Count 54: Confession.

642 28 10
                                    

SHEENY'S POV

Tagaktak na ang pawis ko dahil sa kalahating araw ng paglilinis. Kahit pa may aircon sa lugar na'to nararamdaman ko parin ang init.

Pansamantala akong naupo sa silyang kinuha ko kanina at pinupunasan ko ang pawis ko sa mukha. Langya, oily na ang mukha ko. Napaka init talaga sa Pilipinas! Magpapahinga muna ako pansamantala, nakakapagod. Pupunasan ko nalang ang mga mesa tapos pwede na daw akong umuwi.

Ang hirap pala talagang mag trabaho. Trulabels.

Habang nagpapahinga, chineck ko yung cellphone ko at ang daming missed calls mula kina Zerrin at Ken! Hala! Hindi ko man lang alam na tumatawag na pala sila kanina! Bakit ba kasi naka silent mode ang phone ko. Siguradong nag-aalala ang dalawang yun, wala naman akong load para tawagan sila pabalik.

Ang poor ko talaga masyado, walang load!

"Oh, mag meryenda ka na muna, Sheeny. Ang bilis mo naman maglinis. Ilang oras palang kita iniwan dito pero kumikinang na ang sahig ng bar ah." Dumating si manager Zhy na may dalang juice at sandwich. Ipinatong nya ang mga ito sa mesang katapat ko.

"Salamat po." Tamang tama gutom na'ko!

Habang kumakain ako gamit ang dalang remote binuksan ni Manager Zhy ang malaking flat screen TV na nakadikit sa dingding. Pareho kaming nakatutok doon.

"GET IN THE ZONE BREAK! WE'RE SB19!"

Muntik ko pang maibuga ang nginunguya kong sandwich ng narinig ko ang boses ng SB19 at saktong sila pala ang nasa programa ngayon.

"Ayos ka lang ba, Sheeny? Dahan-dahan sa pagkain, girl." Tinapik-tapik pa ni Manager ang likod ko.

"Okay lang po ako." Nakakagulat naman kasi!

Hindi na sumagot si Manager at nakatutok na ang mga mata nya sa pinapanuod sa TV.

Ang programa ngayon ay may title na Sound Break. Mukhang may sariling programa yata ang SB19.

Base sa napapanuod ko ngayon, ipinapakita ng programa kung paano nagsimula ang SB19.Ang babata pa ng mga mukha nila oh, bagets na bagets!

Hanggang dito talaga sinusundan nila ako. Makikita sa screen ang makukulit na boys, naghahabulan sila sa isang open ground habang nag pe-play ang kanta nilang GO UP.

"Sikat na sikat talaga sila at talagang ang gagwapo, sobrang talented pa idagdag pa ng galing sila sa mayayamang pamilya. Napakaswerte ng babaeng makakalapit sa kanila at nakapakaswerte nilang mga nilalang." Napalingon ako kay Manager, nagniningning ang mga mata habang nanunuod. Hula ko, A'Tin din sya. A'tin ang tawag sa fandom ng SB19. "Sa Nase University din sila nag-aaral hindi bat doon ka din pumapasok? Ibig sabihin nakikita mo sila?"

Kasama ko pa po sa iisang bahay."Ahh opo, nakikita ko sila." Baka pag sinabi kong nakatira ako sa mansion ng SB19 bigla akong sibakin ni Manager sa trabaho ko, joke.

"Alam mo lahat sila gusto ko pero yung isang yun---" Itinuro nya si Ken." Ang lakas ng dating nya, nakapa mysterious nya sa paningin ko. Sa kanilang lima kasi sya yung pinakatahimik."

Well, bully din po yan base sa experience ko. Syempre hindi ko namab pwedeng siraan ang SB19 nuh, thats bad. "Tapos na akong kumain, tatapusin ko na rin ang trabaho ko." Bago ako tumayo napatingin pa ako sa TV, saktong naka focus ang camera kay Ken. Nakangiti sya sa camera at pakaway kaway pa akala mo naman hindi masungit sa personal.

Lihim akong napangiti, nakakatuwa. Napakaswerte ko nga pala talaga. SB19 pa ang nag-alaga sa akin at itinuring pa akong prinsesa. Kapag umalis na ako sa mansion baka hanap-hanapin ko ang kakulitan nina Stell, Josh at Justin. Maging ang pagiging maalalahanin ni Pablo at syempre ang pagsusunget ni Ken.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now