Chapter 43

6 0 0
                                    

Naging curious ako sa kung paano nalaman kung sino ang may kagagawan noon. Dahil sobrang bilis at imposible na maresolba iyon ng ganoon kadali lalo na at kumalat iyon sa page ng University sa social media.

Nalaman ko na nagpatulong si Uno kay Jace at sisiw lang iyon sa kaniya. Ang pagtrace kung saan pinakanag mula ang picture. Napahanga naman ako sa ginawa niya, ibang klase pala talaga ang galing niya sa computer. Mukhang may utang na loob ako sa kaniya.

Kinabukasan kahit nalaman na ang totoong nangyari ay hindi pa rin humuhupa ang usapan tungkol doon.

"Nahuli na daw iyong totoong may gawa ah?" napatigil ako ng marinig ko iyon. Nagtago ako sa pader para hindi nila ako makita.

"Sus! Naniwala ka naman doon? Balita ko Pulis ang boyfriend noong babae kaya hindi malabong, alam mo na." naglalakad sila palayo kaya pahina ng pahina ang pinag uusapan nila. Pero naririnig ko pa rin.

"Kung sabagay uso iyon ngayon. Gamitan ng kapangyarihan" iyon ang huli kong narinig mula sa kanila.

Nasasaktan ako para kay Uno. Tapat at mabuti siyang Pulis kaya nasasaktan ako sa naririnig ko tungkol sa kaniya, at dahil iyon sa akin.

Hanggang matapos ang araw ay iyon ang tumatakbo sa isipan ko, kung paanong pati si Uno ay nahuhusgahan na ng dahil sa akin.

Iwinaglit ko na lamang ang isiping iyon dahil hindi niya magugustuhan kapag nalaman niyang ganoon ang naiisip ko.

Nagfocus ako sa thesis, final exams at requirements para sa graduation ngayong June. Medyo late dahil madami pang kailangan ayusin sabi ng Dean.

Nagawa ko lahat ng iyon habang nagtatrabaho at sumusuporta sa gamot ni papa pati na rin sa konsumo sa bahay kabilang sila ate. Dahilan niya ay ako ang nagpauwi sa kaniya kaya dapat lang na ako ang magagastos para sa kanilang mag anak.

"Londres Meisha, Summa Cum Laude" bumalik ako sa realidad ng tawagin ang pangalan ko.

Para akong lumulutang sa ulap habang palapit ng stage. Naiiyak ako dahil sa wakas. Natapos din ako. Alam kong marami pang mangyayari pero masaya ako na may natapos nanaman akong yugto sa buhay ko. At ang masaya pa roon ang lalaking kasama ko noong nakaraang graduation ay kasama ko pa rin ngayon.

"Girlfriend ko ya! Wohoo!" sigaw ni Uno mula sa mga manunood habang nakatutok sa akin ang kaniyang camera. Sa tabi niya ay si papa na nasa wheelchair, masaya na akong nakaattend siya ng graduation ko. Sana ay nandito rin si mama. Sana kasama rin namin siya, baka mas masaya ako.

Naluluha ako ng abutin ang diploma at parangal ko. Tumakbo ako pababa para salubungin ang papa ko at si Uno. Iniabot sa akin ni papa ang kumpol ng rosas na siguradong galing sa tanim ni Uno.

"Congratulations anak! Proud na proud sa iyo si papa" ngumiti ako kahit na naiiyak ako dahil sa sobrang tuwa.

"Para sa inyo ito papa" bumitaw ako sa kaniya para yakapin si Uno.

"Ang galing ng girlfriend ko. Nakakaproud. Mas proud pa ako ngayong graduation mo kaysa noong graduation ko" umakto pa siyang nagpupunas ng luha.

"Ako lang ito Uno"

Nagkaroon kami ng maliit na salo salo pagkatapos noon. Akala ko ay magiging masaya na ang araw na iyon pero tama nga sila nakakatakot maging masaya dahil masakit ang magiging kapalit.

Nang gabing iyon tuluyan na kaming iniwan ni papa. Ang dapat na selebrasyon ay naging pagluluksa. Kung alam ko lang na iniintay niya lang na makagraduate ako sana inako ko na lang ang kasalanan. Sana nagpa expell na lang ako, para mas tumagal. Para hindi muna niya ako iniwan.

Masakit, sobrang sakit dahil nawalan nanaman ako ng inspirasyon para magpatuloy. Ang dami kong pangarap para sa kaniya pero hindi ko na matutupad dahil wala na siya. Ang dami kong plano katulad ng pagawan siya ng bahay at bilhan ng sasakyan. Gusto kong dalhin siya sa Baguio dahil pangarap niya magka aircon. 

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now