Count 79: Moonlight Kiss.

549 27 9
                                    

SHEENY'S POV

Ang totoong pag-ibig daw kayang maghintay. 'Yung tipong kaya kang hintayin ng taong mahal mo. Akala ko sa wattpad lang mayroong lalaki na marunong maghintay kahit na matagal na panahon. Alam ko, ang isang buwan ay hindi pa ganoon katagal para sa iba pero pakiramdam ko, katumbas na rin yun ng isang taon.

Bumibilis parin ang tibok ng puso ko lalo na't nasa harapan ko na naman ang una 'kong pag-ibig.

Nandito parin kami sa garden. Enjoy namin ang pag-upo sa Bermuda grass. Magkatabi at nakaharap kami sa mga tanim na rosas. Naka-indian seat kaming dalawa at walang nagsasalita. Parang naghahanap pa kami pareho ng sasabihin. Woooh!

Sa kabila ng malamlam na liwanag ng buwan, malinaw ko paring nakikita ang mukha ng lalaking nagpapatibok ng puso ko.

"Bakit mo 'ko sinundan dito ha? Paano kung hinahanap ka na pala ng mga bisita mo? Tapos andito ka lang pala kasama kong lihim na nagde-date sa garden nyo." Hinawakan ni Ken ang dalawa 'kong kamay at idinampi nya ang kanyang labi sa likod ng palad ko. "Ang liit parin ng kamay mo, langga. Parang kamay ng bata ah. HAHAHA." Matapos ang isang buwan ngayon ko nalang ulit narinig ang pagtawa nya. Ang sarap naman pakinggan ng pagtawa nya. Nakakabaliw, at baliw na nga yata ako.

"Hayaan mo silang hanapin ako. Hindi naman ako mahilig sa mga ganitong kalaking party at isa pa, wala naman akong kilala sa mga bisita liban sa inyong mga kaibigan ko." Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at sya namang akbay nya sa akin. "Bago ako umalis hinintay dumating at pigilan ako pero hindi ka nagpakita sa akin."

"Sinong may sabi na hindi kita pinuntahan? Kung alam mo lang nangyari sa akin. Huli na nang malaman 'kong paalis ka na tapos ng puntahan naman kita sa ospital, nakaalis ka na daw at ng araw na yun talagang tinamaan ako ng kamalasan, ibang van pala ang nasundan ko. Naaksidente pa nga ako eh."

Napatingin ako sa kanya. "Talaga? Pinuntahan mo din ko?"

Gigil nyang pinisil ang ilong ko."Oo, pero kagaya nga ng sinabi ko maling van pala ang sinundan ko." Sinapo nya ang pisngi ko at ang mga mata ni Ken ay naging malungkot. "Yung nangyari before ka umalis. I'm so sorry about that, I swear walang nangyari sa amin. Kahit gaano man ako kalasing hinding-hindi ako mawawalan ng kontrol sa sarili ko. I'm so sorry langga. I didn't mean to hurt you. You know how much I love you. "

Ramdam ko ang sincerity sa mga salitang sinasabi ni Ken. "Bago pa naman ako umalis napatawad na kita, alam mo din kung gaano kita kamahal. Marupok ako di ba, parang lumang kahoy na kapag hinawakan mo bibigay kaagad."

"Teka, kahoy ka pala? Akala ko pa naman, pader ka---Aray! Stop it! Don't bite me! Joke lang naman eh!"

Kinagat ko kasi braso nya eh--tinitikman ko lang naman kung mesherep sye. "Sinabihan mo ako ng pader eh! So sinasabi mo bang flat ako ha! Ganun? Ganun?! Pinatawad na nga kita tapos nagawa mo 'pang manlait dyan!" Ambastos! Flat daw ako! Di baby bra gamit ko ha!

Hinimas nya yung parte ng braso nyang kinagat ko."Sinabi na ngang biro lang eh. Grabe ka makagat ah, kelan pa naging aso ang girlfriend ko? Nag-abroad ka lang naging ganyan ka na---pero flat ka talaga langga. HAHAHA"

Ayyt! Ken! Wag ka namang tumawa, nanghihina ako eh! PERO TEKA LANG TALAGANG PINAGDIDIINAN NYANG FLAT AKO! "Hoy, wala kang ebedensya na flat ako!" Gigil ako mga paps!

"Weh? Eh bakit ganyan ka makareact? Affected ka masyado. Trigger ka nuh? Kasi totoo." Bwisit na manok na 'to lakas mang asar! "Buti pa yung chieken may breast pero yung langga ko, wala."

Nagsalubong na ang kilay ko. Langga naman oh, matapos ang isang buwan na walang usap-usap pipikonin lang nya ako. Hindi naman talaga ako flat. :<

COUNTLESSWhere stories live. Discover now