Count 71: A revenge.

415 26 3
                                    

-Pablo's Pov-

"Ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa? Ngayon ko lang nakita na ganun ang itsura ni Ken, galit na galit sya. He's really creepy.
Okay ka na ba, pinuno?" Tanong ni Stell sa akin.

Bumuntong hininga ako"Guys, can you leave us for a second. Doon nalang muna kayo sa labas at abangan nyo si Ken- kung uuwi sya."

"Sige, ikaw na muna ang bahala sa kanya." Nagpalitan kami ng ngiti ni Stell. "Josh, Justin tara na sa labas saka ano bang problema nyong dalawa? Kagabi pa kayo hindi nagpapansinan ah? Umayos nga kayo."

Una nang lumabas ng kwarto si Stell, sumunod naman sa kanya yung dalawa na daig pa ang may virus at ang layo ng distansya sa isa't-isa.

When they finally gone, sa walang malay na si Sheeny nalang ako nag focus. Naka oxygen mask na naman sya. Hindi maganda ang pag-iyak nya kanina kaya inatake na naman sya ng asthma nya. Ano bang nangyari sa kanila ni Ken at maging ako ay nasuntok?

Anong kinalaman ko?

Nilagyan ko ng kumot si Sheeny hanggang sa dibdib nya. Nasaan ba si Ken ngayon? Nakalimutan na ba na ganito ang nangyayari sa girlfriend nya kapag nakakaramdam ng extreme emotion si Sheeny?

Tsk.

Sheeny's Pov-

Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin ng imulat ko ang mga mata ko. Mula sa nakabukas na bintana nanggagaling ang liwanag. Umaga na. Nasa kwarto na pala ako, anong nangyari?

Inalis ko ang oxygen mask na tumatakip sa ilog at bibig ko. Inatake na naman ba ako?

Hindi lang ako ang nandito sa kwarto, nasa gilid ko si Pablo, nakaupo sa isang silya at nakaub-ob sa kama. Natutulog ba sya? Anong ginagawa nya dito sa kwarto ko?

Sa pagtitig sa kanya, nanumbalik sa akin ang imahe na nakita ni Ken sa cellphone nya na naging dahilan kung bakit galit sa akin si Ken ngayon.
Hindi ko makalimutan yung mukha ni Ken, galit na galit sya sa akin. At yung mga mata nya, napakalamig. Hindi sya ganun tumingin sa akin. Gusto kong maiyak ulit at sumasakit ang dibdib ko.

Sana hayaan nya akong magpaliwanag.

"Sheeny, Gising ka na? Okay ka na ba?" Sabi ni Pablo at pangungay-pungay pa ang mga mata nya.

"Hindi ko alam kung okay ba ako. Yung paghinga ko, maayos na pero kami ni Ken hindi pa." Sana naiintindihan ni Pablo ang sinasabi ko, napakahina kasi ng boses ko eh. Pakiramdam ko wala akong ganang magsalita ngayon. Nanghihina ako.

"Ikaw, okay lang ba ang panga mo? Ako na ang humihingi ng sorry sa ginawa sa'yo ni Ken." Naalala kong sinapak nya pala sya ni Ken.

"Don't worry about me." Bakas sa kanang bahagi ng labi ni Pablo ang violet na kulay ng kanyang balat. Mukhang nag-iwan ng pasa ang suntok sa kanya. "Can you tell me what happend, lahat kami nag-aalala sa inyong dalawa."

Bumuntong hininga ako para pigilan ang luhang gusto na namang kumawala sa mga mata ko. "Nagalit sa akin si Ken, may nagpadala kasi sa kanya ng mga pictures nating dalawa na magkayakap at yung isang picture pa na akala nya ay naghalikan tayo. Sinubukan kong magpaliwanag sa kanya pero sarado ang isip nya na pakinggan ako."

"Pictures? What pictures?"

"Yung nasa dressing room tayo kahapon."

"I'm so sorry, Sheeny. Hindi dapat kita niyakap kahapon, nadala lang naman ako ng sitwasyon." Ngumiti sa akin si Pablo. "Don't worry, I will help you to depend our sides. God knows na wala tayong ginawang masama. Mahal na mahal ka ni Ken siguro naman hindi ka nya matitiis."

Oo nga pala, speaking of Ken. "Pablo, umuwi na si Ken? Nasaan sya?"

Umiling si Pablo. "Hindi pa sya umuuwi. Baka nagpapalipas lang ng sama ng loob sa labas. Wag kang mag-alala babalik din sya."

COUNTLESSWhere stories live. Discover now