Count 35: Grand Ball (Part 3)

487 24 2
                                    

GLAIZA'S POV

Arrghh! Who's that girl?! Sino syang bwisit sya para bigla nalang umeksena dito sa ball namin?! Okay na eh, ready na ako matapatan nung ilaw tapos biglang papasok ang babaeng yun!

Sa sobrang inis ko nalukot ko na yung cover ng table, I'm really mad! Gusto ko magwala sa sobrang inis habang pinapanuod ko syang isayaw sa dance floor ng SB19. Kung kelan napalayas ko na sa eksena yung Sheeny na 'yun heto at may isa pang umepal!

May pamaskara-maskara pa sya, anong paeffect yun? Gown lang naman ang nagdala sa kanya. Kung makikilala ko lang talaga ang babaeng yun, uubusin ko ang buhok nya, I swear!

"Ms. Glaiza, are you okay?" Tanong ni Amanda sa akin.

"Do I look like okay? Nabibwisit ako alam nyo ba yun. Wag nyo akong kausapin at baka sa inyo ko maibuhos ang inis ko." I took my wine glass at straight ininom ang laman nun. Arggh! Kulang pa! Hindi man lang gumuhit sa lalamunan ko ang alak na'to! Wala ba silang mas matapang na inumin kesa dito?

***

ZERRIN'S POV

Wahhh! Grabe! Sobrang intense ng kaganapan kanina! Gusto kong magsisigaw habang isinasayaw ng SB19 si Sheeny kanina! Nakakakilig! Para talaga syang si Cinderella at ang haba ng hair nya ha, lima ang prinsipe nya!

Nakuha nya ang atensyon ng lahat paglakad pa lang nya sa red carpet, sa entrance ba naman dumaan kanina tapos saktong sa kanya tumama yung puting ilaw!

Pangarap ko din na maisayaw ako ng SB19 sa ganitong party, pangarap ko na yun since dito ako nag-enroll. Pero for this night, mas bagay kay Sheeny ang maging Queen of the night! Yieee proud ako na naging kaibigan ko sya!

After syang isayaw ni Ken, charay may patakbo-takbo pa syang nalalaman at hinabol pa talaga sya ni Ken! Kinikilig ako! Actually, unang tingin ko palang sa kanila noon kahit na nagkakaasaran silang dalawa, alam kong may chemistry sila!

Kanina habang isinasayaw ni Ken si Sheeny, sa expression ako ni Ken nakatingin, siguro ang daming tanong na naglalaro sa utak nya habang kaharap nya ang mysterious girl. Hindi nya alam na si Sheeny yun!

Si Friend naman kasi may pa maskara pa! Ayos din mag-isip eh! Pupusta ko ang boxer ni Stell, siguradong pag-uusapan sya ng buong campus sa loob ng maraming araw.

"Zerrin, tara sayaw tayo." Nasa tabi ko na pala si Stell at bigla nyang kinuha ang kamay ko. Hindi na ako tumanggi nung alalayan nya akong maglakad papunta sa gitna. Madami din ang nagsasayaw sa dance floor, sweet kasi ang music eh.

Ipinatong ko ang mga kamay ko sa balikat ni Stell at ang mga kamay nya ay nasa bewang ko. Yieee, kinikilig ako! Bakit ba ikaw ni Michael Pangilinan ang piniplay ng DJ.

"Sino kaya yung babae, she's really mysterious." Simula ni Stell ng usapan.

Kilalang-kilala ko kung sino yun pero shatap nalang muna ako. Hehe. Iwasan ko nga munang tumingin sa mga mata ni Stell para kasing nahihipnotise ako eh. Stell, wag mo naman akong titigan ng ganyan, naiinlove ako eh. "Kapag ba nahulog ako sasaluhin mo ba ako?"

"May sinasabi ka ba, Zerrin? Hindi ko masyadong naintindihan eh."

Ha? Ako may sinasab--Mygosh! Nasabi ko na naman ba yung nasa isip ko lang? Nakakahiya ka Zerrin!

"Ahh! Ano wala yun! Hehe oo tama wala nga yun." Tanggi pa more! Napayuko nalang ako, nahihiya ako sa sinabi ko eh. Sana hindi nya talaga naintindihan!

Naramdaman kong unti-unti syang yumuyuko, akala ko kung ano ang gagawin nya pero Itinapat nya lang ang bibig nya sa tenga ko. Wait-bubulong yata sya sa akin. "Oo naman, kapag nahulog ka baka nga saluhin kita may pagkalampa pa naman ako minsan baka madulas din ako habang sinasalo kita at sabay tayong mahulog sa isat-isa."

COUNTLESSWhere stories live. Discover now