Count 45: Sorry, Winter.

555 26 6
                                    

SHEENY'S POV

"Ken? Sheeny?"

Sabay kaming napalingon ni Ken sa taong tumawag ng pangalan namin. Si Pablo lang pala yung dumating akala ko kung sinong multo na.

"Nandito pala kayong dalawa. Kanina pa ba kayo?" Nakangiti syang lumapit sa pwesto namin ni Ken. Pansin ko ang dala dyang ilang piraso ng rosas at isang puting kandila.

Bahagyang naupo si Pablo. Ipinatong nya ang mga dala nyang bulaklak sa lapida at sinindihan yung kandila. May dala din pala syang lighter eh.

Pareho lang kami ni Ken na nakatingin kay Pablo. Napakaseryoso naman ng atmosphere.

"Sorry bunso ngayon lang ulit nakadalaw sa'yo si Kuya. Medyo naging busy lang ako. Miss na miss na kita." Sabi ni Pablo habang pinapasada nya ang kanyang palad sa ibabaw ng pangalan ng kapatid nya. Ngayon ko lang nakitang ganito ang leader ng SB19, parang iiyak na sya anytime. Miss na miss na siguro nya ang kapatid nya.

Siguro, mahal na mahal talaga ni Pablo ang kapatid nyang si Winter. Ano nga kaya ang nangyari? Paano kaya nawala sa kanila si Winter? Nasa curious mode na naman ako.

Ilang minuto lang nagdasal si Pablo bago sya tumayo ulit at humarap samin. "Hindi ko enexpect na makikita ko kayong dalawa dito. Kanina pa ba kayo?"

"Kadarating lang din namin." Ako na ang nagsalita dahil itong katabi kong si Ken parang napipi na yata. Tulala lang sya sa kandilang nakatirik sa lapida.

"Kung maaga lang siguro tayong nakarating sa lugar na yun eh di sana nailigtas pa natin sya. Buhay pa siguro sya hanggang ngayon." Seryosong sabi ni Ken.

Ipinatong ni Pablo ang kamay nya sa balikat ni Ken. "I'm so sorry about that. She's gone. We have nothing to do but to accept and move on." Mukhang sinusubukang i-comfort ni Pablo ang kaibigan nya.

"How can you said those kind of words, Pablo? Kung naging madali pang para sa'yo na tanggapin na wala na sya sa akin mahirap yun."

"Ken, it's already 7 years since she leave us. Kung nasaktan ka na nawalan ka ng taong mahal mo, mas masakit sa'kin ang pagkawala nya. Nag-iisa ko syang kapatid eh."

Ang bigat ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Lumalabas sa usapan na parang hindi pa nakakamove on si Ken. Sabagay, first love nya si Winter and first love never die.

Gruuuuu~~~

Sa kabila ng seryosong usapan heto ako umepal ang aking nagugutom na tiyan. Sabay tuloy silang naka patingin sa akin.

"Sorry, sumabat sa usapan nyo yung tyan ko nagugutom na kasi ako eh. Pero wag nyo na akong pansinin, tuloy nyo lang usapan nyo." Shocks! Nakakahiya naman, wrong timing pa ang pagkalam ng sikmura ko.

Pinapat ni Pablo ang ulo ko at ngumiti sya sa akin. "Nagugutom ka na pala, bakit hindi mo sinabi kaagad. Tara, hanap tayo ng makakainan natin."

"Seryoso na usapan namin, umepal pa yang tyan mo. Pareho kayong epal. Tsk." Naiinis na sabi ni Ken.

"Sorry naman po, sa nagugutom na ako eh. Kinaladkad mo kasi ako dito ng hindi pa ako kumakain." Sabi ko naman sabay hawak sa tyan ko. Simula ng nakauwi kami galing Batangas empty pa ang tyan ko.

"Hoy! Hindi kita kinalakad dito at hindi rin kita pinilit na sumama sa akin. Wag mo nga ibahin ang kwento!" Gigil agad si Manok eh.

"Ken, wag mo ngang awayin si Sheeny." Go Pablo! Ipagtanggol mo ako sa manok na yan balak pa yatang magwala dito sa sementeryo. "Ang mabuti pa maghanap nalang tayo ng makakainan. Saan mo gustong kumain, Sheeny?"

Hmmm. "May gusto akong kainin sana kaya lang hindi yun makakain sa restaurant saka baka hindi kayo kumain nun." Nagke-crave ako bigla sa pagkaing naiisip ko.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now