Count 100: Surprise Wedding.

565 26 6
                                    

KEN'S POV

Totoo ba talaga itong nakikita ko? Si Aning nga ba talaga ang babaeng nakatayo at naghihintay sa akin sa dulo ng red carpet?

Ang puso ko, nagwawala na sya. Ang bilis at ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil ang kalahati ng puso ko ay nakangiti sa akin ngayon.

Kumaway pa sya sa akin at ngumiti. Damn! I miss that smile! I miss to see her beautiful smile! Sa wakas, nasilayan ko na ulit ang ngiting nagpa inlove sa akin.

Feeling ko, any moment now, maiiyak na ako sa sobrang overwhelmed na nararamdaman ko---wait, pumapatak na pala talaga ang luha ko.

Na surprised ako.

Ganito din ba ang napi-feel ng mga babae kapag sinursurpresa sila?

Gusto ko nang tumakbo papunta kay Aning at yakapin sya ng mahigpit. Miss na miss ko na ang langga ko.

"Hoy, Ken. Mamaya ka na umiyak, hindi pa nagsisimula ang totoong event eh. Nakita mo lang si Sheeny, umiyak ka na kaagad. Napakarupok mo talaga." Natatawang sabi sa akin ni Stell.

Maging ako ay napapatawa nalang sa reaksyon ko."Tears of joy 'to mga pre." Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim.

"Ken, handa ka na?" Nakangiting tanong sa akin ni Pablo. "Ito ang surprise namin sayo, sana maging masaya ka na. Sana maging masaya na kayong dalawa ni Sheeny. Pasalamat ka, hindi namin sinabi ang pangyayaring ito sa manager natin. Tibay mo eh, bawal nga mag girlfriend tapos may kasalan pa."

Tinapik ni Stell si Pablo. "Mamaya mo na kausapin yan, magsisimula na tayo!" Saway nito sa leader namin.

Biglang may nagplay ng music, hindi ko alam kung saan galing pero napakaganda ng kanta.

[Now Playing: KALAWAKAN By: MusicHero]

Sa pagsisimula ng background music, nag umpisa naring maglakad sina Justin at Josh. Nakasabit ang kamay ni Justin sa braso ni Josh at sabay silang naglalakad.

Sumunod naman kami.

Now I get it. Imbes na ako ang nag-hihintay sa bride ko na lumapit sa akin sa dulo ng aisle, baliktad namin kami ni Aning. Ako itong hinihintay nya.

Oo na, habang naglalakad ako tuloy tuloy na talaga ang pag-iyak ko. Bwisit na mga luha 'to, ayaw magpapigil!

Nang nasa gitna na kami, tumabi na yung apat at tumayo sa gilid. Hinayaan na nila akong maglakad mag-isa papalapit sa kay Aning.

Nang tuluyan na akong makalapit, wala munang nagsalita sa amin ni Aning. Nagtama ang mga mata at parang nagpapakiramdaman kami.

Dumapo ang isang kamay ni Aning sa pisngi ko. Ang init nang kamay nya. Tila may dumaloy na kuryente sa katawan ko ng lumapat ang palad nya sa balat ko. "Bakit ka umiiyak? Para ka namang shungek dyan eh. Ganyan ka pala kapag sinusurpresa, umiiyak." Natatawang sabi sa akin ni Aning.

"Hindi mo naman kasi sinabi na may paganito ka pala! Alam mo bang dalawang linggo akong naghintay sayo at halos mabaliw na ako sa kakaisi---" Hindi ko na naituloy ang reklamo ko dahil bigla syang yumakap sa akin.

"Dami mo namang sinasabi dyan, manok. Namiss kita, alam mo ba yun?"

Syempre, chance ko na ito! Yumakap ako sa kanya pabalik. "Mas miss kita. Di ba sabi ko sa'yo wag mo ako ulit iiwan ng ganun ganun nalang, nakakadalawa ka na ha!" Namiss kong yakapin ang maliit at payatot nyang katawan.

"TAMA NA LANDIAN! KASALAN NA!"

Napatawa naman kami sa sabay sabay na pagsigaw ng mga baliw kong kaibigan.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now