Chapter 18

4 0 0
                                    

Naiilang ako nang lumabas kami hindi dahil sa suot ko kundi dahil nakaakbay sa akin si Avril na para bang close talaga kami. Hindi naman sa minamasama ko iyon pero, sa tingin ko ay nagkulay kape ako dahil sa sobrang puti niya.

"Wow! Chick'as!" sabi ni Eric at sumipol pa talaga.

Itinaas ni Avril ang gitnang daliri niya. Nakatanggap naman kaagad siya nang pambabatok mula sa kapwa lalake.

"Tara kain na tayo!" nagtakbuhan naman kaagad sila papunta sa cottage Kung saan nakahain ang pagkain.

Nagtaka naman ako ng hindi nakisama si Uno doon. Sinabayan niya lang ako sa paglalakad.

"Bakit hindi ka nakitakbo sa kanila?"

"Sasabayan kita" tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi siya komportable na makita akong ganoon. "K-komportable ka ba sa suot mo?" nauutal niya pang tanong bago nag iwas ng tingin.

"Bakit? Hindi ba bagay?"

"N-no. That's not what I mean. Bagay sayo, kaya lang hindi ka ba nila pinilit na isuot yan?"

"Hindi naman. Ayos lang" ayos lang naman talaga iyon sa akin. Dahil sa totoo lang ay mas nadagdagan ang confidence ko dahil pinuri nila ako. Hindi ako uhaw sa papuri, pero masaya na makarinig ng compliment mula sa mga taong hindi ko pa naman ganoon kakilala.

Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Mukhang nag alala siya na baka napipilitan lang ako na isuot ito.

Pagkatapos kumain ay nagpasya na silang maligo, habang ako naupo muna sa dalampasigan.

Pinanood ko silang magtampisaw at maglaro sa tubig. Para silang mga bata na malaya, malayong malayo sa kung ano sila sa eskwelahan. Kung doon ay kita ang pagiging seryoso at pursigido sa pag aaral, ngayon ay para silang nakatakas sa isang mundong hindi nila gusto.

Nakita kong palapit si Uno sa pwesto ko. Inalok ko siya ng iniinom kong buko juice.

"Bat hindi ka pa maligo?"

"Mamaya na. Mainit pa"

"Arte naman. Maputi ka sis?" pinalo ko siya sa braso dahil nagsisimula nanaman siyang mang asar.

Bumuntong hininga ako, kaya naman napatingin siya sa akin.

"Wag ka nang mahiya sa kanila, hindi naman sila mahirap pakisamahan. Wala kang ibang dapat gawin kundi magpakatotoo, sigurado akong magugustuhan ka nila" nakangiting sabi niya sa akin habang ginugulo nanaman ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Ano ba yan!" reklamo ko naman sa kaniya.

"Uno, you're pestering her, aren't you?" Napatayo kami at sabay na tumingin sa nagsalita. Si Hershel kasama si Kylo at magkahawak sila ng kamay.

"Bro! Buti nakarating kayo" nakipag fist bump pa siya kay Kylo at humalik naman siya sa pisngi ni Hershel, agad naman itinulak ni Kylo si Uno ng pabiro.

"Hi Mei. Wow! You look adorable" Puri sa akin ni Hersh bago ako niyakap.

"Kumain na kayo?" tanong ni Uno sa kanila

"Yes. I wanna change clothes now, can you come with me?" pakiusap niya sa akin.

Sinamahan ko siya sa Villa para makapag bihis siya. Hindi naman naging matagal iyon, kaya lumabas siya kaagad sa cr.

"How is it?" pinagmasdan ko siya habang suot ang kulay navy blue na one piece bikini niya. Dahil maputi siya ay mas bumagay iyon sa kaniya, idagdag pa na maganda siya pati ang katawan niya.

"Ang ganda mo" nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Thanks. I didn't know nagsusuot ka pala ng ganyan? Or do my girls push you to wear it?" kumunot pa ang noon niya ng sinabi ang huling linya. Mukhang ganoon niya kakilala ang mga kaibigan niya.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now