Count 52: Like A Cinderella.

513 25 0
                                    

KEN'S POV

"Guys, anong gagawin natin? Malay ba natin na magiging big deal pala kay Ms. Hong ang pagtira ni Sheeny dito. Pasalamat tayo dahil wala pang alam si Tatang Robin sa nangyayari." Basag ni Stell sa katahimikang nabuo matapos umalis ni Ms.Hong at naiwan kami sa sala.

"Hindi naman talaga malaking issue 'to. Ang gusto lang ni Ms.Hong, ilayo natin si Sheeny sa atin habang wala pang may alam na dito talaga sya nakatira. Mabuti nga walang nakakaalam sa university na dito nakatira si Sheeny sa atin." Matamlay na isinandal ni Josh ang likod nya sa backrest ng sofa.

"What were going to do now? Iniisip ko palang na ililipat natin si Sheeny nalulungkot na ako. Nasanay na ako na may maingay dito sa loob ng mansion." Nakayuko lang si Justin at tila naghahanap ng sasabihin mula sa sahig. "Ililipat ba talaga natin sya, pinuno?" Dagdag na tanong ba ne'to.

Seryoso lang si Pablo. Nakapatong ang kanyang siko sa arm rest ng sofa. "Hahanap ako ng unit para kay Sheeny. Hindi ko sya pwedeng pabayaan, ako ang nagdala sa kanya dito sa mansion at responsilidad ko sya, may punto si Ms. Hong. Kapag masyado nating inilpit sa atin si Sheeny, baka mapahamak lang sya. Hindi lahat ng fans ay magugustuhan sya, baka may magtangka pa sa buhay nya."

Ayoko nang sumali sa usapan. Walang buhay akong tumayo. "Ken? Saan ka pupunta?" Tanong ni Stell nung nakatalikod na ako.

"Kay Aning." Plain kong sabi. Dumeretsyo ako sa pinto ng kwarto ng babaeng laman ng usapan namin ngayon. Hinawakan ko ang doorknob at nang pihitin ko yun ay hindi naman nakalock. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, maingat ako para hindi makalikha ng ingay.

Kaagad na hinanap ng mga mata ko si Aning, nakahiga sya sa kama nya. Mabagal akong lumapit papakapit sa kanya at naupo sa gilid ng kama.

Natutulog na ba talaga sya? Nakita ko sya kanina, nakasilip sa mula sa pinto at siguradong narinig nya ang mga sinabi ni Ms.Hong kanina. Akala nya hindi ko sya napansin.

Nakakumot sya hanggang bewang at napangiti ako ng makita ko syang mahigpit ang yakap sa stuff toy na sisiw. Ako ba ang sisiw na'to? Kung buhay yung sisiw baka namatay narin sa sobrang higpit ng yakap ni Aning. Yung kuting ko na si Kuro tulog din sa may bandang itaas ng uluhan nya.

"Akala mo kung sinong mabait kapag tulog." Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha nya.

Huli kong naramdaman ang ganito noong buhay pa si Winter, akala ko noon hindi na ako makakaramdam ng ganito.

Aminado naman ako na gusto ko na talaga sya. Mahirap ipaliwanag pero hindi ko itatanggi.

"Wag mong paniwalaan yung sinabi ni Ms. Hong. Hindi ka treat sa amin at kahit kelan hindi ka magiging treat. Wag mo sanang isipin na pang-gulo ka lang. Hindi yun ganun." I left a kiss on her forehead. Inayos ko din ang pagkakakumot nya saka ako walang ingay na lumabas ng kwarto.

Hindi ko alam kung ano ang naramdaman nya tungkol sa mga narinig nya. Sana maayos lang sya.

Halos mabaliw ako nun ng namatay si Winter pero sa pagkakataong ito na alam ko na ang totoong nararamdaman ko kay Aning.

Hindi ako papayag na malayo sya sa akin. Gagawa ako ng paraan.

***

SHEENY'S POV

Nagising ako dahil nasilaw ako sa sikat ng araw na tumagos mula sa bintana ko. Sino naman kaya ang nagbukas ng kurtina? Ang alam ko binaba ko yun kagabi ah.

Tanghali na pero wala ako sa mood para bumangon mula sa pagkakahiga ko. Ngayon lang ako tinamad ah. Wala rin akong ganang pumasok ngayon at parang nahihiya akong humarap sa SB19. Dahil sa akin napasermunan pa sila.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now