Count 39: Truth or Dare.

620 28 2
                                    

KEN'S POV

"So guys, sana naenjoy nyo ang pagsama sa akin sa paglilibot dito sa loob ng bahay ng aming mahal na Pinunong Pablo. Look at the furniture, ang gaganda nilang lahat di ba? Almost 7 years na rin kaming hindi nakakapagbakasyon."

Matamlay kong ibinagsak ang katawan ko sa couch habang pinapanuod kong mag video si Justin. Maghapon na syang nakaharap sa cellphone nya, hindi yata nalolowbat ang battery ng phone nya pati sya full energy parin eh.

Lumabas mula sa kusina si Stell at may hawak syang dalawang basket na may lamang mga beer in can. "Justin, Ken dito nga kayo labas. Bonding time tayo ngayon." Excited nyang ipinakita sa amin yung hawak nya. "Inom tayo ngayong gabi."

Matik akong napatayo at lumapit kay Stell. "Tulungan na kita."

"Ha? A-ako t-tulungan mo?" Ano bang mali sa sinabi ko? Masama na bang tumulong. Gulat na gulat si Stell sa sinabi ko eh.

"Ayaw mo eh di wag." Madali naman akong kausap eh.

Umuna na akong lumabas ng bahay. Naabutan ko ang set up na may mesang gawa sa kahoy at anim na upuan. Sa ibabaw ng mesa ay may kung ano-anong pagkain na nakahanda na sa ibabaw at dalawang metro mula sa pwesto ng mesa ay may grill stand.

Umuusok na yun at nag-iihaw na si Josh ng pork barbeque. Busy na busy sya sa iihaw. Naka-apron at sige lang sa paypay. Basta talaga barbeque ayaw nyang magpapahuli.

Kung may nakaagaw man ng pansin ko ay walang iba kundi si Aning. Nakatalikod sya sa view ko. Nililipad ng hangin ang buhok nya at pinagmamasdan nya yata yung taal volcano. Mula kasi dito sa pwesto ng bahay, ma eenjoy mo talaga ang view ng Taal Lake. Idagdag pa natin ang kulay kahel na kalangitan dahil papalubog na ang araw.

"Hoy." Tumabi ako sa kanya. "Anong iniisip mo? May isip ka pala? Anong trip mo, emote emote habang nakatanaw sa bulkan?"

Inirapan nya lang ako."Alam mo epal ka talaga minsan. Kita mo na nang nag eemote ako dito tapos bigla mo akong tatabihan, panira ka ng moment minsan."

"Nagtatanong lang naman eh, masama ba mag tanong ha? Mukha ka kasing seryoso. Ang lalim ng iniisip mo." Sandali may naalala ako! "Di ba taga dito ka Batangas, dito din ba sa Laurel?"

Naghintay ako ng sagot sa napakaganda kong tanong pero wala dinedma ako ni Aning. Sa malayo parin sya nakatingin at hindi man lang ako magawang lingunin.

"Naisip ko lang biglang yung magkapatid na tinulungan mo kanina." Sabi ni Aning.

"Sina Klark at Keicel? Bakit mo naman sila iniisip?"Hindi ako sanay na ganito sya kaseryoso.

"Pareho kaming walang magulang."

So, dahil seryoso nga ang usapan hindi magandang asarin ko sya.

"Alam mo ba yung feeling na wala kang nakilalang pamilya habang lumalaki ka? Ako kasi oo. Simula ng tumira ako sa bahay ampunan, wala na akong maalalang kahit ano. Minsan naiinggit ako sa mga kaedad ko na may magulang. Kaya relate na relate ako kina Klark. Gusto kong maranasan ang feeling na merong pamilya."

Kusang gumalaw ang kamay ko at hinanap ang kamay nya dahilan para matingin sya sa akin.

Wala akong sasabihin pero sana sa higpit ng pagkakahawak ko sa kamay nya, maramdaman nyang may pamilya na sya. SB19 is her family now.

***

SHEENY'S POV

Ngayon alam ko na kung anong tipo ng tao si Ken, sya yung tao na nakatayo sa kasabihan na 'Action speak louder than words'. Wala syang sinabi para i-comfort ako sa lungkot na nararamdaman ko ngayon pero sa paghawak nya palang sa kamay ko parang sinasabi nya na rin sa akin na may pamilya na ako.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now