Count 37: Go Chieken!

578 20 0
                                    

SHEENY'S POV

"Kuya Klark, si Kuya Ken ba ng SB19 ang nandito sa loob ng bahay natin?" Mahina lang magsalita si baby girl parang pagod pero punong-puno ng buhay ang mga mata nyang nakatitig ngayon kay Ken. Hindi yata sya kumukurap.

"Oo, Keicel, si kuya Ken yan. Di ba ang sabi ko sa'yo kagabi pupunta sya dito sa atin." Sabi ni Klark sa kapatid nya.

Inalis ni Ken ang suot nyang face mask at sumbrero pati narin yung shades. Mas lumaki ang ngiti nung bata. "Hi baby, ako si Kuya Ken. Balita ko kasi paborito mo ako sa SB19 kaya pinuntahan kita dito." Kumaway si Ken lay Keicel at ngumiti dito. Pati tuloy ako napangiti din.

"Pwede po ba kitang mayakap?"

"Oo naman." Nag-open arms si Ken. "Come to me, I'll give you a hug."

Maingat na inilipat ni Klark si Keicel sa kandungan ni Ken. Sa mukha nyang bata makikita talaga ang kasabikan na mayakap ang iniidolong artista. "Ang bango nyo po." Natawa kaming tatlo sa sinabi ni Keicel.

"Maraming salamat sa pagpunta nyo dito. Hindi nyo lang alam kung paano nyo napasaya ang kapatid ko." Nakangiting sabi ni Klark.

Hindi na muna umalis si Keicel sa pagkakayakap nya kay Ken, mukhang ayaw na nga nyang bumitaw eh. Nakasandal pa ang ulo nya sa dibdib ni Manok. Sabagay, kung ako din ang yayakapin ni Ken hindi na ako aalis---teka! Ano ba naman itong iniisip ko! Erase. Erase. Erase.

"Kayo pang ba ang nakatira dito? Nasaan ang parents nyo?" Wala naman sigurong masama kung magtatanong ako di ba? Curious lang ako, para kasing wala nang ibang nakatira dito.

"Yung nanay namin, apat na taon nang patay. Kaya ayun, ako na ang tumayong nanay at tatay kay Keicel. Nung ipinganak kasi sya doon namatay ang aming ina. Ginagawa ko ang lahat para makaalis kami sa lugar na ito pero hindi naman sapat yung kinikita ko sa pagta-tricycle driver, hindi na nga ako makapag-aral. Mas kailangan kasing maibili ko ng gamot ang kapatid."

Sa pagbitaw ni Klark sa mga salitang yun, may narealize ako. Wala din akong mga magulang katulad nila at lumaki pa ako sa ampunang puro naman paghihirap. Pero higit na mas maswerte ako kasi nakilala ko ang SB19 at tinulungan nila akong makapag-aral.

"Ano bang sakit ni Keicel?" Tanong ko. Masyado na ba akong tsismosa?

"May Asthma sya at talagang mahina ang kanyang baga. Kunting kilos at pagsasalita lang nya kinakapos na kaagad sya sa hangin, kaya madalas binubuhat ko nalang sya."

Ahh kaya pala pansin ko mabagal at mabibigat ang pag-hinga ni Baby girl.

"Kapag may extrang pera ako ibinibili ko sya ng posters ng SB19. Napapasaya ko kasi sya kapag may naiiuuwi ako. Ikaw si Ken ang paborito nya."

"Paborito mo ako? Alam mo paborito na rin kita. Gusto ko ang kulay ng mga mata mo, mukha kang manika." Gigil na pinisil ni Ken ang pisngi ni Keicel. Ang cute nilang tingnan parang sila ang magkuya. Ngiting-ngiti tuloy si Keicel.

Hindi ko alam na mahilig pala si Ken sa bata. Wooooh! Bakit unti-unting nagpapakita sa akin ang mga good sides ni Ken?

"Bakit nga pala blue ang mata ni Keicel? May foreign blood ba kayo?" Actually si Klark din ang ganda ng kutis. Mestiso.

Napakamot sa batok nya si Klark at parang nahihiya pang magsalita."Ang totoo nyan, isang British ang tatay namin pero hindi naman namin alam kung kilala kami ng loko at lola namin sa ibang bansa."

Ako din hindi ko alam kung nasaan ang mga magulang ko. Kung mahal pa ba nila ako, kung bakit nila ako iniwan sa ampunan, kung bakit hindi nila ako hinanap kung talagang mahal nila ako bilang anak. Ang dami kong tanong simula pa nung bata pa ako at hanggang ngayon wala parin akong nakukuhang sagot.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now