Chapter 34

5 0 0
                                    

Ilang araw na lamang ang natitira bago ang Graduation namin. Tapos na kaming mag comply para sa mga requirements kaya pag papractice na lamang para sa graduation ang ginagawa namin.

Ngayong araw naman ay ang pictorial namin. Pinagmasdan ko ang mga kabatch ko na abala sa pagmimake up at pag aayos ng buhok samantalang ako ay nakatunganga lamang dito.

"Hey Meisha! Come here!" tumalima ako sa pagtawag ni Maui.

Nitong mga nakaraang linggo ay mas naging malapit kaming dalawa.

"Bakit?"

"Anong bakit? Aayusan kita" pinaupo niya ako sa harapan ng isang malaking salamin.

"Teka! Hindi naman na kailangan, ayos na ako sa pulbo lang"

"Tsk. Hindi pupwede, ako ang sisisihin ni Uno kapag hindi ka maganda sa graduation picture." sinimulan niyang lagyan ng kung ano ano ang mukha ko. Nakiusap akong wag masyadong kapalan ang make up.

Habang ginagawa niya iyon ay nagrereklamo siya sa iniutos sa kaniya ni Uno.

"That guy! He even asked me to take a pictures of you. How dare him!"

Nalaman kong magkapatid ang Daddy niya at ang Daddy ni Uno kaya sila naging magpinsan. Pulis ang Daddy ni Maui, kaya naman palipat lipat sila ng bahay dahil sa mga naaassign sa Daddy niya.

"Mahirap bang magpalipat lipat ng tirahan?" tanong ko sa kaniya habang sinusuklay niya ang buhok ko.

"You mean, mahirap bang magkaroon ng tatay na pulis?" nahihiya akong tumango sa kaniya dahil nakuha niya ang gusto kong itanong. "Hmmm. Not really, but it's hard to be a policeman's wife I guess. I can see it through Mom, but she loves Dad so we have to follow him wherever he was assigned."

Tumango ako sa kaniya pero may pahabol pa siyang sinabi.

"But it's not really the distance that made it hard, it's the idea that your love one's foot was already in grave from the moment they oath."

Ngumiti ako sa kaniya kahit na sa loob ko ay napapaisip ako kung ano ang mangyayari sa amin ni Uno. Kung gaano kahirap ang pag dadaanan namin sa proseso ng pagpupulis niya, pero kahit ano pa man yun susuportahan ko siya katulad ng kung paano niya ako suportahan.

"Your turn."

Ngumiti at nagpasalamat ako kay Maui bago lumapit sa photographer.

Kanina lamang ay nagrereklamo si Maui dahil inuutusan siya ni Uno na kuhaan ako ng pictures pero ngayon ay todo kuha naman siya.

Pagkatapos ng pictorial ay nagdiretso practice na kami at pagkatapos ay uwian na.

Pero bago umuwi ay dumaan ako sa office ni Ma'am Rina dahil baka may kailangan siya.

Bago pa man ako makapasok ay nakabukas na ang pinto kaya rinig ko ang usapan sa loob.

"Mr. Landon, magpasalamat ka at mataas ang mga quizzes mo kaya pagbibigyan kita. But please, hindi na iyon pupwede sa college kaya umayos ka"

Mukhang may problema siya sa marka kay ma'am Rina, kaya nakipag usap siya rito.

"Opo ma'am. Thank you"

Nakasandal lamang ako sa may gilid ng pinto at iniintay siyang makalabas.

"Aishh. Badtr-- oh anjan ka pala?"  biglang lumawak ang ngiti niya nang makita ako. "Naku! Wag kang maturn off matalino naman talaga ako, iniipon ko lang talaga para sa college. Alam mo na pangarap kong maging engineer na umiigting ang panga"

Hindi ko alam kung anong pinag sasasabi niya kaya naman hindi ko siya pinansin at nilagpasan na lang.

"Sungit ni crush" narinig ko pang bulong niya bago ako tuluyang makalayo sa kaniya.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now