Count 75: Leaving.

457 23 6
                                    

KEN'S POV

12 am na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Mayat-maya ko na binalikad ang unan ko at para na rin ang kitikiti na hindi mapakali sa kama pero hindi parin ako makatulog. Masyadong ukupado ng kung ano-anong bagay ang utak ko kaya hindi ako makatulog, idagdag pa ang paulit-ulit na rumerehistro sa isip ko ang mukha ni Aning.

Wala ako sa kwarto ko kundi nasa kwarto ako ni Aning, nakahiga sa kama nya at Oo aaminin ko, umiiyak talaga ako. Habang yakap ang isang unan na iniimage kong ang babaeng mahal ko ay sya namang patuloy na pag agos ng luha ko. Sinong may sabi na hindi pwedeng umiyak ang lalaki?

Meow..Meow...Meow.

Humiga si Kuro sa ibabaw ng yakap kong unan. Nakatingin ang asul nyang mga mata sa akin, tila hinuhulaan nya kung ano ang lumalabas na likido sa mga mata ko.

Idinako ko ang palad ko sa ulo nya at marahang hinimas ang malambot at itim nyang balahibo. "Kuro, miss ko na ang langga ko. Gusto ko na syang umuwi, gusto ko na syang mayakap."

Meow...Meow...Meow.

Puro meow lang naman ang sinasagot sa akin nitong kuting. Pasimple akong napangiti, kahit paano napapagaan nya ang loob ko sa mapusa nyang paraan ng pagsagot. Hindi na masama.

Binuhat ko si Kuro at inilapat ito sa dibdib ko. Nakakatuwa. Kaagad syang nakatulog ng madikit sa akin. Inilabas ko ang isa ko pang cellphone, dalawa ang cellphone ko at yung isa ay nawala. Mabuti nalang sa lumang cellphone ko naisave ang mga pictures ni Aning.

Tinungo ko ang gallery ng hawak kong cellphone at tumambad sa akin ang madaming pictures ni Aning. Kahit wala pa akong nararamdaman sa kanya noon, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gustong-gusto ko syang kinukunan ng pictures ng palihim. Ayaw ko sa kanya noon pero nagpapaka stalker ako para lang kunan sya. Aaminin ko, mukha talaga syang manika.

Hindi ko mapigilang matawa ng muli kong makita ang kauna-unahan kong picture ni Aning. Ito yung moment na sinulatan ko gamit ng pentelpen ang mukha nya habang nahihimbing sya sa pagtulog. Hindi ko din makakalimutan kung gaano sya kaasar sa ginawa ko.

Sa sunod na picture na nislide ko, ito naman yung gumanap syang Cinderella noon sa play nila. Zinoom ko ang mukha ni Aning at parang tanga na niyakap ko yung cellphone. Mas lalo akong naiiyak habang mas tumatagal na wala sya sa tabi ko.

"Aning, langga ko. Umuwi ka na please. Magbati na tayo. Hindi ko na paiiralin ang init ulo ko basta umuwi ka lang. Sorry na."

***

PABLO'S POV

"Akala ko ba hindi ka uuwi? Sobrang late na ah. Saan ka ba galing? Ngayon ka lang umuwi ng ganitong oras. Kasama mo ba si Sheeny?" Kaagad na sambit ni Stell pagkapasok ko. Tinext ko kasi sya kanina habang nasa byahe ako na pauwi ako at sya na rin mismo ang nagbukas ng main door para sa akin. Naka suot sya ng kulay pink na ternong pantulog. Naistorbo ko pa yata sya sa pagtulog nya.

"Umuwi lang ako para kunin ang ilang gamit ni Sheeny." Madilim na ang buong mansion ng maabotan ko. Kunting ilaw na lang ang nakabukas.

Sinabayan ako ni Stell ng paglalakad papunta sa sala. "Kunin ang mga gamit nya? Bakit nasaan ba sya? Kung makapagsalita ka naman parang hindi na sya babalik dito sa mansyon." Napahikab pa si Stell sa gitna ng kanyang pagsasalita.

Nagkibit balikat ako. "Parang ganun na nga Stell, hindi na uuwi si Sheeny dito."

"Hala! Bakit naman? Ganun ba ka grabe ang galit nya kay Ken para umalis sya dito sa mansion. Sobra naman yata yun. Hindi ba pwedeng magbati nalang sila para everybody happy na."

"Hindi na uuwi si Sheeny dito dahil isa sama na sya pauwi ng pamilya nya." Plain na sabi ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang natuklasan ko at tapos ko na ang misyon pero napagtanto ko na later on malalaman at malalaman din naman nila.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now