Chapter 40

7 0 0
                                    

Dumating ang isa sa mga araw na pinakahinihintay namin pero sa kabilang banda ay parang ayaw namin mangyari. Ang graduation niya.

Sobrang proud at masaya ako para sa kaniya dahil sa wakas ay malapit na niyang maabot ang pangarap niya, pero kasabay noon ay ang bahagyang paglayo ng distansya namin sa isat isa.

Noong nakalipas na taon ay naging madalas ang pagtatalo nila ng Lolo niya, at para makabawi ay pumayag siyang sumama sa Manila para magtraining at kumuha ng kung ano anong exam para sa pagpupulis. Kasama niya ako sa pagdedesisyon doon. Naalala ko pa ang itsura niya na halos maiyak habang tinatanong ako kung ayos lang iyon sa akin. Syempre hindi, pero dahil mahal ko siya at may tiwala ako sa kaniya ay pumayag ako.

"Congrats Uno!" sinalubong ko siya ng yakap bitbit ang bouquet ng rose na pinitas pa namin ni Maui sa tanim niya.

"Sariling sikap para magkabulaklak" natawa naman ako sa sinabi niya.

Tumingin ako sa likod kung saan naroon sina Tita Cruzete at Tito Zero. Ngumiti ako sa kanila at sinuklian naman nila iyon.  Kitang kita ko kung gaano sila kaproud sa anak nila. Ako kaya? Kailan ko kaya sila makikita na proud sa akin?

"Hey! Aren't you happy?" iwinasiwas niya pa ang kamay sa harapan ko para makuha ang atensyon ko.

Iwinaglit ko ang naiisip ko at ngumiti sa kaniya. Yumuko siya ng kaunti para maabot ko ang pisngi niya. Kinulong ko iyon sa dalawang palad ko at tinitigan siya.

"Masaya ako syempre! Proud na proud ako sa'yo Uno. Sa wakas madadagdagan na ang mararangal na pulis"

"Malayo pa Meisha, pero gusto ko kasama pa rin kita" hinalikan niya ako sa noo bago sumunod sa parents niya papuntang sasakyan.

Sana nga Uno, sana sa mga panahong iyon ay kasama mo ako dahil iyon din ang gusto ko. Gusto kong makita kung paano ka magtagumpay at gusto kitang samahan sa bawat pagsubok at lumbay.

"Uno!" bago pa man kami makapasok sa sasakyan ay may isang pamilyar na tinig ang tumawag sa kaniya. Mas humaba ang buhok niya na hanggang balikat na ngayon. Si Kiesha.

Nawala ang ngiti sa labi niya ng bumagsak ang tingin niya sa akin. Hindi lingid sa kaalaman ko na gusto niya si Uno noon pa man. Nasabi sa akin ni Uno na umamin ito sa kaniya noong 3rd year sila, kaya medyo dumistansya siya rito lalo na at ito ang natitipuhan ng Lolo niya para sa kaniya. Wala naman iyon sa akin dahil sa assurance na ibinibigay ni Uno, hindi siya nagkulang sa akin at sobra sobra pa ang ibinibigay.

"Ano yun Kiesha?"

"Ah. I just want to say congratulations." akala ko ay aalis na siya pero may pahabol siya. "And oh! Sabi ng Sir Lolo mo ay sabay na tayo sa pag puntang Manila. See you!"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, pagtingin ko kay Uno para kumuha ng sagot ay ganoon din ang reaksyon niya. Ibigsabhin ay hindi niya rin alam.

Tahimik lang kami buong biyahe pauwi sa kanila dahil mayroong maliit na salo salo roon. Mabuti na lamang at wala ang Lolo niya dahil abala ito sa pag aasikaso ng mga papers para kay Uno.

"Baby I didn't know" siya ang unang nagbasag ng katahimikan habang nakaupo kami sa garden ng bahay nila. Katatapos lang namin kumain, siguro ay gusto niya rin akong makausap kaya inaya niya ako rito.

"Ang alin?"

"Aish. Iyong kay Kiesha, hindi ko alam na kasama siya, I swear. Hindi rin naman kami madalas mag usap kaya hindi ko talaga malalaman"

Ramdam ko ang pag aalala at kaba sa bawat salitang binibitawan niya. Tinitigan ko siya at tinantya ang sasabihin ko. Bumuntong hininga ako para kumalma ang nararamdaman ko dahil sa simpleng titig niya ay nababaliw ako.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now