Chapter 44

7 0 0
                                    

"M-mama" mas mahinang tawag ko sa kaniya kaya naman imposibleng marinig niya ako isa pa ay ilang metro ang distansya namin mula sa kanila. Nanghihina ang mga tuhod ko at parang babagsak ako pero sinuportahan ako ni Uno.

"Saan ka ba pupunta? Pumasok na tayo sa loob" wika ni mama sa isang malambing na boses.

"Mommy look! Someone's crying over there! I think she's hurt. Shall we help her?" nagtama ang mata namin ng sinundan niya ang itinuturo ng bata. Bakas ang gulat at takot sa mga mata niya.

Paano niya nagawa sa amin ito? Paano ?

"Honey, I baked something for the two of you!" Lumabas mula sa gate ang isang lalake na maitsura, maputi ito at halatang mayaman. Napansin niyang natuod si Mama sa kinatatayuan niya, so siya pala? Siya pala ang ipinalit sa amin? "What's wrong?"

Sinundan niya ang tinitingnan ni mama at Nakita ako. Para bang kilala niya ako dahil kahit siya ay nagulat.

Kinuha niya ang bata mula kay mama at may ibinulong bago pumasok sa loob.

Lumapit sa amin si mama habang umiiyak. Bakit siya umiiyak? Kanina lang ay ang saya niya.

"A-anak! Pumasok muna kayo"

Hindi na ako nagmatigas at sumunod sa kaniya. Nasa likod ko si Uno at nakasunod sa amin.

Naupo kami sa sala at ipinaghain pa kami ng kabit niya ng cake. Nabalot kami ng katahimikan at parang walang gustong magsalita.

Tumayo iyong lalake pati na rin si Uno, para siguro bigyan kami ng privacy.

"A-anak. Kumusta ka? Ang mga kapatid mo?" ramdam ko ang kaba sa boses niya.

"N-nangugulila pa rin sila sa ina" pinilit kong patatagin ang boses ko. "Sobrang bata pa nila ng iniwan mo kami, para bumuo ng ibang pamilya"

"Patawarin mo ako anak" nagsimula na siyang umiyak sa harapan ko.

"Bakit ma? Paano mo nagawa sa amin ito? Bakit nagawa mo kaming ipagpalit?"

"Patawarin mo ako"

"Hindi ko ho kailangan ng paghingi ng tawad, ang kailangan ko paliwanag"

"Noong umuwi ako ay buntis na ako, alam iyon ng papa mo. Nag usap na kami at sinabi ko sa kaniyang makikipag hiwalay na ako, pumayag naman siya." kung ganoon ay alam na ni papa. Napapikit ako sa sakit ng maisip kung ano ang nararamdaman ni papa ng mga oras na iyon. Iyon siguro ang dahilan ng impit na pag iyak niya. Para akong madudurog kapag naiisip ko iyon.

"Napagod lang ako anak. Napagod akong magtrabaho pero hindi rin naman sapat para sa atin. Nahirapan ako at napagod sa tungkulin na dapat ang papa mo ang gumagawa, hanggang sa nakilala ko ang Tito Danny mo, tinulungan niya ako at pati na rin kayo. Nabuo si Dara at naging masaya ako Meisha. Mabait siya at binabalak namin na kuhain kayong magkakapatid ngayon taon."

Hindi ako nagsalita at dinadigest pa lahat ng sinabi niya. Napagod siya? Pagod rin naman ako a!.

"Noong nabubuhay pa si papa, siya ang nag aalaga sa amin ma. Siyang ang katulong ko sa bahay kahit na may sakit siya, kahit nanghihina siya." sunod sunod ang paglunok ko dahil may kung anong nakabara sa lalamunan ko. "I-iyong pambili na lamang ng gamot niya ay ibibili pa niya ng pasalubong para kay Mon at Mai, ng payong para sa akin d-dahil alam niyang wala ako noon at mahilig akong lumusong sa ulan"

Unti unting tumulo ang mga luha ko. Naalala ko kung gaano kalaki ang sakripisyo sa amin ni papa. Maaaring hindi iyon nakita ni mama pero ako, kitang kita ko at nasasaktan ako dahil sa sigurado akong hanggang sa huling hininga niya ay sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nangyari ito sa aming pamilya.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now