Count 87: Pagdakip.

383 23 6
                                    

KEN'S POV

"Pablo, ano nang update? Ayokong maghintay nalang dito." Iritable kong sabi kay Pablo. Kanina pa kasi sya busy sa phone nya at kung sino-sino ang tinatawagan."Hindi pa ba dati sya hahanapin ha? Hindi ko alam kung ano ang nangyayari na sa girlfriend ko. Marami ang posibleng mangyari sa kanya lalo na't si Black pala ang kumuha na naman sa kanya." Kung hindi lang ako nahihirapan sa binti ko ngayon, ako na mismo ang maghahanap kung saan man sya dinala ng Black na yun. Siguro sinadya talaga ni Black na punteryahin ang binti ko para hindi kaagad ako makapalag at wala akong magawa sa ganitong sitwasyon.

Kaagad kaming umuwi sa mansyon matapos ang masamang balita na sinabi ni Randy. Nagtipon-tipon kaming anim dito sa sala at hindi namin alam ang gagawin? Kung tatawag na naman kami ng police, siguradong makakarating na naman kaagad ito sa media. Isa nalang ang inaabangan namin ngayon, ang pagtawag ni Black sa amin.

Bwisit! Kailan ba matatapos ang pang-gugulo ni Black?

"Guys, anong sasabihin ko kina Uncle Clever? Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo na nawawala na naman ang anak nila. Kung sasabihin ko naman yun mag-aalala na naman sila ng sobra." Nakaupo si Randy sa couch at nakayuko, tila naghahanap sya ng solusyon sa pamamagitan ng pakikipagtitigan nya sa tiles.

Dahil katabi ko lang naman sya, tinapik ko ang likod nya. "Tell them what's happening. They deserve to know that truth." Muli akong bumaling kay Pablo na hindi narin mapakali, lakad pakanan at balik sa kaliwa. "May naisip ka na bang paraan kung paano natin sya mahahanap?" Tanong ko.

Bumuntong hininga lang sya at sunod-sunod ang pag-iling. "Sorry, pero wala pa akong naiisip kung saan sya posibleng dinala."

"Pinasabog na ni Black noon ang abandonadong factory kaya hindi na nya dadalhin ulit si Aning doon. Ang hirap ng ganito! Wala tayong kaide-ideya kung saan nya dinala ang girlfriend ko."

"Josh? Justin? Saan kayo pupuntang dalawa?" Sita ni Stell sa dalawa ng mapansin nyang paalis ang mga ito at tinutungo na ang pinto.

"Lalabas lang kami saglit. Magpapahangin, baka sakaling makapag-isip kami ng maayos kung makakalanghap kami ng sariwang hangin sa labas." Si Josh ang sumagot habang si Justin naman at kumaway lang sa amin saka tuluyang lumabas ng pinto.

"Wag kayong masyadong lalayo. Malakas pa ang ulan sa labas at delikado parin ang buhay natin. Mag-iingat kayong dalawa."

Tumango lang si Josh sa hinabilin ni Stell saka sya sumunod kay Justin.

Wala kaming magagawa para mailigtas si Aning kung mananatili lang kami dito sa mansion. Pakiramdam ko tuloy wala akong kwentang boyfriend para sa kanya, nasa panganib na ang kanyang buhay samantalang kami, andito at hindi alam ang gagawin. Idagdag pa na disabled pa ang binti ko ngayon. Doubleng kamalasan ang tumama sa akin ah.

Si Black, mukhang wala yata syang balak na tawagan man lang ako. Handa akong kausapin sya malaman ko lang kung nasaan si Aning. Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko, naghihintay na baka sakaling tumawag ang hangal na nyun.

***

JOSH'S POV

"Hindi na nakakatuwa ang mga nangyayari ngayon, nawawala na naman si Sheeny. Bakit ba kasi hindi nalang tumigil sa pang-gugulo ang Black na yun? Wala sigurong nagmamahal sa kanya kaya galit na galit sya sa mundo." Malungkot na sabi ni Justin.

Malakas man ang buhos ng ulan, hindi nito napigilan ang paglalakad-lakad namin ni Justin sa tabi ng kalsada habang tig-isa kami ng payong. Wala namang ibang tao na makikita sa kalsada kaya hindi magiging problema kung nasa labas kami ng mansyon na hindi nakadisguise.

"Isipin mo ha, hindi naging biro ang buhay ni Sheeny. Sino bang mag-aakala na yung inampon ni Pablo dati ay isa palang anak ng bilyonaryo. Maganda na sana ang buhay ni Sheeny ngayon, nakita na nya ang pamilya nya tapos masaya na sila ni Ken pero may sagabal parin. Sino ba kasi talaga ang Black na yun?"

COUNTLESSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang