Count 73: Celestina.

452 21 3
                                    

PABLO'S POV

"As of now, you don't have nothing to worry about. She's stable now and far from the death. Ang magagawa nalang natin ngayon ay ang maghintay sa pag-gising nya." Sabi ng doktor habang chineck ang mga apparatus na nakadikit sa katawan ni Sheeny. "Maiwan ko na kayo."

"Thank dok." Ako na ang nagsalita. Yung mag-asawa kasi na kasama ko ngayon ay pareho pang tulala sa nakahiga sa kamang si Sheeny. Hindi parin siguro sila makapaniwala na nasa harapan na nila si Celestina. Ako rin naman, hanggang ngayon hindi parin mag sink in sa utak ko na si Sheeny pala na inampon ko ay isa palang bilyonaryo. Napaka liit nang mundo.

Si Mr. Barrison ay nakatayo sa gilid ng kama habang mahigpit ang hawak sa isang kamay ng anak nilang matagal na nawala. Samantalang ang asawa naman ay nakaupo sa kabilang side ng kama at paulit-ulit na hinahaplos ang buhok ni Sheeny.

"How did you find her, Mr. Nase? How did you confirmed that this young lady is our Celestina?" Makikita sa mukha ng ginoo ang labis na saya, pwede na nga syang umiiyak kung gugustuhin nya.

Ako naman ay nakatayo lang sa may dulo ng kama. "Actually,totoong napakahirap na kumalap pa ng information about her because the kidnapping was happend 12 years ago. Nawawalan na ako ng pag-asa na matatapos ko ang kasong 'to pero nagkaroon ako ng pag-asa nung pumunta kami ni Ken,I accidentally saw a painting hanging in the wall. Nagtaka ako kung bakit may pagkakahawig si Sheeny sa babaeng bida sa painting. After that, nagkaroon na theory."

"The girl on the painting is my great grand mother, Celine." Pinagmasdan ni Mr. Barrison ang mukha ni Sheeny at napangiti sya ng makuntento sa nakita. "Indeed, kamukha sya ng Lola ko. Bakit hindi namin yun kaagad napansin nung una naming nakita batang ito. Can you tell us the perfect details, how did you find her?"

Bumuntong hininga ako. This is how I completed the puzzle. Nagtapos ang misyon ko nito lang nakaraang araw.

F L A S H B A C K

"Pre, bakit ako isinama mo dito sa Batangas? Hindi ba pwedeng mag solo flight ka nalang o di kaya dapat isa nalang sa mga tropa mo ang isinama mo. Idinamay mo pa ako eh." Reklamo ni Jayson habang pareho kaming makasakay sa taxi. Sabay kaming pumunta dito sa Batangas, actually pinilit ko talaga sya.

"Nandito na tayo sa probinsya kaya wala nang bisa yang pagrereklamo at isa pa, lihim lang ang pagpunta natin dito." Sabi ko naman.

"Bakit nga ba hindi ka nagpaalam? Saka di ba anniversary ng University ngayon bakit naman ngayon mo pa naisipang umalis?"

"Stop asking, andito tayo para matapos ang misyon ko ngayong araw. Babalik rin naman tayo sa Manila mamaya."

"Paano mo naman nalaman na matatapos na talaga ang misyon mo ngayon ha? Siguradong sigurado ka ba?"

Tumango ako. "Sigurado ako."

Wala naman talaga akong balak bumalik dito sa probinsya namin, malakas lang ang kutob ko na mahahanap ko na si Celestina, kunting clue nalang ang kailangan ko para mabuo ko ang puzzle.

Habang nakatingin ako sa labas ng kotseng sinasakyan namin bigla kong naalala yung moment na dumalaw kami sa mansion ng mga Barrison.

Nung nasa sala kami at nakikipag-usap sa mag-asawa isang malaking painting ang nakaagaw ng pansin ko. I didn't bother to ask dahil busy sa pagsasalita ang mag-asawa, lihim parin ako napapatingin sa malaking painting at tinitingnan ang ibang detalye nito.

Nakablue gown ang babae sa painting at nakalugay ang blonde nitong buhok. Nakatayo ito sa gitna ng garden katabi ang isang malaking fountain. Asul ang mga mata nya at masasabi talagang para syang isang dyosa. May gintong tiara din ang nakapatong sa kanyang ulo. Isang tunay na reyna.

COUNTLESSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang