Count 29: Protector.

577 28 1
                                    

SHEENY'S POV

"Sheeny, sa akin ka na sumabay pauwi." Sabi sa akin ni Stell.

Tapos na ang final rehearsal namin kaya pinauwi na ang mga cast para makapagpahinga. Kanina pa naglabasan ang mga kasama namin, si Zerrin. Nauna na din. Kami nalang ni Stell ang nandito.

Chineck ko ang oras sa relo ko. 5:04 pm, 56 mins pa before 6 pm.

Isinakbit ko sa likod ang bag pack ko saka ko sya nilingon. "Mauna ka na Stell, magko-commute nalang ako pauwi. Sasaglit lang ako sa garden."

"Sheeny, are you sure about that?"May pag-aalinlangan si Stell. "Gusto mo samahan na kita? Hapon na Sheeny. Kakaunti na ang mga students na nandito sa campus. Ano ba gagawin mo sa garden?"

Hala! Ano ba dapat kong idahilan? Sa two weeks na pag iiwan ng rosas ng secret admirer ko, hindi ko ito ipinaalam kina Zerrin at sa SB19. Ewan ko ba pero mas pinili kong isekreto muna. "Wag na, okay lang naman ako. Saka saglit lang talaga ako."

"Hintayin nalang kita?"

Ang kulit naman nitong si Stell. "Wag mo na akong hintayin hindi naman ako magpapagabi eh."

Napakamot si Stell sa batok nya."Sige na nga, basta umuwi ka kaagad at wag magpapagabi. Mapapagalitan ako ni Sejun kapag hindi ka nya naabutan sa bahay pag-uwi nya." Stell, yung totoo. Nanay ba kita? "Payakap muna ako." Nag-open arms sya at nag-aanyayang yakapin sya.

Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Feeling ko kapag kasama ko si Stell, may kapatid akong lalaki."Mag-iingat ka, Sheeny ha. Tawagan mo ako kapag pauwi ka na." Pinat nya pa ang ulo ko at ngumiti.

Hinintay ko munang lumabas ng theater room saka ako lumabas. Bilang nalang sa daliri ang nakakasalubong kong mga estudyante. Maaga pa naman meron madilim-dilim na kaagad ang paligid, nagbibigay liwanag sa dinaraan ko ang ilaw sa poste.

Habang tinatahak ko ang daan patungo sa garden, nagsisimula ng umusbong ang kaba sa dib-dib ko. Ano bang gagawin ko kapag nakilala ko na taong nagpapadala ng mga bulaklak sa akin? Ano ba ang dapat kong sabihin? Ano kaya ng itsura nya? Ayyt! Tama na nga ang dami ko namang tanong.

Nagulat ako ng biglang kumulog at gumihit sa kalangitan ang mahabang kidlat. Langya, uulan pa? Wag naman wala akong dalang payong!

Walang katao-tao sa garden ng dumating ako, nandito na kaya sya? Takte! Kinakabahan ako mga paps! Habang naghihintay napili ko nalang maupo sa gilid ng malaking fountain. Inilubog ko ang isa kong kamay sa tubig. Napakalamig.

Luminga-linga ako sa paligid, hoping na baka andito na ang taong hinihintay ko.

Tama nga ba na mag assume ako? Alam ko maayos na kami pero hindi ko alam kung tama ba itong naiisip ko. Si Ken nga kaya ang nagpapadala nun? Malalaman di ko din mamaya ang mga sagot sa lahat ng tanong ko.

Sa ilang minuto pang paghihintay, may naramdaman akong parang may naglalakad sa likuran ko papalapit sa akin.

Nakaramdam ako ng excitement. Sya na itong dumating? Kyahh! Wait! Kinapa ko ang mukha ko, baka may dumi eh. Dapat beautiful ang feslak ko kapag humarap ako sa kanya. HEHE.

"Sorry, kung pinaghintay kita." Anang boses sa likod.

Ang boses na yun....

Hindi pa man ako nakakalingon para tingnan kong sino sya, naramdaman ko nalang na may brasong yumakap sa bewang ko mula sa likod, hindi na rin ako magalaw sa kinauupuan ko ng isang malamig at matalim na bagay lumapat sa leeg ko.

K-kutsilyo B-ba a-ang nasa leeg ko?

Napalunok ako ng laway. Kunting kilos ko lang maaaring mahiwa ang balat ko sa leeg.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now