Prologue

30 3 2
                                    

Maaga akong nagising katulad ng nakasanayan ko. Isa akong estudyante sa umaga at nagpapart time naman ako tuwing hapon hanggang gabi. Bata pa lamang ako ay namulat na ako sa ganoong gawi. Dahil sa buhay namin, Wala kaming kakainin kung hindi kami kikilos.

Pinanganak akong hindi mayaman at walang prebilehiyo. Lima kaming magkakapatid at ang dalawang panganay sa akin ay maagang nag asawa. Kaya naman, hindi din nila nagawang matulungan ang aking mga magulang.

Ang dalawa ko namang nakababatang kapatid ay hindi pa nag aaral, kung kayat habang maaga pa ay pinag iipunan ko iyon dahil ayaw kong lumaki sila ng walang pinag aralan.

"Anak, may singkwenta ka ba riyan? Nag kaakitan kasi kaming uminom ng tropa"

Napabuntong hininga ako dahil umagang umaga ay iyon ang bumungad sa akin. Iniabot ko ang natitirang singkwenta sa wallet ko.

May part time naman ako mamaya kaya ayos lang. Malapit lang din ang school dito kaya, kaya Kong lakarin.

"Mei pahiram nga muna isang daan, wala pa ang kuya mo, ibibili ko lang pang ulam"

"Wala na te, hiningi na ni papa yung natitira kong pera"

"Ang damot talaga!"

Napangiti na lamang ako ng mapait at hindi dinamdam ang sinabi niya. Maaaring madamot ako, pero hindi sa inyo, kundi sa sarili ko mismo.

Dumiretso ako sa upuan ko nang makarating sa room. Wala akong kaibigan, at Wala ring nagtatangka na kaibiganin ako, siguro dahil Wala akong pera. Ganoon naman ang mga tao hindi ba? Kaya bakit pa ako magtataka.

Nagbasa na lamang ako habang wala pa ang teacher namin, pero nahinto din ng dumating ito at may dalang magandang balita para sa akin.

"Miss Londres was chosen to be our School representative for the Regional Quiz bee"

Ngumiti sa akin ang teacher ko at nginitian ko din siya.

"Ma'am hindi po ako makakasali, malaki po siguro ang magagastos"

"Wag kang mag alala Miss Londres, ginagawan na iyon ng paraan ng school"

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

Pagkatapos ng klase ay kinailangan ko munang dumiretso sa office ni Ma'am Rina dahil nagtatrabaho ako sa kaniya bilang student assistant. Kailangan ko iyon dahil iyon ang sumusuporta sa pag aaral ko ngayong senior high.

Medyo nakakapagod ang gawain doon dahil madaming kailangan ayusin na mga papers.

"Good afternoon maa-" napahinto ang lalaki sa pag sasalita ng makita niya na ako lang ang tao doon.

"Opss. Sorry! Si Ma'am Rina, andito ba siya?"

"Nakikita mo ba?"

"Hindi"

"Edi Wala"

Tinalikuran ko siya pagkatapos noon. Nakasimangot siyang lumabas.

Pagkatapos ko doon ay inintay kong makabalik si Ma'am bago dumiretso sa gasolinahan na pinapasukan ko tuwing gabi.

Madalas ay alas otso ang labas ko doon, pero dahil nahuli ang karilyebo ko ay inabot ako ng alas dies.

"Pasensya ka na Meisha, may tinapos pa kasi ako"

Paliwanag ng kasamahan ko. Ayos Lang iyon sa akin dahil may bayad naman ang pag overtime ko.

Gabi na at halos walang ng Tao sa daan, pero minabuti kong maglakad na lang dahil Sayang sa pamasahe Isa pa ay ilang kanto lang naman ang layo nito sa bahay namin.

Nagpahinga muna ako at umupo sa may batong nakita ko. Inistretch ko ang paa ko dahil mapagod, napansin ko din ang pag daan sa harap ko ng isang sasakyan.

Umalis na ako dahil baka gabihin pa ako lalo. Kinabahan ako ng mapansin na may sasakyang sumusunod sa akin.

Binilisan ko pa ang lakad ko dahil baka kidnaper iyon. Maya maya ay bumusina ito kung kayat nagulat ako.

"Ano bang problema mo?"

Sigaw ko sa driver at kinatok ang bintana niya. Laking gulat ko ng makita iyong lalake kanina.

"Sorry, natakot ba kita?"

"Hindi, napasaya mo pa nga ako!" Naiirita ako sa kaniya, napaka creepy niya.

"Hehe. Sorry. Hatid na kita. Saan ka ba?"

"Pasensya na pero hindi ako kaladkaring babae. Salamat pero kaya ko ang sarili ko."

Nag lakad na ako at mas lalong nainis ng hindi siya tumigil sa pag sunod sa akin. Huminto ulit ako at hinarap siya.

Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"Wag ka naman magalit sakin, hindi ako masamang Tao"

Itinaas pa niya ang kamay niya na parang nangangako.

"Gabi na kasi baka kung mapano ka pa, kaya kung ayaw mong ihatid kita, susundan na lang kita hanggang sa makauwi ka"

Ngiting ngiting sinabi niya iyon. Wala akong nagawa kundi tumuloy sa paglalakad hanggang makarating ako sa kanto malapit sa bahay namin.

Humarap ako sa kaniya.

"Salamat" kahit papaano naman ay naappreciate ko ang ginawa niya.

Aaminin Kong nawala ang takot ko ng nalaman kong may nakatingin sa akin. Medyo magulo din Kasi ang lugar namin at madalas may narirape.

"Dito ang bahay mo?"

"Hindi, doon lang sa Banda don. Kaya ko na mag Isa simula dito, kaya makakaalis ka na"

"Anong pangalan mo?"

"Stalker ka ba? Bakit ko sasabihin sayo? Hindi nga Kita kilala"

Napasimangot siya at may ibinulong pa. Napasulyap siya sa orasan niya at nanlaki ang mata. Mukhang may importante pa siyang lakad ng ganitong oras.

"Crunos Mendez at your service madam"

Pakilala niya at sumaludo pa bago pinaandar ang sasakyan niya palayo.

Baliw ba siya? Weird.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now