Count 72: I'm Sorry.

419 22 6
                                    

SHEENY'S POV

Tunay ngang hindi madali ang totoong pag-ibig, kung gaano kayo kasaya sa isa't-isa ganun kapait kapag nagkasakitan kayong dalawa.

Nanlalambot ang mga tuhod ko habang nakatingin kina Ken at Glaiza, nakayakap si Glaiza kay Ken kapwa nakadikit at nakakumot na maaaring wala silang saplot sa loob ng telang yun.

Unti-unti nang naninikip ang dibdib ko sa halo-halong emosyon na nararamdam ko, Ken bakit sa ganitong paraan mo ako ginagantihan?

Hindi. Dapat lakasan ko ang loob ko, wag kang iiyak Sheeny. Wag mong hayaang pumatak ulit ang mga luha mo.

Dapat ko pala silang lapitan? Dapat ko bang sampalin si Ken? Dapat ba akong magwala at magsisigaw? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Gumalaw si Ken at nagmulat. Medyo nagulat pa sya ng malaman kung sino ang nakayakap sa tabi nya pero mas nagulat sya ng tumingin sa direksyon ko.

"A-aning?" Maging ang pangalan ko ang hirap na nyang banggitin.

Tumayo sya kama, nakaboxer lang sya at kaagad na naglakad papalapit sa akin. Ngunit, bago pa man sya makalapit lumabas na ako ng pinto.

Ang sakit. Hindi ko sya kayang kausapin ngayon. Sobrang sakit. Bakit nya nagawa 'to sa akin.

***

KEN'S POV

Nagising nalang ako na nasa kama na ako at may nakayakap sa akin na babae muntik pa akong mapatalon sa pababa ng kama ng makilala ko kung sino ang babaeng yun--King na! Glaiza?!

Bakit nakakumot kami pareho?! Bakit magkatabi kami sa kama? King na! Wag nyong sabihin na may nangyari sa aming dalawa?!

Arghhh! Nasapo ko ang sintido ko ng makaramdam ako ng sakit ng ulo. Alam kong uminom ako ng maraming beer pero gaano ba ako kalasing para mapunta dito sa tabi ni Glaiza?! Hindi 'to pwede?! Wala akong matandaan! Kailangan ko nang umalis dito hindi maganda kung may makakakita sa amin di----

"A-aning?" Damn! Sya ba talaga ang nakikita kong nakatayo sa pintuan?!

Ang mukha nya, hindi ko maintindihan kung galit o maiiyak!

Paano sya nakarating dito at---Arghhh! Bakit kailangan nya akong makita sa ganitong sitwasyon?! Baka kung ano na ang naiisip nya?!

Kaagad akong tumayo at tumakbo papunta sa kanya pero bago pa man ako makalapit, mabigat na nyang isinara ang pinto. Galit sya sa akin.

Binuksan ko ang pinto at hinabol sya. Mula sa likuran nya mabilis ko syang niyakap dahilan para mapatigil sya.

"Bitiwan mo ako." Walang buhay na sambit nya.

Imbes na makinig sa sinasabi nya, hindi ko sya binitawan at mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Halos isubsub ko na ang mukha ko sa likod ng ulo nya. "Hayaan mo akong magpaliwanag." Kahapon lang sya ang nagsasabi ng mga linyang sinabi ko, hindi ko akalain na masasabi ko din pala ito sa harap nya ngayon.

Sapilitan nyang inalis ang mga braso ko sa bewang nya at sa kanyang pagharap sa akin,

PAK!

Isang malakas na sampal ang ibinigay nya sa mukha ko. Sa lakas ng sampal nya namula pa ang palad nya malamang ganun din ang nangyari sa pisngi ko.

"Ang kapal ng mukha mo para kausapin pa ako matapos ng ginawa mo. Gusto mo magpaliwanag sa nakita ko? Gusto mo talaga magpaliwanag ha? Ako ba Ken, pinakinggan mo ba ang paliwanag ko? Hindi di ba?" Tuluyan nang pumatak ang mga luha nya. Damn! Seeing her crying because of me is totally breaking my heart.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now