                                    

SHEENY'S POV

Sinong mag-aakala na ang isa sa mga itinuring kong kaibigan at ang taong ilang beses ng pinagtangkaan ang buhay ko at ng mga taong nasa paligid ko.

Madami ang nangyari sa buhay ko, 12 years ang nawala sa akin at kung kelan bago ko palang nababawi ang mga panahong nawala sa akin saka saka naman ito kaagad kukunin sa akin.

Kung ganun, si Klark pala ang batang lalaki na napanuod kong palagi kong kasama sa video.

Si Klark pala ang taong nakatago sa likod ng itim na maskara ni Black.

Si Klark pala ang taong may lihim na galit sa pamilya namin ni Ken.

Hindi ko alam ang sasabihin ko ngayong alam ko na ang lahat. Dapat ba akong magalit kay Klark sa lahat ng ginawa nya sa aming pagpapahirap? Sabi ng isip ko, magalit ako. Pero, kahit gustuhin kong magalit sa kanya nangingibabaw parin ang awa ko para sa kanya.

Tama naman sya eh, hindi sya magtatanim ng galit kung hindi dahil sa nangyari. Nawalan sya ng mga magulang. Hindi ko sya masisi kung naghahanap sya ng mapapagbuntungan ng galit.

Nanginginig ang akong kamay habang tinatanggal sa aking bibig ang maliit na piraso ng kawayan na pumipigil sa akin na makapagsalita.

"Keicel.." Mahina kong sambit sa pangalan ng batang sumalo ng balang para sa akin naman talaga.

Nakaharap sya sa view ko at kitang-kita ko ang dugong nagmamantsa na sa gitnang bahagi ng kanyang tiyan, sa likod sya binaril pero tumagos ang bala hanggang sa tiyan ng bata.

"L-lig-tas k-a na a-ate Sheen-y." Kabila ng dugong luma labas sa bibig ni Keicel, nagawa nya pang ngumiti sa akin.

"Keicel, hindi---" Mabilis akong dumulog sa kanya bago pa man tuluyang bumagsak ang kanyang katawan sa basang lupa. Naupo na ako sa lupa at inihiga si Keicel sa hita ko, "Bakit mo ginawa yun ha? Bakit?" Ang pagluha ko ay nakisabay na sa ulan.

Bumulwak ng dugo ang bibig ni Keicel. "Kasi papatayin ka ni papa." Halos pabulong nalang ang pagsagot nya.

"Dapat hindi mo yu---" Ahhh!! Biglang may tumulak sa akin palayo kay Keicel. Sa lakas ng pagtulak sa akin muntik na namang mapagsubsub ang mukha ko sa lupa!

"---Lumayo ka sa anak ko!" Si Klark pala! Binuhat nya ang anak nyang malapit nang bawian ng buhay. Masama ang tingin nya sa akin na para bang ako ang may kasalanan sa nangyari sa kanyang anak.

Oo, alam naming masamang tao si Klark pero tama ba itong nakakita ko? Umiiyak sya! Hindi maitatago ng ulan ang luhang lumalabas sa kanyang mga mata. "Keicel, baby. Bakit mo ginawa nyun? Di ba sabi ko lumapit ka sa akin ng maayos.Bakit mo iniharang ang katawan mo." Niyakap ni Klark ang kanyang anak.

"T-tama na papa, wag ka nang magalit sa kanila, patawarin mo na sila. Tama na po, hayaan mo na sila papa." Parang sinasakal ang puso ko, hinang-hina na ang boses ng bata.

Napaluhod si Black habang buhat buhat parin ang kanyang anak. Nakakadurog ng puso ang eksenang nasasaksihan namin ngayon."Keicel, di ba sabi ko lapit ka kay papa, bakit mo sinalo yung bala?"

"Tama na papa, patawarin mo na sila." Pagkatapos bitawan ni Keicel ang mga salitang yun, unti-unti na syang pumikit. Nangiti sya at tila masaya pa sa kanyang sinapit.

"Keicel, baby. Naririnig mo ba si papa? Wake up, baby. W-wake up. Open your eyes, please. Papa didn't meant to do that, please don't leave me. Open your eyes, baby talk to papa." Kahit gaano pa kalakas ang pagyugyog ni Klark sa balikat ng anak nya, hindi na nagrerespond ang bata.

Si Keicel, wala na.

"Wala na sya, Klark. Pinatay mo ang anak mo." Shock ako sa nangyari, iniligtas ni Keicel ang buhay ko. Kung hindi nya iniharang ang katawan nya ako sana ang matatamaan ng bala. Ako dapat yung binawian ng buhay at hindi sya.

Keicel, bakit? Ambata mo pa. Bakit mo isinakripisyo ang buhay mo para sa akin?

