Count 21: Z Magic.

628 32 0
                                    

SHEENY'S POV

"Sheeny, what happend to your hair? Bakit ginawa mong shampoo ang dishwashing soap? Pati sa mukha mo meron na. Lika dito, punasan natin." Gamit ang panyo marahang pinupunasan ni Pablo ang mukha ko, hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha nya. "Oh ayan, mas better na."

Kahit naman napunasan na nya ang mukha ko ang lagkit parin ng ulo at buhok ko. Sira ulo talaga si Ken eh, ibuhos ba naman sa akin yung isang litro.

"Anong nangyari sa inyo ni Ken? Bakit ganung eksena ang naabutan ko? Nag-away na naman kayo?"

"Oo, pero hayaan mo nalang. Hahabaan ko nalang ang pasensya ko sa kanya." Mukhang kulang sa aruga ang isang yun eh.

"Ihahatid na kita sa kwarto mo, hayaan mo nalang na maids ang maglinis dito. Magpahinga ka na. Tara na."

Wala na akong nagawa pa dahil hinila na ako ni Pablo palabas sa kusina. Iba talaga ang pakiramdam ko kapag si Pablo ang nasa tabi ko, feeling ko safe ako. Hindi katulad kapag nasa paligid si Ken, feeling ko anytime mapapatay nya ako eh pero kahit na ganun sa kanilang lima, si Ken ang pinakagusto kong makilala. Kahit pa napakasunget nya.

"Sheeny, pwede ba akong magtanong?" Tanong ni Pablo nang makarating na kami sa kwarto ko. Sya ang nagbukas ng pinto para sa akin.

"Nagtatanong ka na nga di ba?" Sagot ko naman.

"I mean can I ask something?"

"Sige na nga, ano ba yun?" Kung tungkol sa math ang itatanong nya, waley ako dyan.

"Yung kinanta mo sa theater room kanina, saan mo natutunan? It fits perfectly in your voice. Para tuloy ikaw ang original singer ng kanyang yun."

Yieee! Pinupuri ako ni Pablo! "Sa totoo lang, hindi ko alam at kung paano ko sya natutunang kantahin. Noong nasa ampunan ako, madalas ko na syang kinakanta kapag malungkot. Para bang parte na sya ng sistema ko, ganun." Sagot ko. "Sige, matutulog na ako. Salamat sa paghatid, Pablo. Goodnight. "

Kumaway lang si Pablo sa akin at sya na din ang nagsara ng pinto. Pagkahiga ko sa kama, bumalik lahat ng nangyari sa amin ni Ken sa kusina.

Ang akala ko, okay kami kahit madalas kaming nag-aasaran pero iba yung kanina, para bang pinamumukha nya sa akin na hindi dapat ako nandito. Sino nga ba naman ako para maki-eksena sa buhay nila? Tama si Ken. Isa lang akong probinsyana na walang alam.

Tsk. Bahala sya. Kung ayaw nya sa akin, hindi ko na pipilitin na makipag kaibigan sa kanya. Aawayin at aawayin lang naman nya ako.

"Kaaway kita, hindi isang kaibigan." Yan pa ang sinabi namin sa isat-isa.

Mula bukas, hindi na ako aasa na magiging mabait sya sa akin. Makatulog na nga lang. Sabado nga pala bukas! Yes! Magiging mahaba ang tulog ko nito!

Kinabukasan ay maaga parin akong nagising. Naka oversized T-shirt lang ako at naka-tuck in sa high weist short. Dumaretsyo ako sa dining area at sina Pablo at Stell lang ang naabutan kong nandun. Si Stell, humihigop ng kape at si Pablo naman ay nagbabasa ng libro. Wala yata silang pasok.

"GOOD MORNING!!"Kaagad kong Sigaw pag-lapit ko palang sa kanilang dalawa. Sa sobrang lakas ng sigaw ko, biglang naibuga ni Stell ang kape na iniinom nya.

"Aray! Ang init! Wag ka ngang manggugulat ng ganun, Sheeny. Napaso tuloy sila ko." Reklamo nya, pinunasan nya ang labi nya gamit ang table napkin.

Umupo ako sa pwesto ko at naglagay ng bacon at pandesal sa plato ko.Tumingin naman ako kay Pablo na busy sa pagbabasa. "Good morning Pablo."

Bahagya nyang ibinaba yung libro at ngumiti sa akin, nasilayan ko tuloy ang braces nya. "Good morning din sa'yo Sheeny."

"Aga-aga high blood ka atah ngayon Stell." Natatawa kong sabi kay Stell.

COUNTLESSOnde histórias criam vida. Descubra agora