Count 10: Stitch Pala.

579 26 1
                                    

SHEENY'S POV

Sa pangalawang pagkakataon, sinulyapan ko ulit ang mukha nung lalaking nahulog sa puno. Baka namalik mata lang ako.

Pero kahit ilang beses pa ako kumurap,si Ken parin ang nakikita ko.

Ang shungek naman,hindi nag-iingat. Ano ba kasi ang ginagawa nya sa taas ng puno? Nag-aaral lumipad? Marunong ba lumipad ang manok?

"Ken? Ken? Yohooo." Tinapik-tapik ko ang pisngi nya, ganun parin nananatili parin syang nakapikit.

Gusto ko matawa sa itsura nya. Ang sama naman ng bagsak nya, nakadapa at una ang mukha.

Sa pagtitig ko sa mukha nya, hindi ko maiwasang matulala. Ang tangos pala ng ilong nya. Yung kilay tama lang ang kapal at yung labi? Apaka kissable naman!

Hala! Ano ba itong iniisip ko? Bad! Aning, that's bad!

Bakit ganun? Mukha pala syang anghel kapag tulog. Ken, pwede bang wag kanang gumising? Ganyan ka nalang.

Umayos ako ng pagkakaupo sa gilid nya. Nakapalda kasi ako eh, Hindi ako makaupo ng maayos baka makita ang short ko."Ken? Oyyy."

Bahagya ko ding niyugyog ang kanyang balikat. Nagmulat naman sya ng dahan-dahan.

"What? Nananaginip atah ako. Bakit si Aning ang nasa panaginip ko? This is a bad nightmare."  Mahina nyang sabi, nananatili parin syang nakadapa sa bermuda grass. Feel na feel nya atah ang pagdapa. Nakatingin sya sa akin at papungay-pungay pa ang mga mata nya.

Ken, hindi ka nananaginip. Ako talaga 'to. Isang magandang nilalang!

"Binabangungot atah ako." At muli na naman syang pumikit.

Bastos to ah! Napakaganda ko naman para maging nightmare!

Pinisil ko nang sobra ang kanyang pisngi."Hoy Ken! Gumising ka dyan! Para sabihin ko sa'yo hindi ako isang panaginip!"

Gamit ang maliit na patpat na hawak pala nya, pinalo nya ang kamay ‘kong pumipisil sa pisngi nya.

"Aray! Bakit ka ba namamalo?" Binawi ko ang kamay ko.

"Pinipisil mo ang makinis kong pisngi na wala naman akong binibigay na permiso. Lapastangan ka." Unti-unti na syang bumabangon sa pagkakadapa at nag-indian seat pa sya sa harap ko.

"Damn. Ang sakit ng likod ko. Ang sakit ng dibdib ko!" Daing nya.

"Ikaw ba naman ang nahulog dyan sa baba mula sa mataas na puno, talagang masasaktan ka nyan." Pasaway! Hindi kasi nag-iingat eh! "Ano ba kasi ang ginagawa mo doon sa taas ng puno? Okay ka lang ba?"

Sana sa pagkakahulog nya maging mabait na sya sa'kin.

"Gusto ko kumain ng mangga kaya umakyat ako. Kaya lang nakaramdam ako ng antok kaya nakatulog ako dun sa isa sa mga sanga ng puno." Ipinatong nya ang kanyang siko sa hita nya saka sya nagpangalumbaba at tumingin sa taas ng puno.

Napatingin din ako sa taas. Oo nga, tama si Ken. Hitik nga pala sa bunga ang punong ito kahit hindi na season. Hindi ko ito napansin kanina. Indian mango sya, natatakam tuloy ako.

"May nakuha ka ba nung umakyat ka?" Bigla kong natanong.

Umiling sya. "Bulag ka ba? May nakikita ka bang mangga sa kamay ko? Di ba wala naman."

Hmmp! Sunget parin. Siguro dapat nahulog ulit sya galing sa mas mataas na lugar, baka sakaling sa pagkakataong maging mabait na sya.

Natatakam na din ako sa mangga! Ohhh! Mahal kong mangga! Bakit mo ako inaakit ng iyong napakasarap na katawan? Ayy! Ang sama naman.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now