Chapter 5

8 1 0
                                    

"Meisha saglit lang naman. Ang bilis mo maglakad eh"

"Paano late na tayo"

"Parang yun lang eh"

Binilisan ko pa lalo ang paglakad. Paano ba naman mag aalas dos na. Ang bagal niya kasi kumain. Inakit niya pa ako na mag cutting na akala mo ay matagal na kaming magkaibigan.

Iniwan ko siya doon dahil magkaiba naman ang room namin. Mabuti na lamang at may dahilan ako kung bakit late kaya hindi ako napagalitan. Sinabi ko na kinailangan kong idischarge ang papa ko.

Nang mga sumunod na araw at buwan ay palagi pa din akong kinukulit ni Uno. Minsan ay naiirita na ako sa kaniya, pero nasasanay na din sa kakulitan niya.

Magaan siyang kasama at hindi mo maiisip ang problema kapag kausap mo siya. Wala akong ibang ginagawa kundi ang matawa at mainis sa kaniya.

Katulad ngayon, nangungulit nanaman siya. Kanina pa ako nahihiya dahil pinag titinginan na kami ng ibang tao.

"Mei sige na! Samahan mo na kasi ako"

"Nasaan ba ang mga kaibigan mo at ako nanaman ang kinukulit mo?"

"Busy sila, at saka kaibigan din naman kita"

"May trabaho nga ako Uno"

"Sama na lang ako sayo"

"Hindi pwede"

"Bakit hindi?"

Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang isama siya. Sabi ko ay wag siya maingay doon.

Alam kong hindi din naman ako mananalo sa kakulitan niya.

"Boyfriend mo?" tanong ng kasama ko.

"Kaibigan" nakakapanibago dahil kahit kailan ay hindi ako nakapagpakilala ng kaibigan kaya naman napaka bago sa pandinig na manggaling sa akin iyon.

"Ang gwapo ah! Sure ka kaibigan lang?"

"Oo. Wala akong balak mag boyfriend"

Sa dami ng kailangan kong gawin, Wala na sa isip ko ang makipag relasyon.

Nagstay lang siya sa convenient store ng gasolinahan, habang naglalaro ng ML. Inintay niya ako hanggang matapos ang duty ko.

Hinatid niya ako sa kanto malapit sa bahay.

"Nagugutom ka na ba?"

"Hindi pa nama-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng tumunog ang tiyan niya.

Natawa ako nang mag iwas siya ng tingin.

"Ano bang nakakatawa?"

"Wala"

Nakita kong namula ang pisngi niya na parang bata.

"Tara na nga" dinala ko siya sa isang ihawan.

"Kumakain ka ba nito?"

"Oo naman. Anong tingin mo sakin? Mayaman."

"Oo, hindi ba?"

Umiling siya habang tumutusok ng fishballs.

"Ang mayaman ay ang magulang ko, pero hindi ako"

Tumango lang ako sa kaniya.

"Ni wala pa nga akong napapatunayan"
Mukhang binulong niya iyon pero narinig ko pa din.

Kumain na lamang siya at Hindi na ako tinignan. Ramdam ko ang lungkot sa paraan ng pagkakasabi Niya noon.

"Ang sarap talaga ng isaw" bumalik na ang sigla niya noong kumain ng isaw.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now