Count 41: Necklace.

533 23 3
                                    

KEN'S POV

Nakatayo ako sa harap ng isang lumang bahay. Madilim ang paligid pero may isang batang babae ang nakatayo sa mismong pintuan ng bahay. Puti ang kanyang suot na bestida kaya malinaw sa paningin ko ang kulay pulang likido na umaagos mula sa kanyang balikat pababa.

Nakatingin sa akin ang umiiyak nyang mga mata. Sinubukan kong lapitan sya pero ni paghakbang ng paa ay hindi ko magawa. Hindi ako makakilos sa ginagalawan ko.

"Sabi mo hindi mo ako iiwan. Sabi mo mananatili ka sa tabi ko."

Ako ba yung tinutukoy nyang nang iwan sa kanya? Bakit? Ano naman ang dahilan kung bakit ko sya iniwan? Ako ba ang dahilan kung bakit sya duguan?

"Bakit ka umalis? Bakit hindi mo ako binalikan?" Mas lumakas ang pag-iyak nya at naupo na rin sa sahig.

Ibinuka ko ang bibig ko pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko!

Ken!

Ken!

Ken!

Umaalingawngaw ang isang boses sa buong kapaligiran. Saan yun nang-gagaling?

Muli kong tiningnan yung batang babae pero wala na sya dun sa pwesto nya kundi nasa harapan ko na mismo!

"Sabi mo hindi mo iiwan si Aning. Hanapin mo 'ko, Felip.Balikan mo ako."

KENNNN!

PAK!

Isang masakit na sampal ang tumama sa pisngi ko. Pagmulat ko, si Aning kaagad ang nakita ko. May pag-aalala sa mukha nya.

"Salamat naman gising ka na! Kanina pa kita ginigising nananaginip ka yata."

Panaginip? Nananaginip lang pala ako kanina! Akala ko totoo na!

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit! Heto na ang hangover!

Nandito parin kami sa lumang bahay, pero wala ng ulan at mataas na ang araw. Yung liwanag pumasok sa basag na bintana. Umaga na pala.

"Ken, umuwi na tayo. Gutom na ako. Saka baka nag-aalala na rin sila sa atin."

Tumango lang ako. Sabay kaming tumayo ni Aning mula sa pagkakaupo sa sofa. Basang-basa ang buong loob ng bahay dahil sa ulan kagabi. Naunang lumabas si Aning ng bahay at nakatingin lang ako sa likod nya habang Naglalakad sya palayo.

Aning.

Nagkataon nga lang ba na magka pangalan sila? Bakit alam nung batang babae sa panaginip ko ang totoo kong pangalan?

"Aning, sandali lang." Tawag ko sa kanya nung nakalabas na rin ako sa lumang bahay.

"Yes?" Nilingon nya ako nang may ngiti sa kanyang mga labi. Maganda siguro ang gising nya. "Bakit mo ko tinawag? May sasabihin ka ba? Mag go-good morning ka ba?"

"Ang dami mo naman kaagad nasabi eh." May gusto lang akong kompermahin. "Lumapit ka nga dito."

Tumabi sya sa akin at sabay kaming naglakad ng mabagal. "May itatanong ako sa'yo. May kilala ka bang Felip ang pangalan?"

"Felip? Parang wala akong naalalang ganyang pangalan. Bakit mo naman natanong?"

Umiling ako. "Wala naman." Ibig sabihin wala syang alam. Nagkataon lang nga siguro. Mali ako ng iniisip.

Pero..

Sino yung batang babae sa panaginip ko?

Bago kami tuluyang makaalis ni Aning, nilingon kong muli yung lumang bahay.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now