Count 22: Bounding.

557 28 0
                                    

SHEENY'S POV

"Ano bang ginagawa mo dito ha? Sinundan mo ba ako mula sa bahay hanggang dito sa mall?" Bad trip! Bakit ba andito si Ken?

Pinitik ni Ken ang noo at nagtaas ng kilay."Ikaw susundan ko? Ano ako stalker mo? Pakapal ng pakapal ang mukha mo, Aning. Alam mo ba yun?" Kahit na nakaface mask si Ken, malinaw kong maririnig ang boses nya. "Umipod ka nga dun! Uupo ako."

"Kita mo namang walang space na di ba? Wag ka ng umupo. Magtiis kang tumayo." Nakakaasar naman! Sina Zerrin at Stell nakatingin lang sa amin ni Ken.

"Hoy, Aning." Inihampas sa akin ni Ken yung paper bag na hawak nya.

"Ano ba? Makahampas ka parang gusto mo nang mawala ang braso ko." Akala mo hindi babae ang hinahampas nya.

"Pakialam alam mo kung gusto kitang hampasin gusto mo isa pa eh." Hinampas na naman nya ako ng isang beses. "At isa pa."

Aba! Sobra na ang manok na'to! Pinipikon nya ako ha. "Ken, isang beses mo pa akong hampasin malalagot ka sa akin."

"Talaga ba? Nice. Natatakot na ako." At hinampas na naman nya ako but this time sa mukha ko na tumama.

Sa inis ko tumayo na ako at akmang susuntukin na sya pero bigla nya ang tinulak palayo sa upuan ko at sya ang umupo doon.

"Ibibigay mo din naman pala sa akin ang upuan, babagal bagal ka pa. Ikaw nalang ang magtiis tumayo para tumangkad ka naman."

Walang ya talaga itong si Ken! Napakagentleman! Pinaalis nya ako sa upuan ko. Wala talaga syang puso buti pa ang saging may puso pero si Ken wala!

Apat lang kasi ang available na upuan na kasama nung table na napili namin kaya no choice na ako kaya inalis ko yung mga paper bag na nasa tabi ni Ken, ibinaba ko na nalang ang mga iyon sa ilalim ng mesa.

"Sino ang may sabi na maupo ka katabi ko?" Inis na sabi sa akin ni Ken pagkaupo ko.

"Kapag ikaw hindi ka pa tumahimik, sisigaw ako dito at sasabihin ko sa lahat ng taong kumakain dito sa loob, na ang member ng SB19 na si Ken Suson ay nandito. At pagkatapos nun, pagkakaguluhan ka nila at hahabulin kagaya nung nakaraan. " Oo! Nagbabanta ako! Gagawin ko talaga yun. Tingnan lang natin ngayon nya ako subukan.

"You can't do that." Nakapangalumbaba na sabi ni Ken.

Hindi pala ha, bigla akong tumayo at huminga ng malalim. Ready na akong mag eskandalo! "SI KE---" Hindi ko na naituloy ang pag-sigaw ko dahil tinakpan ni Ken ang bibig ko gamit ang kamay nya. Natayo na rin pala sya at hinila nya ako pabalik sa upuan ko.

"Will you please shut up, Aning. Mahiya ka naman!" Sabi ni Ken.

Takot pala sya eh! Tinanggal ko ang kamay nya sa bibig ko. "Naghugas ka ba ng kamay? Ang baho ha! Tapos inilagay mo pa sa bibig ko!" Nagbibiro lang naman ako, mabango nga kamay nya. Amoy strawberry.

"Hindi kamay ko ang mabaho, bibig mo. Kita mo itong kamay ko?" Itinapat nya sa mukha ko yung palad nya. "Mas mabango pa ito sa sa'yo at may malinis pa kesa sa budhi mo."

Isinalpak ko sa mukha nya yung palad nya. "Ilayo mo nga sa akin nyang kamay mo, maghugas ka ng kamay. May germs na yan."

"Kailangan ko na talagang maghugas ng kamay, mukhang germs pa naman ang hinawakan ko." Kumuha pa sya ng tissue at ipinampunas nya sa kamay nya.

"Napakaarte mo talaga Ken, pakihugas na rin buong katawan mo ha baka sakaling maalis din ang namumuong bacteria sa utak mo." Tumingin ako kay Stell. "Ikaw na nga kumausap sa kaibigan mo. Baka mapatay ko ng wala sa oras."

Natatawa lang si Stell sa nakikitang usapan namin ni Ken."Ken, bakit ka nga pala nandito. Kung alam ko lang na lalabas ka din pala ng bahay at dito pupunta sana sumabay ka na sa amin."

COUNTLESSWhere stories live. Discover now