Count 80: His Birthday Surprise.

543 27 11
                                    

PABLO'S POV

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon. Bakit hindi ko magawang maging masaya?

Palihim 'kong sinundan si Sheeny kanina and I know na si Ken ang sinundan nya  at pareho nga silang nagtagpo dito sa garden.

Sa madilim na sulok ng garden, nakamatyag ako sa kanila. Looking how happy they are to see each other making me feel like this. Bakit nasasaktan ako na masaya sila?

Mali 'to eh, hindi ko dapat hinayaan na mahulog ang puso ko sa babaeng nakatali na ang puso sa ibang lalaki at sa kaibigan ko pa. Now, look at me, I'm in pain right now. Ito ang unang beses na nahulog ako pero yung unang pag-ibig ko, hindi naman pala para sa akin.

I hate to say this but, Sheeny and I? Pinagtagpo pero hindi itinadhana.

Alam ko kung saan ako lulugar at wala akong balak na umeksena at saktan silang dalawa. Hindi bagay sa akin ng maging kontrabida.

Habang nagsasayaw silang dalawa sa garden, dama ko kung gaano nila kamahal ng isat-isa.

Pinunasan ko ng luhang dumalot sa pisngi ko, minsan na nga lang mainlove dun pa sa babaeng may mahal na. My first love, my first heartbreak.

Bago pa tuluyang masaktan ang puso ko, tumalikod na ako. Hindi ako bumalik sa event, naglakad-lakad ako sa ibang bahagi ng mansion.

Gusto ko magpag-isa ngayon at magpakalasing.

Sakto namang may dumaang waiter sa harap ko, galing yata sa kusina at may dalang isang bote ng wine. Pinigilan ko sya at hiningi ko nalang ang dala nya.

Nakarating ako sa may pool area. Walang tao dito at napatay ang mga ilaw. Pero dahil wala namang bubung ang pool area, binigyang nilawag ng buwan ang buong lugar. Kahit paano may naaninag pa akong upuan. Pabagsak 'kong inuupo ang sarili ko at nilaklak ang laman ng dala kong alak.

Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Sobrang sakit pala sa dibdib kapag hindi ka nagawang mahalin pabalik ng taong gusto mo. Parang paulit-ulit na sinaksak ng kutsilyo ang puso ko.

Gusto ko nalang hugutin mula sa dibdib ko at durugin o ipakin sa aso ang puso kong tumitibok para sa babaeng may mahal na.

"Pablo naman kasi eh, Magmamahal ka na nga lang dun pa sa babaeng yun." Mahinang sabi ko sa sarili ko. Bakit naman kasi huli ko na nalaman ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung mas maaga ko lang sigurong narealize baka sakaling ako ang nasa posisyon ni Ken.

Napakaswerte ni Ken para mahalin ni Aning.

Ako dapat yun eh.

Habang tinutungga ko yung bote, nangalahati na nga ang laman, patuloy sa pag-agos ang luha ko.

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. I thought I was a strong leader inside and out pero bakit ganito. Ang bilis kong umiyak dahil lamang sa pag-ibig.I was a man who's inlove.

Napayuko nalang ako at ang malamig na sahig ang tinitigan ko. Hinayaan ko nalang na dare-daretsyong pumatak sa sahig ang luha ko.

Ang sakit eh.

Hindi ko naimagine na mararanasan ko ang ganito at mapupunta ako sa ganitong level ng heart ache.

Lalaki ako pero umiiyak ako para sa ibang babae.

"Hi, okay ka lang ba? Ito oh, gamitin mo ang panyo ko."

Napa angat ako ng tingin at may isang babae na pala ang nakatayo sa harap ko . Kahit medyo madilim, kita ko ang mukha nyang nakamaskara pero ang labi nya ay nasa pagitan ng ngingiti ba o hindi.

Simple lang ang white gown na suot nya pero ang napansin ko talaga, isang puting panyo ang nakalahad sa akin.

Hindi ko na suot ang maskara ko kaya malamang kilala na nya kung sino ako. Ano ba dapat ang maging reaction ko Ngayong may nakakita na sa akin na umiiyak.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now