Chapter 19

4 0 0
                                    

Naging masaya ang bakasyon na iyon para sa akin dahil iyon ang unang beses na nakapunta ako sa ganoong lugar. Madalas na puntahan lang namin ay mumurahing resort o kaya ay ang libreng tabing dagat.

Madami kaming ginawa na unang beses ko pa lang naranasan. Mabuti na lamang at marunong akong lumangoy kaya nakasama ako sa pag scuba diving nila. Dalwang araw kami doon at talaga namang masaya sila kasama. Kahit noon pa lang nila ako nakakasama ay naging maganda ang trato nila sa akin.

Pagkatapos naman ng masayang araw na iyon, balik nanaman ako sa dating gawi. Trabaho. At dahil bakasyon ay naghanap ako ng dagdag na pagkakakitaan.

"Mei, pakihatid sa table no.2" utos sa akin ni Avril.

Nirecommend niya sa akin na kung gusto ko daw ng dagdag trabaho ay matutulungan niya ako na ipasok sa food court nila. Malapit lang ito sa school namin at madaming dumadaan dito kaya mabenta. Sa kanila ang lahat ng stall dito, at nagtataka pa ako kung bakit kailangan niya pa magtrabaho dito.

"Here's your order ma'am, sir" iniabot ko sa mga magkakaibigan ang order nila, pagkatapos ay bumalik sa pwesto ko.

Maghapon ang duty ko doon kaya medyo nakakapagod. Umupo ako sa bakanteng upuan, para makapag pahinga. Tapos na din ang duty ko at kailangan ko naman pumunta sa gasolinahan. Pero bago iyon ay magpapahinga lng ako ng kaunti.

"Here!" nagulat ako ng may nag abot ng milktea sa akin. Si Avril.

"Naku! Wag na-" pinutol niya kaagad ang sasabihin ko.

"Accept it, or you're fired" masungit niyang sabi bago ako talikuran.

Natural na talaga siguro sa kaniya ang pagiging mataray pero mabait at the same time. Totoong gusto ko ang ugali niya. Kakaiba at totoo.

Tinanggap ko na lang iyon at nagpasalamat sa kaniya bago umalis para pumunta sa gasolinahan.

"Oh! Andito ka na pala"

"Ako na po Jan ate" pinalitan ko siya sa pwesto niya bilang cashier. Dito ako nakaassign ngayong bakasyon, mas mataas din ang sweldo dito kaya pumayag ako, iyon nga lang ay mas late nakakauwi. Pero ayos lang kaya ko naman umuwi mag Isa, kung minsan naman ay nadadaanan ako ni Uno at hinahatid pauwi.

"Good evening sir!" bati ko sa isang medyo maedad na lalaki. Pamilyar ang pigura niya at sobrang tikas ng dating niya. Umiedad na ito pero bakas pa din ang pagiging magandang lalaki noong kabataan niya.

Mapanuri ang tingin niya sa akin at kinakabahan naman ako sa paraan ng pagtingin niya.

"How old are you kid?" tanong niya sa akin sa isang baritonong boses na agad nagpakaba sa akin.

"S-seventeen po" kinakabahan na sagot ko.

"You're a minor yet your parents allowed you to work here? What a pity" agad na nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Halata ang pagiging mayaman niya, kaya siguro ganoon siya magsalita.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" padabog niyang inilagay ang binili niya at inasikaso ko na iyon bago pa siya may masabi ulit.

"You're kind of rude" napaangat ang tingin ko sa kaniya. Naiinis na ako.

"You're kind of arrogant sir. Thank you" iniabot ko ang binili niya at hindi na siya pinansin.

Hindi ako palasagot sa mga matatanda pero hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila niya. Masyado siyang mayabang.

Nagpokus na lang ako sa ibang customer, at kinalimutan ang nangyari, ayaw ko naman na makaapekto iyon sa trabaho ko.

"Sige na Mei, punta ka na please?" kanina pa ako kinukulit ni Uno na pumunta sa Birthday party niya sa isang araw.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now