Count 65: New Idea.

529 25 1
                                    

PABLO'S POV

"Justin! Hindi pa pwedeng kainin yan!" Inilayo ko sa kanya ang daliri nyang may hilaw na egg yoke. Balak nga kasing isibo ang daliri nya eh.

Ngumuso naman sya. "Pinuno, gusto ko lang naman tikman."

Ginulo ko nalang ang buhok nya. Nagpakabata na naman sya. "Mamaya nalang kasi. " Humarap ako kay Stell na busing-busy sa paghahalo ng mga ingredients. Lahat kami ngayon ay naka apron, and yeah we're trying to bake a cake.

"Matagal pa ba yan? Gutom na 'ko." Ani Josh na takam na takam na sa ginagawa namin.

"Manahimik ka, Josh. Hindi 'to para sa'yo. It's for Sheeny and Ken. Oh! Okay na 'to. Ilagay na natin sa oven." Inilagay ni Stell minexed nyang ingredients sa oven.

"Hindi kapani-paniwala mga nangyari ngayong araw di ba? Ang daming nangyari. Umeksena na naman yung lalaking ang init ng dugo kay Ken, tapos kinidnap si Aning nung bad guy." Panimula ni Stell ng seryosong usapan.

Ipinunas ko ang kamay ko sa apron ko bago ako sumagot. "Now that Black is back were not sure about our safety anymore. Hindi natin alam kung ano talaga ang totoong motibo nya pero malinaw na malinaw na gusto nyang mawala si Ken. Sasaktan nya lahat ng malapit dito at maging tayo din pwede nyang saktan, just like what he did to Sheeny. Poor Sheeny, nadamay pa sya."

And I'm glad na ligtas silang nakabalik ni Ken dito ngayong gabi. That Black really loves to play ha. "Sa pagliligtas palang ni Ken kay Sheeny sa factory kung saan sya dinala, dun palang nakikita na natin kung gaano nya kamahal si Sheeny. He will do everything for her. Napakaswerte nyang babae but at the same time, madadamay at madadamay parin sya dahil sa boyfriend nya."

"Nakakapagtaka kasi talaga, ano ba kasi ang ginawa ni Ken noon para magtanim ng galit sa kanya si Black. Baka pati career natin sirain ny---Hoy! Ano ba! Kinakain ko pa yan eh!"

"Langya ka naman Josh. Dinadaan mo kami sa daldal habang kinakain mo 'tong chocolates chip! Pang design 'to mamaya eh." Isinantabi ni Stell yung container na lagayan ng chocolate chip na inagaw nya kay Josh.

"Damot mo talaga Ajero. Kunti lang naman kinakain ko." Umakbay si Josh kay Justin at bumulong. "Tulungan mo ako mamaya ha, kunin natin lahat ng chocolates ni Stell sa ilalim ng kama ny---ARAY NAMAN! PINUNO SI STELL OH! NAMBABATO NG SANTOK DI NAMAN NIAANO!" Natatawa nalang ako sa sumbong ni Josh, binato kasi sya ng malakas ni Stell ng sandok, sapul sa mukha eh.

"Pabulong-bulong ka pa naririnig ko din naman!" Kumuha ng isa pang sandok si Stell at nanggigigil nya itong itinutok sa mga mukha nina Justin at Josh. "Kayong dalawa ha, wag na wag nyong pakikialaman ang mga pagkain ko sa ilalim ng kama ko kapag may nawala dun kahit isa lang hahampasin ko kayo nito ng madaming beses hanggang sa magdugo ang mga mukha ko at hindi na kayo makilala ng mga fans nyo! Argggh! Gigil nyo beauty ko!"

Sina Justin at Josh naman nanlalaki ang mata at hindi na makapagsalita. Puro kalokohan talaga ang mga 'to.

Napapailing nalang ako habang kinukuha ang sandok na hawak ni Stell. "Tama na nga yan para na naman kayong mga bata eh."

"Oo nga pala, may naisip ako--"

"---marunong ka pala mag-isip?" Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Josh nabara na kaagad sya ni Stell.

"Syempre naman. Tingin mo akin walang utak? Teka nga, ito na nga ang sinasabi ko. Ngayong may girlfriend na si Ken, ano na ang mangyayari sa kanya? Hindi ba naka lagay sa contract natin na no girlfriend muna. Siguradong mapaparusahan sya."

Tama si Josh. Bawal na bawal talaga ang magkagirlfriend ang isa sa amin."Wala namang makakaalam na may girlfriend sya unless may isang magsumbong sa atin." Sabi ko.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now