Count 51: She's coming.

561 26 8
                                    

SHEENY'S POV

"Sorry, hindi ko alam na may nangyayari na pala sa'yo kanina. You should text me what like I've send. Hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi ka safe sa loob ng campus tapos sasama sama ka pa dun sa Mark na yun."

Kanina pa ganyan si Ken, sermon ng sermon. Bumalik lang kami sa university at ngayon tumatambay kami sa rooftop ng isa sa mga building dito sa campus.

Mula dito sa taas, kitang-kita ko ang dami ng mga estudyante na pagala-gala sa campus. Kasing laki na lamang sila ng mga langgam sa paningin ko. Ang lakas ng hangin dito sa rooftop, lumilipad lipad din tuloy ang buhok ko. Hindi naman masyadong mainit sa balat ang sikat ng araw ngayon kaya hindi masama ang pagtambay namin.

"Hoy, Aning. Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"

Pakurap-kurap akong napabaling kay Ken na katabi ko lang. "Ha? Ano yun? Ano nga ulit yung sinasabi m---Aray naman! Bakit ba palagi mong nakikita ang noo ko?!" Pinitik na naman nya ang noo ko eh.

"Sa malapad ang noo mo kaya nakikita ko palagi." May pang-aasar pa sa sinabi ni Ken.

"Bwisit ka talaga, wag mo nga madamay damay ang noo kong nananahimik." Lakas ng mang asar eh. Eh di masilaw sya sa noo ko!

"Hindi ka naman kasi nakikinig sa sinasabi ko? Kanina pa ako salita ng salita dito tapos ikaw malayo pala ang iniisip. King na, nasasayang pala ang laway ko sa pagsasalita."

"Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina? Sorry masyado lang malalim ang iniisip ko."

"May isip ka pala?"

Inambahan ko sya ng suntok kaya kaagad syang napaiwas. "Isang salita pa Ken masasapak na talaga kita. Anong tingin mo sa akin hindi marunong mag-isip?!"

"Ganyan ka ba talaga? Palaging high blood. Kaunting asar lang pikon kaagad." Natatawa pa si Ken sa sinabi nya.

"Eh kung ikaw naman talaga ang kaharap talagang kukulo ang dugo ng taong kausap mo. Napakapilosopo mo kaya." Pigilan nyo nga ako baka maihulog ko yang si Ken mula dito sa rooftop.

"Oo na, pikon ka lang. Nga pala, okay ka lang ba talaga? Hindi ka ba sinaktan nung mark na yun?"

"Bakit ganyan ka sa akin?"

Kumunot ang noo ni Ken na para bang hindi nya naintindihan ang tanong ko."What do you mean about that?"

"Bakit pinapakita at pinaparamdam mo na concern ka sa akin? Kung makapag alala ka dyan parang may ibang meaning na." Kasalanan nya kung bakit minsan hindi ko maiwasang mag assume, masyado syang concern sa akin. Napansin ko lang.

Hindi sya nakasagot sa tanong ko at mukhang wala naman syang balak sagutin. "Di bale na nga lang." Muli akong tumingin sa malayo. "Hindi mo sinabi kaagad sa akin nung isang gabi kung sino talaga ang stalker ko. Kung nalaman ko lang ang pangalan nya hindi na sana umabot na sumama pa ako sa kanya."

"Masyado ka lang mabait. Wag mo ibibigay ang tiwala mo kung kani-kanino kahit na kilala mo pa." Seryosong sabi ni Ken.

"Babalik na ako sa klase ko, ang tagal ko ng nawala. Sayang ang mga namissed kong lessons." Tumalikod na ako pero hindi pa ako nakakahakbang ng biglang may yumakap mula sa likuran ko.

Ipinilupot nya ang mga braso nya sa bewang ko at naramdaman ko din na ipinatong nya ang kanyang baba sa balikat ko.

Hindi ko na magawang maikhabang pa o maigalaw man lang ang mga binti ko, da ep bakit ako niyayakap ni Ken?! Anong meron?!

"Hoy, ano bang trip mo? Pwede bang wag mo akong yakapin? Hindi kita binigyan ng karapatang bigla nalang akong yakapin." Tutol ang isip ko sa pagyakap ni Ken sa akin pero ang puso ko bakit ganito? Ang bilis ng tibok! Kung hindi ako bibitawan ni Ken baka anytime magkaheart attack ako!

COUNTLESSWhere stories live. Discover now