"Ikaw.." Sa akin nakatingin na si Klark. "IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAMATAY ANG ANAK KO!" Ang mga mata nya parang pinapatay na ako. "IKAW ANG PUMATAY SA ANAK KO!" ?Itinutok na naman sa akin ni Klark ang kanyang baril. "CELELESTINA! PAGBABAYARA--"

"--Subukan mong barilin si Sheeny, ikaw naman ang isusunod ko sa kanya."

Si Pablo! Hindi man lang namin namalayan na nakalapit na sya kay Klark. Natayo sya sa gilid at hawak na ang espada ni Glaiza?!

Teka? Asan na ang may-ari ng espada? Hinahanap ng mata ko si Glaiza, hindi ko alam ang nangyari at kung ano man ang ginawa ni Pablo, nakasandal kasi si Glaiza sa gilid ng kotse at hingal na hingal. Anyare?

Mabalik tayo kay Pablo. Ang hawak nyang espada ay nakatapat ngayon sa leeg ni Klark. "Pakawalan mo ang mga kaibigan ko bago ko pa maisipang isunod ka sa anak mo. Wag na wag mong isisisi kay Sheeny ang pagkamatay ng anak mo, dahil kitang-kita naming lahat na ikaw ang pumatay sa kanya. Binaril mo sya kahit hindi naman talaga sya ang target mong barilin. Sa ating lahat, ang anak mo lang na si Keicel ang nagsabi ng tama. Matuto kang magpatawad. Walang may gusto sa nangyari at anak mo sya na ang nagsakripisyo."

Sa hinaba-haba ng sinabi ni Pablo, hindi nag-abalang sumagot si Klark. Tanging pag-hikbi lamang ang narinig naming respond. Sa isang iglap lang ang dating mabangis na hayop ay naging isang tupa.

Itinapon ni Klark ang hawak nyang baril sa direksyon ko. Niyakap nya ang walang buhay na katawan ng kanyang anak at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan neto.

Nakakaawa.

Lumabas ang totoong pagkatao ni klark, kahit na sinakop sya ng galit para maghigante hindi parin mawawala sa kanya ang pagiging ama kay Keicel.

Kahit gaano pa kasama ang tao, hindi dapat tayo basta basta humuhusga.

"Aning!" Bigla akong niyakap ni Ken mula sa likuran ko. Pinakawalan na pala sya ng may mga hawak sa kanya.

"Ken." Humarap ako sa kanya at yumakap pabalik. Gumaan ang pakiramdam ko ngayong alam ko nang matatapos na ang lahat ng ito pero nakakalungkot parin. "Ken, wala na si Keicel." Umiyak na ako habang nakasubsub sa dibdib nya.

"Shhhh, we can nothing do about it. Ligtas ka na, okay." Kahit gaano pa ka comforting ang mga salita ni Ken, tuloy tuloy parin ang pag-agos ng luha ko.

Ako ang dapat na nawala at hindi si Keicel. Napakabata pa nya eh.

Lumapit kami ni Ken kay Klark na nakaupo parin sa lupa. Itinago ako ni Ken sa likuran nya bago nya Sinipa ng mahina si Klark sa tagiliran ng tyan nito. "Hoy, Sira ulo. Ano? Tumayo ka dyan, hindi pa tayo tapo---"

"---Manahimik ka, Felip. Tinatapos ko dito ang lahat. Kung gusto nyo akong ikulong gawin nyo o di kaya naman ay patayin nyo nalang din ako. Wala na akong ganang makipaglaro pa,wala na ang aking nag-iisang buhay. Wala na ang anak ko." .

Nagkatinginan kami nina Pablo at Ken. Tama na talaga itong naririnig namin? Mismong si Klark na ang sumusuko!

"Talagang ikukulong ka namin." Binitawan ni Pablo ang hawak nyang espada at dumukot ng posas. Hindi na pumalag pa si Klark ng ilagay ni Pablo ang posas sa kanyang mga kamay at tulala na si Klark habang itinatayo sa ni Pablo.

"Ang anak ko." Mahinang sambit nito.

Binuhat ni Ken si Keicel. "Ako na ang bahala sa kanya."

Tumango lang si Klark.

Nagulat ang lahat ng biglang may pumasok na mga pulis sa main gate ng Nase University. Pinaghuhuli nila ang mga tauhan ni Klark at pinakawalan sina Stell, Justin at Josh.

"San galing ang mga pulis? Hindi man lang natin sila narinig na dumating." Sabi ni Ken habang inaayos ang pagbuhat kay Keicel.

"Kasama ko silang dumating dito kanina, and of course, surprise ko sila sa inyong lahat. Tara na Klark." Mahinang itinulak ni Pablo si Klark para makausad na sila.

Habang sinusundan ko sila ng tingin papalayo, napatanong ako sa isip ko.

Nahuli na si Klark. Ang kamatayan ba ni Keicel ang tatapos sa kaguluhang ito?

COUNTLESSWhere stories live. Discover now