Count 69: N.U 20th Anniversary. (Part 1)

505 27 28
                                    


[WARNING SPG AHEAD]

SHEENY'S POV

Mabilis na lumipas ang araw, naging abala ang lahat sa isa sa pinaka aabangang selebrasyon na magaganap dito sa campus. Ang 20th Anniversary ng Nase University!

Fisrt time ko makaattend sa ganitong celebration, madaming booth ang inihanda ng mga estudyante. Walang booth ang section namin, tinamad ang class president namin na mag suggest joke!

May sariling booth din ang SB19, photobooth ang naisip nilang pakulo. Libre papicture sa kanila, pero yung ibang estudyante may payakap-yakap pa.

Heto nga kami ni Zerrin eh, kahit tanghaling tapat nakaupo kami sa isang bench na malapit sa booth ng SB19. At ewan ko ba, pareho kaming masama ang tingin sa mga estudyanteng nakapila para magpapicture. Habang pareho kaming sumisipsip ng softdrink gamit ang straw.

Bakit naman kasi may payakap-yakap pa eh, pwede namang magpapicture nalang di ba? Ito namang si Ken, todo ngiti pa kapag may yumakap sa kanya lalo na kapag babaeng estudyante---HINDI AKO NAGSESELOS HA! HINDI TALAGA! PRAMIS! MADAPA MAN LAHAT NG YUMAKAP SA LANGGA AKO--hehe joke lang po.

Hindi ko naman pinagdadamot si Ken pero wag naman masyadong makadikit. Andito girlfriend nyan oh! Makasinghot naman sa boyfriend ko parang ipapasok nyo na sa butas ng ilong nyo ah!

For sure, ganito din nararamdaman ni Zerrin, aba dami din yumayakap sa Stell nya oh.

Nilingon ko ang kaibigan ko at talagang naniningkit na nga ang kanyang mga mata habang nakatingin sa SB19. Alam kong selos sya eh. Nung bumalik sila ni Stell sa cafeteria noong isang araw, ramdam namin na may nagbago sa pagitan nilang dalawa. Mas naging sweet sila sa isa't-isa. Mas mapapagkamalan mo pa nga silang mag jowa ni Stell kesa sa amin ni Langga ko.

Kanina pa kami nakaupo dito at hinihintay ang SB19, sama-sama daw kaming kakain eh pero sa haba ng pila, halos kalahati yata ng mga estudyante ng N.U ay nakapila sa photo booth baka pumuti lang ang buhok ko kakahintay na matapos.

Actually si Pablo lang ang wala sa photobooth at hindi sya kasama ng mga kagrupo nya. Leader na leader sya pa ang wala."Oyy, Zerrin. Dito ka muna ha." Baka nasa office sya, puntahan ko muna.

Itinigil ni Zerrin ang pag-inom nya ng softdrink nang tumayo ako mula sa bench na inuupuan namin. "Bakit? Saan ka pupunta?"

"Hanapin ko lang si Pablo. Babalik din ako ha." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya. Bago ako tuluyang umalis, saglit akong sumulyap kay Ken. Hmmp! Hindi man lang magawang sulyapan ako kahit saglit. Busying-busy kasi sya sa pagpahawak sa bewang ng nagpapapicture sa kanya ngayon. Bahala ka dyan.

Nagsimula na akong maglakad. Ang daming masasayang estudyante ngayon ah. Ganito siguro talaga sila pag anniversary ng N.U. bukas may pa school pageant daw at kasali dun ang Bessy ko. Si Zerrin. Naka-school uniform parin naman kami bukas pa pwedeng magcivilian.

Wala akong nakasalubong na tao sa hallway kaya mabilis lang akong nakarating sa office ni Pablo. Kumatok ako ng ilang beses sa pinto pero wala namang nagbukas para sa akin.

Nasaan kaya yun? Usually naman kapag may kumakatok sa pintuan nya nagrerespond naman kaagad sya.

"Pablo, papasok na ako ha." Oh! Nagpaalam naman ako ha! Baka mapagkamalan akong trespasser dito.

Nang makapasok ako sa opisina, wala naman akong naabutan na tao. Walang nakaupo sa swivel chair ni Pablo.
·
Nasaan na kaya ang lalaking yun? Anniversary ng university nya tapos sya itong pawala-wala. Mabuti pa lumabas nalang ako, wala naman ang pakay ko dito.

Palabas na sana ako ng pinto ng may bagay akong napansin sa ibabaw ng table ni Pablo na humatak sa mga mata ko.

Kumikinang ang bagay na yun dahil sa ilaw na meron dito sa opisina.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now