Count 4: Tsinelas.

752 33 4
                                    

SHEENY'S POV

Matapos kumain nagpahinga na sina Stell, Josh at Justin. Samantalang si Pablo ay sinamahan nya akong bumalik dun sa kwarto kung saan ako nagising.

"For now, itong guestroom na muna ang magiging kwarto mo."

"Hindi ba pwedeng sa maids quarter nalang ako matulog? Kasi di ba, paghihirapan ko din ang pagtira ko dito." Kontra ko kaagad. Sobrang pa especial ko naman kung may sarili pa akong kwarto.

"Anin--I mean Sheeny. Hindi ka maid dito okay? Isipin mo nalang na pabawi namin ito dahil sa muntikan ka nang masagasaan ni Ken."

"Pero Pab---"

"Wait a minute! Sheeny kanina ka pa ba naka paa lang at palakad lakad ka dito sa buong mansion na wala ka man lang sapin sa paa?" Napansin na pala nya ang paa ko.

Napakamot ako sa ulo ko at nahihiyang tumango. "Oo, kanina pa." Tinapon ko na yung tsinelas ko sa  basurahan,kakahiya kasi butas na.

Pinaupo ako ni Pablo sa kama at binalaan na huwag daw akong aalis. Lumabas sya ng kwarto at pag balik may dala na syang paper bag.

Kinuha ni Pablo ang laman ng paper bag, isang pares ng tsinelas pala ang laman noon. Nagulat nalang ako ng bigla syang lumuhod at walang pasabi na isinuot sa mga paa ko yung tsinelas.

Kulay pink yung tsinelas at may tatak nang mamahaling brand. Mukhang isinukat talaga sa paa ko dahil kasyang-kasya sa akin. Sino kaya ang may ari nito? Wala namang girl dito bukod sa mga maids.

"Wow. It's perfectly fit. Hindi mo man lang sinabi na wala kang sapin sa paa. Malamig pa naman ang tiles ng bahay. Sayo na 'tong tsinelas, wala naman kasing gumagamit nyan."

Pasimple 'kong tinitigan si Pablo na inaayos parin ang tsinelas ko.
Likas ba talaga sa kanya ang pagiging mabait at concern sa bawat oras?

"Ahh Pablo?" Bakit kinakabahan ako? Nadidistract kasi ako sa ngiti ni Pablo.

Umupo sya sa tabi ko at pinagpagan ang kamay nya. "Bakit? May kailangan ka pa?"

"Hindi pa nga pala ako nakakapasalamat sa pagpapatuloy nyo sa akin dito sa bahay nyo. Estranghero lang naman ako pero hindi kayo nagdalawang isip na patuluyin ako dito." Dapat akong magpasalamat sa kanila, bihira na lang kasi sa panahon ngayon ang may magandang loob at tumutulong sa kapwa.

"You know what, Sheeny. It's nothing. I can feel that you are a good person kaya deserve mong tulungan." Ayan na naman sya! Pinakita na naman nya sa akin ang nakakahulog panty nyang ngiti!

"I'm going out at magpahinga ka na. Ipapatawag nalang kita kapag oras na nang dinner." Tumayo na sya at tinungo ang pinto, pero bago pa man sya tuluyang makalabas ng kwarto muli syang lumingon sa akin. "Sheeny, nga pala. May mga extrang clothes dyan sa cabinet. Take a look baka may magkasaya sayo. Aabsent ako bukas para samahan kang bumili ng damit mo."

"Thank you." Hindi ko alam kung narinig nya pa ang sinabi ko. Tumalikod na kasi sya at umalis

Humiga ako sa kama at dinama ng aking likod ang kalambutan nito. Ngayon lang ako nakahiga sa ganito kalambot na kama. Sa ampunan kasi, madalas sa sahig lang kami natutulog. Kung aabutan pa kami ng galit ni tanda, literal na sa simento kami hihiga. Walang banig o kahit ano.

Parang kelan lang plinaplano kung umalis sa ampunan pero tinulungan ako ng tadhana na umalis sa lugar na yun na puno ng kalupitan.

Ngayon nandito ako sa isang palasyo na may apat na mababait na prinsipe, sama na natin yung masungit na yun so bali lima.

Napakaswerte ko naman maglayas. Ito na siguro talaga ang magiging buhay ko. Katulad ng pagpapalit nina Pablo dun sa pangalan kong Aning, kakalimutan ko na rin ang aking masamang kapalaran dun sa ampunan.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now