Count 88: Black.

372 20 2
                                    

SHEENY'S POV

Buong magdamag nila akong ikinulong sa isang kwarto kung saan ako nagising. Malamang si Black ang nagdala sa akin dito dahil sya lang naman ang nakapasok sa kwarto ko at pinaamoy ako ng pampatulog. Palaisipan sa akin kung paano nya ako nailabas ng mansyon na hindi nakikita ng mga guards. Siguradong may kasabwat sya sa loob.

Nagising nalang ako sa kwarto ito na tanging kama lang ang laman. Hindi ako makagalaw dahil nakatali patalikod ang mga kamay ko at maging ang binti ko ay nakatali din. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko, paano ako sisigaw kung may nabusal na panyo sa bibig ko?

Walang hiya ka, Black. Kung sino ka man, napakasama mo para gawin ito sa akin. Kung totoo ngang naging kaibigan kita noong mga bata pa tayo, hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang ang pagpapahirap mo sa akin.

Naghihigante ba sya sa akin dahil ako ang naging dahilan ng aksidente noon? Matagal na panahon na yun! Hindi ba sya marunong mag move on?

Siguradong nag-aalala na sa akin si Langga ko. Sorry, Ken. Kung mamamatay man ako ngayon, sana mapatawad mo ako dahil hindi naman ako nakapagpaalam sa'yo.

Hirap akong makahiga dahil sumasakit ang pagkakatali sa kamay ko kapag gumagalaw ako. Nanatili nalang akong nakaupo sa gilid ng kama at nakasandal sa headboard ng kama.

Sino ang magliligtas sa akin ngayon?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at halos mapatalon ako sa gulat ng mapagsino ko ang mga taong itinutulak papasok. Mabilis ding nagsara ang pinto pagkapasok nilang tatlo.

Sina Stell, Josh at Justin?! Anong ginagawa nila dito?! Nakatali din ang mga kamay nila pero paharap.

Tanging mag-ungol lang ang nagawa ko, hindi ako makapagsalita dahil nga sa panyong nasa bibig ko.

Pare-pareho silang nagulat ng mapansin ako, kaagad naman silang lumapit sa kama. Sina Josh at Justin ay umupo din sa kama, samantalang si Stell ay tinatanggal nya ang nakaharang sa bibig ko.

Lalo akong naiiyak pagkakita ko sa kanila, pero at the same time nabuhayan ako ng loob dahil hindi na ako nag-iisa. Nakakalungkot lang, pare-pareho kaming nakakulong dito sa maliit na kwarto.

"K-kayo din? Dinakip nila?" Unang mga salitang lumabas sa bibig ko kahit na halos wala na akong boses dahil sa kakaiyak.

Sabay-sabay silang tumango. Malulungkot ang kanilang mga mukha. Basang-basa din sila, umuulan parin ba sa labas?

"Okay ka lang ba, Sheeny? Sino nagdala sa'yo dito? Alam mo bang alalang-alala sa'yo si Ken?" Sunod-sunod na tanong ni Stell.

"Si Black ang nagdala sa akin dito. Hindi ko alam kung paano sya nakapasok sa loob ng mansion namin at dinakip ako mula sa kwarto ko. Nang magising ako, nandito na ako sa kwartong ito." Sabi na eh, nag-aalala nga sa akin si Ken. Dapat kasi nakinig ako sa sinabi nyang sa bahay ng SB19 nalang ako matulog. Tsk, wala nang magagawa ang pagsisisi ko, andito na ako.

"Ang hirap naman alisin ng taling ito! Ang higpit!" Pilit na inaalis ni Justin ang pagkakatali ng kamay nya, gigil nya pang kinakagat yung taling gawa yata sa makapal na tela. "Ayoko nang nakatali!"

"Kahit kagatin mo yan, Jah. Hindi yan gawa sa jelly. Kung ako sa'yo hindi ko uubusin ang lakas ko para lang dyan hindi mo naman yan basta basta maaalis. Masyado silang sigurista. Ang higpit ng pagkakatali nila. Tingnan nyo oh, namumula na ang pulsuhan ko. Hindi na yata nakakadaloy ng maayos ang dugo ko." Sabi naman ni Josh.

"Josh, Justin. Makareklamo kayo dyan, tingnan nyo nga ang itsura ni Sheeny, sa ating apat sya ang higit na mas nahihirapan. Nakatali pa paa nya--" Natigilan si Stell sa pagsasalita ng makita nya ang mga paa ko. "--teka nga. Sheeny, kaya mo bang iaangat ang paa mo sa kama? Subukan kong alisin ang pagkakatali ng paa mo."

COUNTLESSWhere stories live. Discover now