Chapter 38

5 0 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong naghanda para magluto ng Caldereta. Kinailangan ko pang mag absent sa food court dahil, mamayang hapon ako susunduin ni Uno. Kailangan ko ng oras para mag handa, ayaw ko namang mapahiya. Kahit na mabait ang trato sa akin ng mga magulang niya, iba pa rin kapag nandoon ang mga Tito niya.

"Angg bangoo naman!" isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa sala. Dali dali akong lumabas para masigurong siya iyon. Hindi nga ako nagkamali, may mga kasama pa siya.

"Avril? Anong ginagawa mo rito?" halos magpanick ako ng makita siya kasama si Mich.

"At bakit? Ikaw lang ang may karapatang umabsent?" masungit na sagot niya sa akin.

"E-eh kasi..." nahihiya akong tumingin sa bawat sulok ng bahay naman. Maayos naman ito at malinis, pero masyado itong maliit kumpara sa mala mansyon nilang bahay.

"Hi Meisha, I'm sorry hindi ka namin nainform. Ayos lang ba magstay kami saglit?"

Sasagot na sana ako nang sumingit si Avril.

"What the fuck? Nahahawa ka na sa pagiging santa ni Aryana at Hershel. Come on Mich ikaw na lang ang inaasahan kong susunod sa yapak ko."  napaismid si Michelle sa sinabi ni Avril.

"I told you Nuno I'm not going home, it's my friend's house I should be welcome here!" isang sigaw ang narinig ko mula sa labas bago may muling pumasok sa pintuan namin.

"Mamaw ka talaga!" kasunod ni Maui ay si Uno na napapakamot na lamang sa ulo niya.

"Mei! Pagsabihan mo nga 'tong Nuno na ito. Pinapauwi ako, kung makaasta akala mo sa kaniya itong bahay. Bastos" lumapit siya sa akin para yakapin ako. Lalayo pa sana ako dahil amoy karne pa ako kaya lang ay mabilis niya akong nahila palapit sa kaniya.

"Baby I'm sorry, I tried to force them not to come. Niligaw ko pa sila para lang hindi makasunod, kaso masyadong magaling magdrive si Avril. Hayysstt" kita ko ang frustration niya at pangamba na baka magalit ako. "Are you mad?"

"Hindi! Ano ka ba? Ayos lang Uno. Ipaghahain ko kayo, malapit ng maluto iyong ulam" ngumiti ako sa kaniya bago sila muling harapin. "Pasensya na kayo maliit lang ang bahay namin-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil wala namang nakikinig sa akin. Si Mich at Maui ay nakikipaglaro sa mga kapatid ko na hindi ko napansin na nakapasok na pala. Habang si Avril ay abala sa pag tingin ng mga medalya ko at mga pictures. Nahiya tuloy ako dahil nakaframe doon ang picture namin kasama ang buong barkada nila kahanay ng picture ng buong pamilya ko. Baka isipin niyang assuming ako at iniisip na parte na ng barkada nila, pero hindi naman siya ganon.

"Maghahain lang ako"

Si Uno ay lumabas para bumili ng maiinom namin. Nang mapansing naghahain ay agad akong tinulungan ni Michelle.

"Hala! Ako na, kaya ko na. Bisita ko kayo" pinigilan ko siya pero hindi siya pumayag.

"Ayos lang" kahit ilang beses ko na siyang nakasama ay nagagandahan pa din ako sa kaniya sa tuwing tititigan ko siya.

Minsan naiisip ko, kung mayroon ba siyang insecurities sa katawan. Sobrang ganda, bait, matalino, at sporty. Sobrang ideal niya para sa akin. Noon pa man ay madalas ko na siyang mapanood sa tuwing intramurals, palagi kasi siyang pambato ng grade level nila pagdating sa sports. Sobrang galing niya at halos walang makatalo.

"Kung nandito si Uno ay baka nagselos na iyon sa sobrang titig mo sa akin" napatawa siya ng mahina.

Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kaniya.

"P-pasensya ka na." nahihiya tuloy ako, baka isipin niya ay tomboy ako. Pero kung sa katulad naman niya ay bakit hindi?

Nang lumapit sa amin sina Avril at Maui ay parang mas nanliit ako, napapaligiran ako ng magaganda.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now