Chapter 14

4 1 0
                                    

"Uno?"... tawag ko sa kaniya.

Dahan dahan siyang lumingon sa direksyon ko. Naglakad ako palapit sa kaniya, nagulat pa ako ng sinalubong niya ako ng yakap.

Dinig ko ang buntong hininga niya na para bang pagod na pagod siya.

"May problema ba?"

"Wala. Namiss lang kita" bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at nginitian ako, pero hindi iyon kasing tamis at kasingtotoo ng mga ngiti niya noon. Parang may nagbago.

Dahil malapit na ako sa kaniya ay mas napagmasdan ko ang mukha nya. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya, at bakas ang pagod sa mukha niya.

"Gusto mo bang magpahangin?" tanong ko sa kaniya dahil mukhang kailangan niya iyon.

Tumango Lang siya at minuwestra ang sasakyan niya. Nagtext naman ako kay papa na may pupuntahan kami ni Uno, para hindi siya mag alala.

Hindi ko alam kung saan niya naiisip pumunta pero pamilyar sa akin ang daan.

Pasulyap sulyap ako sa kaniya habang nasa byahe. Walang sinuman ang umiimik sa amin, at tanging tugtog lang ang ingay na namamagitan sa amin.

Nakarating kami sa isang lugar na mataas Kung saan kita ang ibang kabahayan sa mababang lugar. Napakasariwa ng hangin at ang tahimik ng paligid.

Umupo siya sa bubong ng kotse niya at inalalayan naman niya ako para makaupo sa tabi niya.

Inabot niya sa akin ang kape na binili niya pati na din iyong sandwich.

"May problema ba?" nagdadalwang isip man ay nagawa kong itanong iyon sa kaniya.

"Wala. May hindi lang magandang nangyari between me and sir Lolo" tumingin siya sa akin at ngumiti.

Tumango lang ako sa kaniya at sinuklian ang ngiti niya.

"Ikaw? Kumusta ang bakasyon mo?" tanong niya sa akin.

"Masaya"

"Bat ang cold?" narinig ko ang halakhak niya.

"Hindi naman. Iniiba mo kasi ang usapan, ako dapat ang nagtatanong sayo niyan" natahimik siya at umiwas ng tingin habang nakanguso.

"Ayos lang ako. Sanay na ako sa ganoong set up. That's why I didn't come with my parents on Christmas dahil alam kong mangyayari iyon. My Lolo has too much expectation from me and Dad, and it really sucks." paliwanag niya at bumuntong hininga pagkatapos.

Hinayaan ko siyang isandal ang ulo niya sa balikat ko. Pinisil ko ang kaniyang pisngi, dahil iyon lang ang magagawa ko. Hindi ko kasi alam Kung ano ang sasabihin ko.

"Namiss mo ba ako?" Nagulat ako sa tanong niya kaya napalayo ako sa kaniya dahilan para mahulog ang ulo niya mula sa pagkakasandal sa akin.

"Aray ko naman!" reklamo niya dahil mukhang nasaktan siya.

"Sorry. Nanggugulat ka kasi"

"Tinatanong ko lang naman"  pagdepensa niya sa sarili niya.

"Bat ka pa kasi nagtatanong?"

"Gusto ko lang malaman kung namiss mo din ako. Kasi namiss kita"

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako naiilang sa sinabi niya, parang bigla akong nahiya.

"Oy! Bat umiiwas ka ng tingin?" Pinilit niya akong iharap sa kaniya. Nagtagumpay naman siya dahil hawak niya ang dalawang pisngi ko.

Napatitig ako sa kaniya, mas malaya kong napagmasdan ang mukha niya. Mas maaliwalas na ito kumpara kanina. Ngayon ko lang napansin na medyo singkit pala siya, at sobrang tangos ng ilong niya. Napakalinis ng mukha niya dahil sa buhok niyang malinis ang pagkakagupit. Pulis na pulis ang datingan.

Under A Rest | ☁️Onde as histórias ganham vida. Descobre agora