Count 5: We are---

799 31 4
                                    

KEN'S POV

'Ipasyal mo muna si Sheeny dito sa mall. Dalhin mo kahit saan. Salamat sa pagpayag.'

Laman ng message sakin ni Pablo. Pinaalala nya sakin na ngayon ang araw na ilabas ko daw si Aning. Dalhin kahit saan? Eh kung iligaw ko nalang kaya? Mukha din  naman syang pusa. Masasayang lang ang isang araw ng buhay ko kasama ang probinsyana na yun.

Kumuha ako ng itim na jacket sa closet. Naglagay din ako ng sobrero sa ulo ko.

I check the time on my wrist watch. It's already 10 am in the morning. Tanghali na pala. May bukas na mall na siguro.

Lumabas ako ng kwarto at dumaretso sa guestroom. Wala nang katok katok, pinihit ko ang doorknob at pumasok loob. Sisipain ko na nga lang sana yung pinto para astig ang entrance.

Pero hindi kaagad ako nakapasok sa loob, just like my feet are stuck permanently on the floor.  Looking back on this pink room made me remember my past. 7 taon na ang lumipas nang huling pumasok ako dito.

Wala parin palang nagbago sa kwarto nya.  This pink room is Her favorite place but now there is a stranger sleeping on it.

Dati iniiwasan ko ang pumasok dito or dumaan man lang dahil may naaalala lang ako, then now, I can't believe myself that im finally here once again. Relax Ken boy, it's for Pablo.

Bumuntong hininga ako bago tuluyang humakbang papalapit sa pink na kama. Kaagad napasimangot ang mukha nang masilayan ko ang mukha ng babaeng nagpapakulo ng dugo ko lately. I don't know why but I don't like her for no reason .

Mas nainis ako ngayon dahil sa ginagawa nya habang tulog sya--Humihilik sya mga pre.

Da ep! Kababaeng tao, humihilik!

"Tanghali na pero nakahiga parin ang Aning na 'to." Naabutan ko lang naman sya na nakahiga pa sa kama. Hindi pa maayos ang pagkakahiga nya, nakatihaya at yung kumot kunti nalang mahuhulog na sa sahig. Malikot ba sya matulog?

Hindi ba sya nasabihan ni Pablo na aalis kami ngayon?

Gigisingin ko ba sya? Tsk. Mukhang mahimbing ang tulog eh.

Napatingin ako sa mukha nyang natutulog. Sagwa naman nya matulog, nakanganga pa.  Oh! I had a great idea! Kesa magsayang ako ng oras para gisingin sya. May mas maganda akong naisip!

Lumapit ako sa mga drawer at walang ingay na naghanap ng pentelpen.

Sa ikatlong drawer na nabuksan ko, doon pa ako nakakita.

Ngayon palang natatawa na ako sa gagawin ko. Kinuha ko ang itim na pentelpen at lumakad ng marahan sa natutulog na si Aning.

Dahan-dahan lang ang pag galaw ko, baka kasi magising si Aning at hindi pa matuloy ang balak ko.

Una kong ginawa, binilugan ko ang tigkabila nyang mata tapos ginuhitan ko ng paiba-ibang linya ang pisngi at noo nya. Nilagyan ko narin ng star ang baba nya.

Kunti nalang hindi ko mapipigilan ang tawa ko! HA-HA-HA!

Nang tapos ang pagdo-drawing ko, dinukot ko sa bulsa ng jacket ko ang aking cellphone.

Pipicturan ko si Aning! Isang nakakatawang suoviner! Hmm! Wait-- Di kaya maging virus lang mukha nya sa cellphone ko?

Kinuha ko yung unan sa tabi nya at inihampas ito sa mukha nya. "HOY! ANING! GUMISING KA NA!" at hinampas ko ng isa pa! Tingnan natin kung di pa sya magising.

Gumalaw sya pero hindi parin sya nagising.

What? Baliwala lang sa kanya yung panghahampas ko?!

Try mo ulit, Ken.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now